Saturday, November 25, 2023

P.45 "10 years later"


P.45 "10 years later"

nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman lalo at dahil wala na si Brandon ay wala na ring gurong nagguguide sa kanya sa pakikipaglaban na sinangayunan naman ni Krolo kahit na nagwika itong magaling na raw si Aron sa pakikipaglaban at mukhang hindi na need pang magkameron ng guro at mukhang nahasa na naman daw ni Brandon ng mabuti ang fighting skills nito sa halos isang taong pagtrain dito.

Makalipas ang sampung taon na kung saan nanatili pa ring nakatira sa headquarters ng venator sina Aron, Tuesday at Ang 10 years old na noong si Leo, dito na rin nagumpisang ma-diskubre ni Leo ang kanyang special ability at ang pagiging special half vampire niya na sa halip na matatalas na kuko at pangil ang lumalabas sa kanya kapag nagtatransform sya into full vampire form just like a normal vampire ay apat na matalas na mga metal sa magkabila niyang kamao ang lumalabas na maihahalintulad sa special ability ni Anton ang bodyguard leader ni Blinkoln. Nadiskubre ni Leo ang special ability nyang ito matapos siyang isama nina Aron na 24 yrs. old na noon at Krolo na 65 yrs. old na sa pangangaso sa kagubatang nasa loob ng kaharian ni king Julian kung saan isang mabangis na baboy ramo ang sumugod direkta kay Leo at dahil sa gulat at takot hindi niya inaasahang may lumabas na apat na metal claws sa kanyang kanang kamay na nag-cause na makalmot nya ang baboy ramong sumugod sa kanya sa leeg na pumatay dito, at kahit sina Aron at Krolo na kasama nya ay nagulat sa nakita nila.

Habang sina Tuesday (29 yrs. old) naman at Jack (31 yrs. old) na 4 years ng magkarelasyon ay marami ng mga invention at discovery na nalikha sa venators headquarters na pwedeng magamit against vampires ilan na rin sa mga inventions ni Karen ang malapit na nilang matapos gawin katulad ng vampire killing chemical, automatic crossbow, healing liquid etc... gamit na rin ang mga nebro at research papers na binigay kay Tuesday ni Karen bago sila umalis sa vendetta headquarters ang araw na kung saan din napatay ang mga myembro nito dahil sa wika na rin ni Karen noon kay Tuesday na si Tuesday lang daw ang alam nyang may kakayahang unawain at mas pagbutihin pa ang kanyang mga discoveries and inventions at alam nyang mapupunta ito sa mabuting kamay kung sa kanya ito mapupunta, lalo at alam rin ni Karen noon na oras na mahuli sila sa pagtakas ay siguradong magdedesisyon si Brandon na maiwan ang lahat ng myembro at patakasin si Tuesday kasama ang sanggol pa noong si Leo.

To be continued...

Friday, November 24, 2023

P.44 "King Julian gives his approval to Aron & Tuesday"

P.44 "King Julian gives his approval to Aron & Tuesday"

At matapos ang wikang iyon ni Felipe ang personal bodyguard leader ni Haring Julian ay nagwika na ang hari kina Aron,Tuesday at Krolo ng: sige pinapahintulutan ko ang pagpapalibing ng inyong mga kasamang vampire hunter dito sa loob ng aking kaharian at ang pagtuloy niyo sa headquarters ng venator vampire hunting group pero wag nyong sasayangin ang tiwala at pabor na binigay ko dahil isang beses ko lang ito binibigay.' na sinagot namang pareho nina Aron at Tuesday ng salamat at mababakas sa mukha ni Krolo ang galak dahil malaki rin ang utang na loob nya kay Brandon at Aron na nagligtas sa buhay nya noon against vampires at para na rin nyang nababayaran ang utang na loob na ito ngayon.

Matapos makalabas sa palasyo ni haring Julian sina Aron,Tuesday kasama ang sanggol na si Leo at Krolo kasama ang lahat ng myembro ng venator vampire hunting group pati si Jack na bago pa man sila dumating sa palasyo ay nandoon na sa library at nagbabasa ng nebro, ay agad ng tulong-tulong sina na inilibing sa bakanteng lupa ng libingan ng mga namatay ng kawal at mga tauhan sa loob kaharian. Sina Aron at ang lahat ng myembro ng venator kasama si Krolo ay tulong-tulong na naglibing habang si Tuesday naman na karga ang sanggol na si Leo ay nanonood at nakatayo sa gilid.

Ang venator headquarters ay matatagpuan sa loob ng kaharian ng regnum hindi ganun kalayuan sa mismong palasyo na kung nasasaan si King Julian at pamilya nito kaya napakagandang dito muna manirahan sina Aron,Tuesday at lalong lalo na ang sanggol na si Leo na  tinutugis ng mga bampira sa utos na rin ni Blinkoln dahil sa hula di umanong banta ito sa kanyang paghahari ang isang kasinungalingang sinabi sa kanya ni Van lalo at magbibigay ito ng proteksyon sa kanila na hindi sila basta basta matunton at masugod ng mga bampira.

Matapos makabalik sa venators headquarters ang lahat ng myembro nito at sina Tuesday,Aron at karga nito na si Leo ay nagwika si Krolo kay Aron ng: Ngayong dito na kayo mananahan sa headquarters namin Aron siguro mas makakabuti kung hindi muna kayo lalabas ng bakod nitong kaharian para maiwasan ding malaman ng kahit na sinong bampira na nandito kayo na pareho namang sinang-ayunan nina Aron at Tuesday. Doon na rin nag-umpisa ang pagiging magkakilala nina Tuesday at Jack na parehong studyholic at madalas magkatulong sa mga research sa vendetta headquarters habang si Aron naman ay nag ask kay Krolo na e train sya...

To be continued...

Wednesday, November 22, 2023

P.43 "Ang battle history ni Brandon sa regnum"


P.43 "Ang battle history ni Brandon sa regnum"

myembro rin ng vampire hunting group niyo? Na sinagot naman ni Aron ng: hindi po isa syang bampira.' Na nagdahilan sa hari para magulat at mapahakbang patalikod, na sinundan naman agad ng wika ni Krolo na wag raw matakot ang hari dahil mabuting bampira raw ito at kakampi, at nagtanong pa rin ang hari ng: e itong sanggol na karga niya sino sya? Na sinagot naman ni Aron ng: sya po ang anak ng leader ng aming vampire hunting group na si Brandon at ng kasintahan nitong dating prinsesa ng mga bampira na nasawi na rin. Na sinagot ng hari ng: kung ganun half vampire/half human ang sanggol na ito? At sinagot naman ni Aron ng: Opo ganun na nga.

Habang naguusap-usap sina Haring Julian, Aron at Krolo ay nagwika na rin si Tuesday ng kung sakali rin raw na payagan sila ng haring doon muna tumuloy sa headquarters ng venator ay gagawin niya ang makakaya niya para makatulong sa grupo lalo at hindi raw nya di umaano gusto ang kasalukuyang hari ng mga bampira at dapat itong mapalitan at mapaalis sa trono, at ito daw umano ang abusadong manliligaw ng kanyang matalik na kaibigang prinsesa ng mga bampira na si Lea ang nanay ng sanggol na karga nya, habang bigla namang may sumingit sa pag-uusap nila na isang lalaki at nagwikang: mahal na hari may mahalaga kayong lakad na naka sched ngayon at itong lalaking ito ay ang leader ng personal bodyguard ni Haring Julian at syang namamahala rin ng kanyang mga schedule at mahahalagang lakad na syang pinaka-pinagkakatiwalaan nyang mandirigma lalo at ito ay ang asawa ng isa nyang anak na babae at ang binigyan nya ng posisyong mamahala sa mga mandirigma ng kaharian na nagngangalang Felipe Lykendel isang magaling at matalinong warrior na minsan ng binansagang pinakamahusay na warrior sa kaharian ng regnum sa loob ng 3 dekada matapos nitong maipanalo ang battle competition doon na ginaganap every 10 years three times kasama na ang recent one na ginanap 7 years ago, upang markahan ang pagtatapos ng isang dekada, na kung saan lahat ng manlalaban sa buong lugar ng regnum ay pwedeng sumali para makakuha ng malaking pabuya at titulong Best Regnum Fighter of the Decade na kung saan nakalaban nya ang bata pa noon at 19 years old lang na si Brandon ang ama ni Leo na tinalo nya sa kampyonatong posisyon 7 years ago habang sya ay 57 gulang na noon kaya familiar na rin si King Julian sa kung sino si Brandon dahil isa ito sa nanood at main giver ng price sa nasabing battle competition.

To be continued...

Tuesday, November 21, 2023

P.42 "Asking King's permission"


P.42 "Asking King's permission"

Ang vendetta at venator vampire hunting group ay ang dalawa sa tatlong vampire hunting group na matatagpuan sa lugar ng Regnum ang capital city ng bansang Argentum na kung nasasaan sila, dahil sa pagkamatay ng halos lahat ng myembro ng vendetta ay nagbigay wakas na rin ito sa grupong ito kaya dalawa na lang ang natitirang vampire hunting group na matatagpuan sa regnum ang venator na nagsisilbing protector ng kahariang matatagpuan din sa lugar against vampires at ang isa pang vampire hunting group.

At kinaumagahan na nga kinabukasan matapos makatulog din sa headquarters ng venator sina Aron at Tuesday ay pinasama na sila ni Krolo kasama ang iba pang myembro ng venator group papunta sa kahariang pinaglilingkuran nila para makausap nila Aron at Tuesday ang haring namumuno doon para humingi na rin ng pahintulot na ipalibing ang mga kasamahan nilang vampire hunters sa lugar, at nakarating na nga sina sa loob ng palasyo ng hari na hindi kalayuan sa headquarters ng venator at doon na nakita nina Aron kasama si Tuesday karga ang sanggol na si Leo, at Krolo kasama ang lahat ng myembro ng venator group except si Jack na nagpaiwan sa headquarters nila dahil may tatapusin pa raw itong bagong eksperimento ang hari ng kaharian na si King Julian Romniserek ang kasalukuyang hari ng kahariang may katawagan ding regnum same sa pangalan ng capital city ng bansang yun na ang ibig sabihin ay kingdom o kaharian lalo at ito ang kahariang namamahala sa bansang argentum na kilala bilang number 1 source of precious metals sa buong mundo especially silvers at katuwang ng gobyerno doon. Dito na nagwika si Krolo kay King Julian ng: mahal na hari may nais akong ipakiusap sa inyong mga kaibigan ko.' na nilingon naman ng hari habang kinakausap ang isa sa mga tagapaglingkod nito sa kaharian. At nagwikang: o Krolo sino itong mga kasama mo at may sanggol pang kasama at ano ang pakay nila rito? Na sinagot naman ni Krolo ng: Meron po silang nais na ihingi ng pahintulot sa inyo.' at tumingin si Krolo kay Aron para magwika na ito, at nagwika na si Aron sa hari ng: tama po si Krolo Ako po ay myembro ng vendetta vampire hunting group at ang tanging nakaligtas sa pag atakeng ginawa ng mga bampira sa aming headquarters sa ngayon wala kaming matutuluyan lalo at may sanggol kaming kasama at kailangan din po namin ng mapaglilibingang maayos na lugar sa aking mga nasawing kasamahan kaya kung ipahihintulot niyo baka pwede silang mailibing dito sa loob ng kaharian niyo.' Na sinagot ng hari ng: ito bang kasama mong babae iho ay...

To be continued...

Monday, November 20, 2023

P.41 "Ang mga labi ng vendetta members"

P.41 "Ang mga labi ng vendetta members"

mong isa pang mabuting bampira na tumulong sa inyo? Na sinagot naman ni Aron ng: posible Krolo pero sa pagkakakilala ko kay Brandon hindi sya papayag na makaligtas at makuha ng mga bampira ng ganun-ganun lang lalo na kung alam nyang kamatayan na ang naghihintay sa iba pang myembro ng vendetta at mas nakapagtataka na wala rin sa lugar ang vampire slayer sword ni Brandon o kahit ang two curved knives nito na gamit nya sa pakikipaglaban na kung sakali man raw na sapilitan syang kinuha at sinama ng mga bampira ay dapat naiwan yun doon bilang bakas ng pakikipaglaban nya.' wika ni Aron habang puno ng luha at dalamhati ang mukha nito.

Makalipas ang ilang oras at ng mapagtanto nilang hindi na talaga nila makikita sa lugar sina Brandon at Froy ay nagdesisyon na si Aron na sabihan si Krolo na bumalik na sila lalo at baka may mga bampirang bumalik sa lugar na maglagay pa sa kanila sa kapahamakan, at isama na lang ang labi ng kanyang mga kasamahang nandoon, matapos ito ay iniatas ni Krolo kay Gordon ang pagbuhat sa anim na labi ng vendetta members lalo at may sapat naman itong lakas para gawin yun. At umalis na sila sa lugar pabalik sa venator headquarters.

Si Jack naman na naka detect na ng vampire essence sa kanyang vampire detecting radar bago pa man tuluyang makalapit sa venator headquarters ay naghanda na at binunot na ang kanyang espada lalo at habang papalapit sya sa may pinto nito ay palakas ng palakas ang nadedetect nya at matapos nyang sipain ang pinto ay doon nya nakita si Cindy na kausap si Tuesday ang nadedetect ng radar nya na bampira at sinabihan sya ni Cindy na wag matakot at mabuti raw ang bampirang yun' at nagwika si Jack na nasaan daw sina Krolo at mga kasamahan nila at bakit sila lang ang nasa headquarters na sinagot naman ni Cindy ng: May pinuntahan lang sila kasama ang batang vampire hunter na kaibigan ni krolo.

Ilang saglit lang ang nakalipas ay dumating na rin sa headquarters ang mga venator members kasama si Aron at ang mga labi ng anim nitong kasamahan na sina: Nica,Stone,Ash,Ren,Karen at Jerry na agad inutos ni Krolo kay Gordon na hanapan ng ataul ang lahat ng ito para maihanda sa pagpapalibing na ginawa naman nito, habang sinabihan ni Krolo si Aron ng: Aron bukas ng umaga ay kakausapin ko ang hari na aming pinaglilingkuran kung papayag syang mailibing dito sa loob ng kaharian ang mga kasamahan mo at para makilala niyo na rin sya baka makatulong din sya sa inyo' na sinagot ni Aron ng: Sige Krolo mas mabuti.'

To be continued...

P.40 "Introduction to Venator's members"


P.40 "Introduction to Venator's members"

daan tayo Aron sana napuntahan natin sila agad' na sinagot naman ni Aron ng: yun na nga Krolo dahil baka magpumilit kang sakluluhan natin sila agad at masayang lang ang sakripisyo nila lalo at sa dami ng mga bampirang sumugod doon siguradong wala rin tayong magagawa kong dalawa o tatlo lang tayong pupunta agad doon.

Nagwika si krolo ng: kung ganun Aron ngayong nandito na tayo sa headquarters namin at ligtas na naman dito ang sanggol na dala nyo ay sakluluhan na natin sina Brandon kasama ang mga myembro ng grupo ko. At nagwika si Aron ng: sige Krolo pero maiwan na lang muna rito ang babaeng bampira na kasama ko na nagngangalang Tuesday upang syang mag-alaga sa sanggol. Doon na rin isa-isang ipinakilala ni Krolo kina Aron at Tuesday ang iba pang myembro ng venator group na naroon bukod kay Jacob na sina: Erza Moreses (Asawa ni krolo), Cindy Rognar (Asawa ni Jacob), Gordon Nikol (Isang malaking axe warrior like Stone), Riss hollyman (Isang archer warrior) at ang isang wala roon na kilala sa grupong laging late dumating sa headquarters dahil madalas nakatambay sa library ng palasyong pinaglilingkuran nila para magbasa at mag-aral dahil like Tuesday ay studyholic din ito at nag-aact as the researcher of the group pag dating sa mga bampira at iba pang mga bagay na may kinalaman sa kaalaman na nagngangalang Jack Rapito (Isang binatilyong nerd warrior).

Matapos maipakilala ni Krolo kina Aron at Tuesday ang myembro nila ay agad na silang umalis sa headquarters ng Venator at ang naiwan lang doon ay sina Tuesday kasama ang sanggol na si Leo at ang asawa ni Jacob na si Cindy na inatasan ni Krolo na samahan muna ito doon lalo upang maiwasang mapagkamalan ni Jack na anytime pwedeng dumating doon na kalaban ito.

At umalis sila halos madaling araw na noon patungo sa headquarters ng vendetta na pinangungunahan ni Aron kasama sina Krolo,Jacob,Erza,Gordon at Riss. Pasikat na ang araw ng dumating sila sa lugar at doon na nila nakita ang mga patay at nakahandusay ng myembro ng vendetta vampire hunting group na kasamahan ni Aron sina Jerry,Karen,Ren,Stone,Ash at Nica na ikinadalamhati ng todo ni Aron at luha pero ang ipinagtaka ni Aron ay bakit wala doon sina Froy at Brandon. Sinuyod nilang mabuti ang lugar ngunit hindi nila ito nakita at dito na nagwika si Krolo ng: Aron possible kayang dinala ng mga bampirang sumugod dito sina Brandon at yung sinasabi...

To be continued...

Sunday, November 19, 2023

P.39 "The arrival to the Venator's headquarters"


P.39 "The arrival to the Venator's headquarters"

At sumagot naman si Krolo ng: Napadpad kami dito dahil may nadedetect ang aming vampire detector radar na vampire presence dito pero medyo malabo ito kaya posibleng may kalayuan yun dito, at ikaw Aron bakit ka nandito? At sino itong kasama mong babae na tila isang bampira at sanggol na hawak nya? Na sinagot naman ni Aron ng: mahabang kwento Krolo pero sa ngayon naghahanap kami ng pwedeng matuluyan lalo at may sanggol kaming kasama at ang kasama kong babaeng bampira ay kakampi at hindi sya masamang bampira.' na sinagot naman ni Krolo ng: kung ganun sa headquarters na muna namin kayo tumuloy.' at sinamahan na nga nina Krolo sina Aron at Tuesday kasama ang dala nitong sanggol na si Leo sa kanilang headquarters.

Habang naglalakad ay ipinakilala ni Krolo ang kasama nya kay Aron na ito raw ay myembro din ng Venator vampire hunting group na pinamumunuan nya at ang kanyang kanang kamay na nagngangalang Jacob Rognar ang palagi nyang kasama at pinakapinagkakatiwalaan nyang myembro, na nataon lang daw na hindi nya nakasama noong mga panahong iniligtas sya nina Brandon at Aron sa pagatake ng maraming bampira, habang nagsasalita si Krolo kay Aron ay napatanong ito ng kung nasaan daw si Brandon? Na sinagot naman ni Aron ng: saka ko na lang sasabihin sayo Krolo oras na makarating na tayo sa headquarters niyo, lalo at alam ni Aron na siguradong magaalala si Krolo at baka hindi niya ito mapigilang pumunta agad sa headquarters nila oras na malaman nitong sinugod sila ng mga bampira doon at naiwan doon si Brandon.

Dumating na nga sa headquarters ng venator group sina Aron,Tuesday kasama si Leo at Krolo kasama ang kanang kamay nitong si Jacob, matapos sabihan ang mga myembro ng venator group na wag matakot kay Tuesday dahil kakampi raw diumaano ito at paupuin sina Aron at Tuesday na karga ang sanggol na si Leo at mag-atas sa ibang myembro ng venator group na bigyan ng makakain sina Aron at Tuesday at asikasuhin ang sanggol na si Leo ay doon na rin nagwika si Krolo kay Aron ng: kung ganun Aron nasaan na si Brandon ngayon at bakit kayo naghahanap ng ibang matutuluyan? Na sinagot naman ni Aron ng: Sinugod ng hari ng mga bampira ang headquarters namin Krolo kasama ang napakarami nitong tauhang bampira at pinatakas na kami ni Brandon habang sya at ang mga kasama namin doon ay naiwan. At sumagot naman agad si Krolo ng: bakit hindi mo ito agad sinabi kanina habang nasa...

To be continued...

Saturday, November 18, 2023

P.38 "The start of new beginning"


P.38 "The start of new beginning"

Habang si Froy naman na nakita ang pagpatay ni Blinkoln kay Brandon ay napagtantong kamatayan na rin ang sasapitin nya sa lugar bilang huling lumalaban doon sa grupo ni Blinkoln, kaya naisip nya ng tumakas na lang kaso bago pa man sya tuluyang makaalis sa lugar ay hinarangan na sya ni Anton habang napapalibutan din ng marami pang ibang mga bampirang kasama nito at alam nyang pwedeng doon na rin sya mamatay ang magagawa na lang nya ay ang ibigay ang buong lakas niya para makagawa ng paraang tumakas.

Si Pete naman ay patuloy pa ring ginagamot ng bampirang manggagamot, ganun din si Van na tinamaan din ng dalawang bala ni Jerry na may vampire killing chemical matapos nitong bumalik sa ordinary form nito ay agad na rin itong nagpagamot dahil alam nilang pwede silang mamatay mula sa imbensyong likido na ito ni Karen kung hindi agad sila magagamot ng bampirang manggagamot.

Sina Aron at Tuesday naman kasama ang sanggol na si Leo ay tuluyan ng nakalayo sa lugar at nakaligtas ngunit hindi nila alam kung saan sila pupunta matapos ito.

At matapos ngang matalo at mapatay din ni Anton kasama ang marami pang bampira si Froy ay umalis na sa lugar ang mga bampira na pinangungunahan ni Blinkoln ngunit nag-utos sya sa maraming manlalabang bampira na sundan ang mga nakatakas na kasama ng vendetta group at wag babalik ng hindi dala ang sanggol na si Leo sa kanya dahil kung hindi sila ang paparusahan nito ng kamatayan, mababakas ang magkahalong emosyon ng pagkadismaya at galit sa mukha ni Blinkoln habang iniuutos ito dahil yun ang pinakapakay nila doon ang madispatsa ang sanggol na si Leo na banta sa kanyang paghahari.

Habang patuloy na naglalakad ay may nakasalubong sina Aron at Tuesday na karga ang sanggol na si Leo na isang lalaki at nagwika ang lalaking ito ng: ikaw babae isa kang bampira tama? Na sinagot naman ni Tuesday ng: oo at paano mo yun nalaman?' at sinabihan ni Aron si Tuesday ng humanda ito lalo at mukhang vampire hunter ang lalaking yun.' at ilang saglit lang ay biglang may isa pang lalaki ang dumating sa lugar at nagwikang: Aron ikaw ba yan? Na sinagot naman ni Aron ng: Krolo anong ginagawa mo dito? (Si Krolo Moreses ay isang vampire hunter at leader ng sarili nitong vampire hunting group na tinatawag na Venator group, na naging kaibigan nina Aron at Brandon matapos nilang iligtas ito sa bingit ng kamatayan ng mapalaban itong mag-isa habang napapalibutan ng maraming bampira.)

To be continued...

Friday, November 17, 2023

P.37 "The death of vendetta group"

P.37 "The death of vendetta group"

wala na syang pag-asang manalo o magtagal pa sa labang yun kaya ipinupusisyon nya na ang sarili niya kahit nahihirapan na syang tumayo ng tuwid para sa huling ataking gagawin nya kung saan ibubuhos nya na ang buong lakas at enerhiya nya ng biglang may sunod sunod na putok ng baril na umalingaw-ngaw sa lugar at yun na nga si Jerry na pinaulanan ng putok ng pistol nya si Van na kung saan dalawang bala nito ang direktang tumama sa likod ni Van na nagdahilan kay Van para sumabog sa galit at sugurin si Jerry ng buong lakas, sinubukang umilag ni Jerry pero dahil na rin sa bilis nito ay huli na at sa tindi ng atake ni Van kay Jerry ay nabunot nito ang puso nito palabas sa dibdib nito na kung saan ito na ring pumatay kay Jerry at kitang-kita ito ni Brandon, lahat ng patay ng vendetta members ay abot tanaw ni Brandon na nakahandusay na sa lupa at tanging si Froy na lang na hinang-hina na rin ang makikitang lumalaban at buhay pa sa lugar bukod kay Brandon.

At matapos mapatay si Jerry ni Van ay sumugod na si Brandon sa direksyon ni Van kung nasaan din naroroon ang patay ng si Jerry para ibigay ang kanyang huling buong lakas na atake dito, na sinalubong naman ni Van para sugatan din si Brandon ngunit hindi tuluyang patayin, lalo at alam naman nyang imposible ng makalaban si Brandon after ang last attack na ito. At matapos ito ay napahandusay na rin sa lupa si Brandon na buhay pa ngunit halos hindi na rin makakilos, habang si Blinkoln matapos samahan ang kanyang ama na si Pete sa manggagamot na bampira na kasama nila dahil sa tama ng bala na may vampire killing chemical na tinamo nito mula kay Jerry ay pumunta na rin sya sa direksyon ni Brandon para sya mismong pumatay dito ayon na rin sa utos nya kay Van.

At ng makarating sa kinaroroonan ni Brandon si Blinkoln ay inutusan nya si Van na nasa 3rd form pa rin nito na itayo si Brandon at may sasabihin pa raw sya rito, na ginawa naman ni Van at binuhat si Brandon sa mahaba nitong buhok para maitayo at nagwika si Blinkoln ng: Kung ganun mukhang ito na ang katapusan mo Brandon, ng dahil sayo namatay ang pinakamamahal kong si Lea kaya tanggapin mo ang kamatayan mo ngayon!' at inatake na nga siya ni Blinkoln gamit ang kanan nitong kamay na tumagos hanggang sa likuran ni Brandon, matapos ito ay binitawan na ito ni Van at ito na nga ang naging opisyal na araw ng pagkamatay ng buong vendetta group...

To be continued...

Wednesday, November 15, 2023

P.36 "The death of the vendetta members"

P.36 "The death of the vendetta members"

Froy lalo at halos ilang hakbang lang ang layo ni Froy doon na kumakalaban din sa napakaraming bampira, habang si Ren naman ay nakaharap ang personal bodyguard ni Blinkoln na si Anton na syang tumalo at pumatay rito, si Karen naman ay sinubukang iligtas si Brandon matapos kumalaban din nito sa maraming bampira ng makita nyang hinang-hina at sugatan na rin si Brandon sa pakikipaglaban kay Van ngunit bago pa ito tuluyang makalapit sa lugar kung nasaan sina Van at Brandon ay hinarangan ito ni Pete at inatake siya sinubukan nyang labanan si Pete at barilin ito gamit ang bala ng pistols nya na may vampire killing chemical na imbensyon nya sa bawat bala nito ngunit nailagan itong lahat ni Pete habang papalapit sa kanya hanggang sa tuluyan ng malapitan ni Pete ito at sakalin gamit ang kanan nitong kamay at nai-angat na si Karen sa lupa noon sa pagkakasakal ni Pete at ang mga huling salita na lang na nasabi ni Karen ay: Patawad Brandon' bago ito tuluyang namatay at nalagutan ng hininga at huli na nga ng makita ito ni Jerry na Kasalukuyan ring lumalaban sa maraming bampira at agad nyang sinugod si Pete almost right after ng saktong malagutan ng hininga si Karen at ibaba na nya ito sa lupa, nakita si Jerry ni Pete habang umiiyak at nagdadalamhati ay pinaulanan ni Jerry ng bala ng kanyang pistol si Pete na halos lahat nailagan naman nito except ang isa na halos rektang tumama sa kanyang puso na nagdahilan dito para dali-daling umalis sa lugar papunta sa direksyon ni Blinkoln lalo at lahat ng bala ng pistols ni Jerry ay may vampire killing chemical din, agad namang pinuntahan ni Jerry ang patay ng si Karen na nakahilata sa lupa habang umiiyak at nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na kapatid na babae, at nagwika si Jerry na: Wag kang mag-alala Karen sisiguraduhin kong maigagante kita sa kanila, habang mababakas ang matinding poot at galit sa mukha niya.

Napalingon naman si Jerry habang hawak sa kanyang mga braso ang patay ng kapatid na babae na si Karen at nakita ang halos hindi na rin makatayo at hinang-hina ng si Brandon na kalaban si Van sa 2nd form nito na hinang-hina na rin na halos same state ni Brandon para tuluyang matalo si Brandon ay kinailangan na ni Van na mag transform sa kanyang 3rd form kung saan mas malaki, at mas malakas ang pangangatawan ni Van, mas humaba rin ang kulay pula nyang buhok at mas lumakas at bilis rin sya sa anyong ito, alam ni Brandon na...

To be continued...

Tuesday, November 14, 2023

P.35 "Van Dern's 2nd Form"

P.35 "Van Dern's 2nd Form"

matindi ang labanan ng dalawa gamit ang mabibilis at malalakas na mga atake, sa anyong ito ni Van alam ni Brandon na malakas ito ngunit mas malakas pa rin si Zenu, at pumalakpak si Van matapos ang ilang saglit at matapos syang masugatan ng bahagya ni Brandon sa kanyang kaliwang pesnge, at nagwikang: Bravo, magaling hindi ka nga pangkaraniwan Brandon, ikaw ang kauna-unahang nakalaban ko na nakasugat sa aking mukha at dahil dyan hindi kita magagawang patawarin' habang unti-unting nagbabago ng anyo si Van papunta sa kanyang 2nd form ang mas masculado at mas malakas na vampire form na ikinagulat ni Brandon dahil ito ang kauna-unahang beses na nakakita sya ng special vampire na nagtatransform sa harapan nya, ay nagwika si Van ng: Sa anyo kong ito tinabla si Zenu noong nagharap kaming dalawa para patalsikin ako sa pagiging hari ng mga bampira, at para gamitin ko ang anyong ito sa pakikipaglaban sa isang tao ibig sabihin noon ay napakalakas mo kaya magalak ka Brandon' at matapos itong sabihin ni Van ay sinugod na ulit nya agad si Brandon. Sa anyong ito ni Van dama ni Brandon na mas lumakas at bumilis ito na katulad na katulad na ng lakas at bilis ni Zenu noong naging laban nila. At sa pangalawang anyong ito ni Van ay nahihirapan na si Brandon na masabayan sya lalo at hindi pa rin naman fully recovered si Brandon sa kanyang laban mula kay Zenu, hindi na rin sya nakainom ng imbensyon ni Karen na healing liquid dahil matagal itong gawin at naubos na ito noong ininom ito ni Brandon para iligtas si Lea.

Habang patuloy ang labanan nina Van at Brandon ay isa-isa na ring natalo at napatay ang iba pang myembro ng vendetta, si Ash ay napatay ng napakaraming bampira na kumuyog at pumalibot sa kanya, si Stone naman na matapos kumalaban sa maraming bampira ay hinarap si Zombie ang bagong Bodyguard ni Pete na bagamat nasugatan niya ay natalo pa rin siya at napatay ni Zombie dahil isa sa special ability nitong si Zombie ay ang hindi maapektuhan ng kahit anong pinsala sa kanya at patuloy na makalaban kahit gutay-gutay na ang katawan nya hanggang sa hindi pa tuluyang napuputol ang ulo nito, habang si Nica naman ay naubusan na ng bala ng kanyang automatic crossbow na gawa at bigay ni Karen hanggang sa tuluyang mapalibutan at patay ng mga bampira na kitang-kita ni...

To be continued...

P.34 "Brandon VS. Van"


P.34 "Brandon VS. Van"

Tuluyan na ngang dumating sa lugar ang mga bampira na pinangungunahan ng bago nilang hari na si Blinkoln kasama ang personal bodyguard leader nito na si Anton, at ang kanyang kanang kamay na dating hari ng mga bampira si Van Dern kasama ang mga manlalabang bampira na sakop ng kapangyarihang ibinigay sa kanya ni Blinkoln, at nandoon din ang ama ni Blinkoln na si Pete na may kasamang bago nitong personal bodyguard na tinatawag na Zombie o ang Zombie na bampira dahil like Anton isa itong special vampire na kung saan isa itong napakalaking lalaking bampira na zombie like ang appearance dahil sa dami na rin ng sugat nito na nakuha sa dami ng pakikipaglaban na ginawa nito before, kagaya ni Van itong si Zombie ay isa sa mga pinatapong bampira ni Zenu sa malayong lugar dahil di umaano sa panganib at kaguluhang dala nito kaya naisipan ni Pete na ipahanap ito at gawing personal bodyguard nya.

Habang naglalaban-laban ang mga bampira at ang vendetta members na nandoon kasama na rin sina Froy at Nica na halos nasa lugar na rin nila Brandon ay nagwika si Van kay Blinkoln at nagtanong: Diba itong lalaking may malaking espada at mahabang buhok ang nakalaban ni Zenu at muntikan ng makapatay sa kanya? Na sinagot naman ni Blinkoln ng: oo tama ka.' At nagwika si Van ng: kung ganun gusto kong malaman kung gaano nga ba sya kalakas ipaubaya mo sa akin ang pagpatay sa Brandon na yan.' na sinagot ni Blinkoln ng: sige hahayaan kitang labanan sya pero wag mo syang tuluyang patayin gusto ko na ako ang tuluyang kumitil sa buhay nya sa harapan ko lalo at sya ang dahilan kung bakit namatay ang babaeng pinakamamahal ko na si Lea' matapos marinig ni Van ang sagot na ito ni Blinkoln ay agad syang tumungo sa direksyon ni Brandon at sinenyasan ang mga bampirang umaatake rito na magsitabi, at nagwika kay Brandon na: Diba ikaw si Brandon? Ang nakalaban ni Zenu na vampire hunter at muntikan ng makapatay sa kanya? At ikaw din ang leader ng vampire hunter group na ito? Ibig sabihin malakas ka at magaling sa pakikipaglaban?' habang si Brandon ay nakatingin lang kay Van at naghahanda kung sakaling aatake man ito, nagdagdag na wika si Van ng: Halika subukan natin kung talagang malakas ka. At matapos iwika ni Van ito ay agad niyang sinugod si Brandon para atakihin ito, na sinalag naman agad ni Brandon gamit ang kanyang malaking Vampire Slayer Sword...

To be continued...

Sunday, November 12, 2023

P.33 "The sacrifice of Nica and Froy"

P.33 "The sacrifice of Nica and Froy"

si Froy ng: ngunit paano kayo Brandon? Na sinagot naman ni Brandon ng susunod na lang kami sa ngayon susubukan naming pigilan sila. At nagwika si Aron at Nica na mag-ingat ang kanilang mga kasama at aantayin daw nila sila lalo na si Aron na nagsabi kay Brandon na marami pa itong gustong matutunan dito kaya siguraduhin daw nilang makakasunod sila.

At umalis na nga sa lugar sina Nica,Aron,Froy at Tuesday na karga ang sanggol na si Leo. Habang naiwan sa vendetta headquarters sina Brandon,Jerry,Karen,Stone,Ash at Ren para salubungin at subukang pigilan ang mga paparating na bampira, alam nilang napakarami nito at maliit ang tyansang manalo sila ang misyong iniatas ni Brandon sa bawat isa na natira doon ay pigilan at antalain ang mga bampirang ito hanggang sa tuluyan ng makalayo sina Froy,Nica,Aron at Tuesday na kasama si Leo, habang patuloy na lumalayo ay nagwika si Froy kay Tuesday na karga si Leo na mukhang kakaiba ito at parang hindi maganda ang nararamdaman niya sa mangyayari, na bagamat hindi sumagot si Tuesday habang patuloy sila sa pagtakbo palayo ay mababakas ang takot at pangamba sa mukha nya at kahit na rin sina Aron at Nica na nangangamba para sa mga kasamahan nilang naiwan na ang ilan ay hindi pa fully recovered at magaling mula sa nagdaang misyon nila na pagsubok iligtas si Lea sa vampire community.

Hindi pa man lubusang nakakalayo ay nagwika si Nica ng hindi nya raw kayang iwan sina Brandon at ang iba pa nyang kasamahan doon kaya babalik sya para tulungan sila, pipigilan sana sya ni Froy kaso tumakbo na agad ito pabalik kaya nagwika si Froy kay Tuesday na sila na lang ni Aron ang tumakas kasama ang sanggol na si Leo, at susundan niya raw si Nica pabalik, at nagwika si Tuesday ng: pero Froy' ngunit bago pa masabi ni Tuesday ang sasabihin niya ay nagwika na si Froy ng wag na itong mag-alala at gagawin niya rin daw ang makakaya nya para makasunod ang mahalaga ngayon ang maging ligtas ang sanggol na si Leo at gawin na lang daw yun ni Tuesday para sa matalik nilang kaibigan na si Lea para hindi masayang ang mga sakripisyo nito.

Habang tumatakbo palayo ay nakita nila Tuesday at Aron kasama ang sanggol na si Leo kung paano salubungin ng napakaraming bampira sina Nica at Froy mula sa direksyon nina Brandon at mga vendetta members...

To be continued...

P.32 "The discovery of vendetta headquarters"

P.32 "The discovery of vendetta headquarters"

Naging patuloy ang paghahanap ng mga manlalabang bampira sa vendetta group at headquarters nila habang patuloy pa ring nagpapalakas at nagpapagaling ang ilan sa mga vendetta members matapos ang naging pagsugod nila sa vampire community para iligtas si Lea ilang araw na ang nakalilipas, hanggang sa isang araw umaga may na detect sa kanilang vampire detector na likido ang mga vendetta members sa headquarters nila kahit sina Tuesday at Froy na nandoon ay naramdaman na may malapit na bampira sa kanila, at may isa ngang manlalabang bampira ang nakakita sa lugar kung saan nakita nyang nandoon ang mga vendetta members kasama sina Froy,Tuesday at ang sanggol na anak nina Lea at Brandon, agad na nagtago sa kakahuyan ang bampira na ito at tumakbo papalayo para ipagbigay alam ito sa Kasalukuyang hari ng mga bampira na si Blinkoln, habang si Froy na agad lumabas ay nakitang may umugang mga halaman sa kalayuan hindi na nga lang nya nasigurado kung yun yung bampirang na detect nila at matapos bumalik ni Froy sa Loob ng vendetta headquarters ay nagwika syang hindi raw magandang senyales yun para sa mga vendetta members lalo at posibleng may nakakitang bampira sa lugar at ipagbigay alam ito sa hari nilang si Blinkoln na magdahilan para sugurin sila doon ng mga bampira.

Nagwika si Brandon na tama raw si Froy at kailangan nilang lumisan sa lugar sa lalong madaling panahon, na sinangayunan naman ng lahat ng nandoon kaso nagtanong si Nica ng: Kaso Brandon saan naman tayo pupunta? At sumagot si Brandon ng: Hindi na yun mahalaga sa ngayon Nica ang mahalaga ngayon ay masigurado natin ang kaligtasan natin lalo at marami pa sa mga myembro natin ang hindi pa lubusang gumagaling kaya kung sakaling susugurin tayo rito ng maraming bampira ay baka hindi natin magawang depensahan ang mga sarili natin.

At pahapon na ng araw na yun ng nakahanda na ang lahat ng vendetta members at sina Tuesday,Froy and Leo na karga ni Tuesday na umalis ng biglang nagkuluan ang vampire liquid detector ng mga vendetta members na kahit sina Froy at Tuesday ay naramdaman ang paparating na maraming bampira at nagwika si Jerry ng: Brandon mukhang huli na tayo, at nagwika naman si Brandon bilang leader ng vendetta group ng: humanda kayong lahat at Tuesday at Froy itakas niyo ng dalawa si Leo at isama niyo na rin sina Nica at Aron, nagwika naman...

To be continued...

Saturday, November 11, 2023

P.31 "Ang pagtugis sa sanggol na si Leo"

P.31 "Ang pagtugis sa sanggol na si Leo"

ilan sa mga kasama nyang bampirang alagad na patayin ang babaeng bampirang nanghula sa kanya upang wala ng iba pang makaalam ng hulang ito.

Habang pabalik sa bahay ni Blinkoln napag-isip ni Van na posibleng ang tinutukoy ng manghuhulang bampira na nakatadhanang pumatay sa kanya ay ang anak di umano nina Lea at Brandon lalo si Lea lang naman ang may mataas na posisyong bampira ang may anak sa isang vampire hunter na alam ng mga bampira sa panahong yun, kaya agad naisip ni Van na sabihin ito kay Blinkoln bilang syang kasalukuyang hari pero iibahin nya ang sinabi ng manghuhula para mas masiguradong gagawin ni Blinkoln bilang hari ng mga bampira ang makakaya nito para mapatay ang sanggol na ito.

At nakarating na nga si Van sa tahanan nina Blinkoln sa loob ng vampire community at agad na rin nyang sinabi kay Blinkoln ang sinabi raw sa kanya ng isang manghuhulang bampirang babae na may nakatadhanang pumatay raw sa hari ng mga bampira na isang half vampire/half human na lalaki at Kasalukuyan pa raw itong sanggol, at anak daw di umano ito ng isang high ranking na bampira at isang vampire hunter kaya agad na sinabi ni Van na posibleng ito ay yung anak nina Lea at Brandon na sanggol na nakita ni Anton noong pinasundan ng ina ni Blinkoln si Tuesday sa kanya. Nagtanong naman si Blinkoln kung sigurado ba raw si Van sa sinasabi nya at kung nasaan na raw ang babaeng bampirang manghuhulang ito at gusto nyang makausap at sumagot naman si Van ng oo at nawala na lang din daw bigla ang babaeng bampirang manghuhula na nagsabi nito, ang mahalaga raw na pagtuunan ng pansin ni Blinkoln ngayon ay kung paano niya maidedespatsa ang anak na sanggol nina Lea at Brandon lalo at totoo man o hindi ang hula ay siguradong gaganti ang sanggol na yun para sa kanyang mga magulang oras na lumaki na ito at magiging banta pa sa paghahari ni Blinkoln.

Nagawang kumbinsihin ni Van si Blinkoln at nagutos si Blinkoln kay Van na atasan di umano ang mga manlalabang bampira na sakop ng kanyang kapangyarihan na hanapin ang headquarters ng mga vendetta group at ang sanggol na kanilang tinatago buhay man o patay lalo na sa sanggol na anak nina Brandon at Lea na gusto ni Blinkoln ay sya mismo ang magdidispatsa sa harapan nya para masiguradong wala ng magiging banta sa kanyang paghahari. Na ikinagalak naman ni Van at agad sinunod...

To be continued...

Thursday, November 9, 2023

P.30 "Ang hula kay Van"

P.30 "Ang hula kay Van"

At habang nagpapahinga at nagpapagaling pa rin si Brandon at ilan sa mga vendetta members sa headquarters nila ilang araw ang nakalilipas matapos nilang subukang iligtas si Lea na kung saan hindi naging matagumpay ay ipinakilala na rin ni Blinkoln si Van Dern sa mga bampira bilang kanyang kanang kamay at tagapamahala ng mga manlalabang bampira, maraming bampira ang nagulat dito pero tinanggap din naman nila at ang unang iminungkahi ni Van kay Blinkoln ay ang pagbabalik ng batas ng mga bampira na pagsipsip ng dugo ng mga tao upang manatili ang pagkakameron nila ng mahabang buhay close to immortality lalo at mas magpapalakas daw di umaano ito sa kanilang uri na sinira ni Zenu ng sya ang naging bagong hari dahil sa pagtanggal dito na sinunod naman ni Blinkoln. Kaya simula noon nagbalik sa pagsipsip ng dugo ng mga tao ang mga bampira at naging laganap ulit ang pag-atake ng mga bampira sa mga tao.

Isang araw nagdesisyon si Van na magpahula sa isang babaeng bampirang manghuhula kung ano ba ang nakikita nito sa kanyang hinaharap, ang babaeng manghuhula habang hawak ang kamay ni Van ay nagwikang: nakikita kong ikaw ang susunod na magiging hari ng mga bampira matapos ang Kasalukuyang hari, na mababakas sa mukha ni Van ang tuwa dahil ito naman talaga ang plano nya after makuha nina Pete ang kapangyarihan ay unti-unti nya itong aagawin para sya ang makabalik sa pagiging hari ng mga bampira, ngunit may dagdag na wika ang manghuhula na di umano raw ay hindi rin magtatagal ang paghaharing yun ni Van sa mga bampira dahil may isang lalaking half vampire/half human ang nakatakdang pumatay sa kanya at maging bagong hari ng mga bampira, at sumagot si Van ng: anong sabi mo half vampire/half human? Diba pinagbabawal yun sa batas nating mga bampira? At sumagot naman ang babaeng bampirang manghuhula ng: oo pero babaguhin ang batas na ito ng parehong lalaking yun. At humingi si Van ng karagdagang impormasyon about sa lalaking ito na nakatadhanang pumatay sa kanya at nagwika ang babaeng manghuhula na Kasalukuyan itong sanggol at anak daw di umano ng isang vampire hunter at mataas na posisyong bampira, habang napaisip ng malalim si Van ay naisip nyang hindi maganda kung may ibang makakaalam ng hulang ito ng babaeng bampira kaya matapos lumabas ng kubo ng babaeng bampira na nanghula sa kanya ay inutusan nya ang...

To be continued...

Wednesday, November 8, 2023

P.29 "Blinkoln becomes the new vampire king"

P.29 "Blinkoln becomes the new vampire king"

saan hudyat na raw di umaano ng paglipat ng kapangyarihan sa angkan nina Pete at ang pagiging bagong hari ni Blinkoln also ang pagkakita niya kay Van doon na ikinagulat ni Froy at nagwikang: kung nandun si Van kasama sina Pete ibig sabihin posibleng nagtraydor si Pete kay Zenu?' at sinagot naman ni Tuesday ng: oo Froy parang ganun na nga.' at sinagot naman ni Froy ng: kung ganun tama pala talaga ang hinala ni Lea na traydor itong si Pete at kapangyarihan lang ang gustong makuha kay Zenu. Habang naguguluhan ang mga vendetta members na nandoon nagtanong si Karen kay Tuesday ng: teka ito bang Van ay yung dating hari ng mga bampira ilang taon na ang nakakaraan bago pa itong Zenu na ama ni Lea? At tumugon naman si Tuesday ng: oo sya nga.' at sinagot naman ni Karen ng: Kung ganun sya pala rin ang nakalaban namin noon at syang nakapatay sa dalawang myembro namin na sina jack & jill.

Sa araw ring yun ay ini-announce ni Pete sa mga kabampirahan na opisyal ng namatay si Zenu pero ang dahilan daw di umaano ay ang sugat na nakuha nito mula sa pakikipaglaban sa vampire hunter at ang kanyang anak na raw na si Blinkoln ang bagong hari dahil maayos naman daw na natapos ang kasal nito kay Lea bago tuluyang namatay din si Lea, kaya ng araw na yun ay nag seremonya rin sa kanilang simbahan ng paggagawad ng korona kay Blinkoln bilang bagong hari ng mga bampira, mababakas sa mga mukha ng nanay at tatay ni Blinkoln ang galak lalo at pareho silang umpisa palang ay ito na ang gustong mangyari ang makuha ang kapangyarihan sa pamilya ni Zenu at maging pinakamakapangyarihang angkan ng bampira. Ang pagkokorona sa bagong hari o reyna ay kadalasang ginagawa ilang araw matapos ang opisyal na announcement upang mapaghandaan, ngunit minadali na ito ni Pete kaya sa same day na rin.

Walang kaalam-alam ang mga bampira na ilang araw lang mula sa araw na yun ay ipapakilala ni Blinkoln sa kanila si Van Dern ang dating pinaalis ni Zenu na hari ng mga bampira bilang kanang kamay niya at tagapamahala ng mga manlalabang bampira (Ang mga manlalabang bampira ay mga selected vampires na dedicated to protecting the vampire communities sila ay trained talaga sa pakikipaglaban at kadalasang kasama ng mga makapangyarihang bampira sa tuwing may laban sila lalo na ng hari o reyna bukod pa ang mga official bodyguards nila.)...

To be continued...

P.28 "Zenu's death"

P.28 "Zenu's death"

si Jerry naman ay may hawak ring pistol sa isa nyang kamay lalo at patuloy pa rin silang inaatake ng maraming bampira sa paligid nila kahit paalis na sila, at inutusan ni Jerry si Stone na dalhin ang vampire slayer sword nito lalo at si Stone lang ang may sapat na lakas para buhatin ito sa lahat ng mga vendetta members except it's owner na si Brandon at tumakas na nga sila kasama ang lahat ng mga vendetta members at si Froy, si Tuesday naman raw ay susunod na lang daw at may kukunin lang daw saglit sa bahay nila bago tuluyang umalis sa lugar, na sinabihan naman ng vendetta group na mag-ingat at sinabihan ni Froy na isama sya pero tumanggi si Tuesday dahil mas magiging ligtas at madali kung sya lang daw mag-isa lalo at shortcut naman daw ang dadaanan nyang lugar patungo sa naiwang bahay nila.

Matapos madala si Zenu sa isang bakante at may kadilimang kwarto para gamutin ng manggagamot na bampira habang ito ay hinang-hina na ay pumasok sa loob sina Pete,Anton,Blinkoln at Van Dern na ikinagulat ni Zenu kahit nanghihina na itong nakahiga at ng magpapalag ito ay hinawakan agad sya nina Blinkoln at Anton sa magkabila nitong braso, habang nagsasalita si Van Dern ng: O nagulat ka ba Zenu? Tama ka ako ito at nandito ako para balikan ang naiwan kong kaharian para maglingkod muli sa ating sangkabampirahan. At ang tugon na lang ng nanghihinang si Zenu ay: Traydor ka Pete!' Si Pete naman ay walang imik kahit na sina Blinkoln at Anton at sinenyasan na ni Pete si Anton para putulin ang ulo ni Zenu na ginawa naman agad ni Anton at sa mga oras ding yun na napatay na rin si Zenu ay si Blinkoln na ang magiging bagong hari ng mga bampira. Kitang kita ito ni Tuesday dahil napadaan sya sa lugar na yun bago tuluyang nakasunod sa mga vendetta members at Froy palabas ng komunidad ng mga bampira dahil may mga mahahalaga syang gamit na kinuha sa kanilang bahay dahil alam nyang posibleng yun na rin ang huling beses na makakapunta sya sa lugar na yun.

Matapos tuluyang makabalik ng headquarters ng mga vendetta members kasama sina Tuesday and Froy ay agad ng nilapatan ng lunas at pinagpahinga ang mga sugatan nitong myembro lalo na si Brandon, lahat ay halos malungkot lalo at alam nilang hindi naging matagumpay ang misyon nila na iligtas si Lea at doon na rin nagwika si Tuesday sa nakita nya na pagpatay kay Zenu ni Anton na kung...

To be continued...

Monday, November 6, 2023

P.27 "Final Attack of Zenu and Brandon"

P.27 "Final Attack of Zenu and Brandon"

buhay ni Lea, habang hawak-hawak ni Brandon sa kanyang mga bisig ang nakahandusay at unti-unti ng nagiging abo na si Lea ay nagwika si Lea na mahal raw nya si Brandon at Leo at si Brandon na raw ang bahalang pumurotekta kay Leo, sa mga bampira ang sugat na nakukuha nila sa isa't isa ay parang pareho ng sugat na nakukuha ng ordinaryong tao kaya hindi kailangan ng isang bampira na putulin ang ulo ng kapwa nya bampira para tuluyang mapatay ito katulad ng nangyari kay Lea na kung saan ang ikinamatay niya ay ang paglusot ng kamay ni Zenu sa likuran nito mula sa malakas nitong atake.

At matapos tuluyang maging abo ni Lea napuno ng galit si Brandon, dahil wala na sa kanya ang kanyang vampire slayer sword at tumalsik ito matapos syang atakihin ni Zenu ay ang dalawang curved knives sa kanyang magkabilang tagiliran ang kinuha niya at nilagyan ng likidong pampatay sa mga bampira habang nasa attacking stance directing to Zenu na hindi kalayuan sa harap nya, while si Zenu ay kitang kita ang panlulumo sa nangyari kung saan sya mismo ang nakapatay sa anak nya, ng makita nya si Brandon na aataki sa kanya ay ibinuhos din nito ang galit nito at sumigaw ng: kung hindi kayo pumunta rito sana buhay pa ang anak ko humanda ka!' at parehong nagsalubong si Brandon at Zenu ng kanilang atake while si Brandon dala ang kanyang 2 curved knife na may likidong pampatay ng bampira at si Zenu na umatake ng buong bilis at lakas sa kanyang full vampire form.

Matapos ito ay makikitang nanatiling nakatayo si Zenu ngunit hindi gumagalaw habang si Brandon naman ay napaluhod at may tumulong dugo sa kanyang bibig lalo at mukhang nakalmot siya ng napakalaki ni zenu sa kanyang dibdib, at ng tinignan ni Zenu ang kanyang dibdib habang natigilang nakatayo ay tagumpay din siyang nahiwa ni Brandon ng malaki gamit ang kanyang two curved sword at alam nyang pwede nyang ikamatay ito dahil sa likidong pampatay ng mga bampira na nasa sugat at pumapasok sa katawan nya, kaya unti-unti rin syang nanghina at ng matutumba na ay sinalo sya ng isa sa mga bampira sa paligid nya para iligtas kasama ang iba pang mga bampira at dalhin sa tahanan nito, habang si Brandon naman ay sinakluluhan na nina Jerry at Stone, pinaakbay na ni Jerry sa kanya si Brandon para mabuhat ito patayo matapos ipasukbit sa tagiliran ni Brandon ang two curved knife nito habang...

To be continued...

Sunday, November 5, 2023

P.26 "Lea's Death"

P.26 "Lea's Death"

na si Brandon na sugatan na rin sa dami ng atake at sugat na nakuha niya kay Zenu habang patuloy na nakikipaglaban dito, nagawa rin nyang sugatan ng kaunti si Zenu pero hindi pa ito sapat para matalo o mapahinto man lang sa paglaban ito.

At saktong natapos na ang kasal nina Lea at Blinkoln ay saka rin nagawa ni Lea na makaalpas sa pagkakahawak sa kanya ng mga bampirang nakahawak sa kanya at agad syang tumakbo patungo sa direksyon ni Brandon habang nakikipaglaban ito kay Zenu, nakita sya ni Brandon at agad itong sinalubong at yinakap habang si Blinkoln naman na kitang-kita sa mukha ang pagkainis ay pinigilan ng kanyang ama na si Pete na sumunod kay Lea lalo at papunta na rin sa direksyong yun ang ibang mga myembro ng vendetta members, at alam ni Pete na kung sakaling may masamang mangyari kay Zenu at Lea sa lugar na yun ay automatic na si Blinkoln ang magiging bagong hari ng mga bampira at malilipat na sa angkan nila ang kapangyarihan.

Sinabihan ni Lea si Brandon na tumakas na lang kasama ang kanyang mga kasama, ngunit sumagot naman si Brandon ng hindi sya aalis doon ng hindi kasama si Lea lalo at ito diumano ang pinaka dahilan kung bakit sila pumunta doon, sumagot naman si Zenu na nasa harap nila na naririnig daw di umaano nito ang pinag-uusapan nila at hindi nya hahayaang makalabas ng lugar na yun si Lea lalong lalo na si Brandon at ang mga kasama nito ng hindi napaparusahan ng kamatayan. Bigla namang sumulpot si Tuesday sa tagiliran ni Lea at sinabihan itong sumama na sa kanya palabas ng simbahan, ngunit nagtanong si Lea kung paano si Brandon at nagwika si Brandon na susunod na lang daw sya ang mahalaga ay mapigilan muna nila ang ama nitong si Zenu na pigilan sya sa pagtakas, ngunit sa mga sandali ring yun ay umatake ng sobrang bilis at lakas si Zenu kay Brandon na halos hindi nito nasalag at nagpatalsik dito at sa vampire slayer sword nito, ng aatakihin na ulit ito ni Zenu habang hindi pa tuluyang nakakatayo ay tumakbo si Lea papunta sa direksyon na yun leaving Tuesday at iniharang niya ang sarili niya sa atake ni Zenu na nagresulta sa pagbaon ng kamay ni Zenu sa likuran ni Lea na lumampas hanggang sa harapan nito direkta sa puso nito, at kitang kita ito nina Tuesday,Froy,Brandon at ng iba pang mga vendetta members na nasa loob na ng simbahan na sina Jerry at Stone. At ito na nga ang kumitil sa...

To be continued...

P.25 "Brandon VS. Zenu"

P.25 "Brandon VS. Zenu"

vampire essence, ang kulay pula naman ang pangalawang pinakamalakas na kulay ng vampire essence at tanging kalalakihang bampira lang ang pwedeng magkameron nito at pwede rin itong maging singlakas o mas malakas pa sa kulay itim na vampire essence sa bihirang pagkakataon depende sa bampirang nagpapalabas nito just like Van Dern ang dating hari ng mga bampira na may kulay pulang vampire essence, at ang iba pang mga kulay na nakadepende rin sa bampirang nagpapalabas ng vampire essence na ito.

At nagumpisa na nga ang labanan nina Zenu at Brandon sa loob ng simbahan habang patuloy ang sapilitang pagpapakasal ni Lea kay Blinkoln, malapit na itong matapos kaya alam ni Brandon na dapat nya itong mapigilan as early as possible, unang umatake si Zenu kay Brandon sa pamamagitan ng isang malakas na hand blow o kalmot direkta kay Brandon pero nagawa naman itong harangan ni Brandon gamit ang kanyang malaking vampire slayer sword as shield kaso tumalsik siya halos palabas sa main entrance ng simbahan dahil sa lakas ng impact nito, at nagpatuloy ang labanan nina Brandon at Zenu na kung saan makikitang kahit ordinaryong tao lang si Brandon dahil sa matinding pagsasanay at mga gamot at vitaminang imbento ni Karen na iniinom ng halos lahat ng vendetta members araw-araw except kay Nica na madalas namang hindi lumalaban at nasa headquarters lang para magawang mas palakasin at pabilisin ang kanilang kilos, pero kahit ganun mababakas pa rin kung gaano nahihirapan si Brandong sumabay sa lakas at bilis ni Zenu lalo at alam nyang ito na ang pinakamahirap na laban at malakas na bampirang nakaharap niya.

Habang patuloy na naglalaban laban ang mga bampira at vendetta members sa labas ng simbahan, pati si Zenu at Brandon sa loob ay nagawa na ring makapasok nina Tuesday at Froy sa loob ng simbahan kaso hinarangan sila ni Anton ang personal bodyguard leader ni Blinkoln, na kung saan si Froy ang humarap dito at kumalaban (May kulay puting vampire essence si anton habang kulay dilaw naman kay Froy.) si Tuesday naman agad dumiretso sa direksyon ni Lea para tulungan itong makatakas kaso marami pa ring mga bampira humarang sa kanya at kanyang nilabanan.

Alam nina Tuesday at Froy na malapit ng maubos ang oras nila at matapos ang kasal kaya nagmamadali na rin silang maitakas si Lea lalo...

To be continued...

P.24 "Brandon come to save Lea"

P.24 "Brandon come to save Lea"

Habang nakikipaglaban ang mga vendetta members sa lahat ng mga bampirang nakapaligid sa kanila hindi kalayuan sa simbahan ay nagawa ni Brandon na umabot sa may main entrance ng simbahan sa bungad nito na kung saan ilang mga bampira na lang ang nakabantay at wala na si Zenu dahil pumasok sya sa loob ilang saglit lang ang nakalilipas para tignan ang kasalan nina Lea at Blinkoln. Nakita na itong pagkakataon ni Brandon para makapasok sa loob at maihinto ang kasalan nina Lea at Blinkoln kaya agad nyang inatake ang mga bampirang nakabantay sa main entrance ng simabahan hanggang sa tuluyan nyang matalo ang mga ito at makapasok sa loob, nakita siya nina Lea at Blinkoln habang si Zenu na nasa unahan tabi nila ay napalingon din.

Agad sinugod si Brandon ng mga bampirang nakabantay sa loob, habang si Zenu naman ay sinabihan ang vampire priest na nagkakasal kina Blinkoln at Lea na ituloy lang ito hanggang sa matapos ang kasal at wag pansinin ang mga labanan, matapos ito agad ng lumakad si Zenu patungo sa direksyon ni Brandon, habang si Lea naman na hawak-hawak ng mga bampirang inutusan ni Zenu na bantayan at hawakan ito hanggang sa matapos ang kasal ay nagpupumilit makatakas para mapuntahan si Brandon at tulungan, mababakas naman sa mukha ni Blinkoln ang inis dahil bago napunta doon si Brandon ay tahimik lang si Lea at nakatulala ngunit ng makita ni Lea si Brandon doon ay bigla itong sumigla at nagpapalag sa nakahawak sa kanyang mga bampira.

Ilang saglit na lang at malapit ng matapos ang kasalang Lea at Blinkoln, matapos ito ay opisyal ng madedeklara si Blinkoln at Lea bilang susunod na hari at reyna ng mga bampira oras na mamatay si Zenu.

Nakalapit na si Zenu kay Brandon at inutusan ang mga bampirang magsitigil at lumayo sa kanila, alam ni Brandon na balak syang kalabanin ng hari ng mga bampira at tatay ni Lea na si Zenu sa mga oras na yun kaya nagumpisa na rin ito, nagpalabas si Zenu ng napakalakas na vampire essence na syang nakakatulong sa mga bampira upang mailabas ang kanilang buong lakas at anyong bampira, ang kulay ng vampire essence ni Zenu ay itim ang pinakamalakas na kulay ng vampire essence kapag ganito ang kulay ng vampire essence ng isang bampira ibig sabihin nito naabot na ng bampirang ito ang kanyang buong potential parehong lalaki at babaeng bampira ang pwedeng magkaganitong kulay ng...

To be continued...

Thursday, November 2, 2023

P.23 "Vendetta arrival to the vampire community"

P.23 "Vendetta arrival to the vampire community"

Habang nasa daan patungo sa vampire community ay nagpaalala si Froy sa lahat ng mga vendetta members kasama na si Brandon na sila munang dalawa ni Tuesday ang hayaang makalapit sa gate papasok sa vampire community upang maiwasang maamoy ang mga vendetta members na lahat ay tao, lalo at bukod sa matalas na pandinig, malinaw na paningin lalo na sa dilim ay may matalas na pang-amoy din ang mga bampira na nagagawang makaamoy ng mga tao at iba pang nilalang sa paligid nila kahit may kalayuan pa ito.

At nakarating na nga malapit sa vampire community ang mga vendetta members kasama sina Froy at Tuesday habang pinahinto ni Froy na nakatakip ang mukha ang vendetta members dahil kapag mas lumapit pa sila ay baka maamoy na sila ng mga bampirang nagbabantay sa gate ng komunidad ng mga bampira, kasama ni Froy na lumapit din sa gate si Tuesday na nakatakip din ang mukha. At ng tinanong silang dalawa ng guards na bampira kung ano ang dahilan at may nakatakip sa kanilang mga mukha ay nagwika si Tuesday na dahil sensitibo daw sila sa araw at nagtawanan lang ang dalawang gwardyang bampira lalo at alam naman nilang sabi-sabi lang yung pagiging sensitive ng mga bampira sa araw at hindi naman ito totoo, kaya binuksan na ng isang bampirang gwardya ang gate para tanggalin ang balabal sa mukha nina Froy at Tuesday at dito na nga inatake ni Froy at Tuesday and dalawang gwardyang bampira at agad namang kinumpasan ni Froy ang mga Vendetta members sa kalayuan na sumunod na.

Ng papalapit na sa simbahan sina Froy,Tuesday at mga vendetta members ay agad na ring naglabasan ang napakaraming mga bampira galing sa paligid nito na marahil nakaamoy sa mga vendetta members na tao, at nasa loob na ng simbahan ng mga bampira sina Lea at Blinkoln habang walang kamalay-malay si Lea na nasa labas na nito sina Brandon lalo at naguumpisa na ang kasal nya kay Blinkoln with a vampire priest.

Agad namang lumabas si Zenu at inutusan agad ang mga bampira sa paligid nyang siguraduhing isarado at bantayan lahat ng lagusan palabas at papasok sa simbahan para masiguradong hindi maabala ang pakikipagkasal ni Lea kay Blinkoln, at nagumpisa na ang labanan sa pagitan ng lahat ng mga bampira doon at mga vendetta members kasama sina Froy at Tuesday habang nanood si Zenu at nakabantay sa main entrance door ng simbahan sa bungad nito...

To be continued...

Wednesday, November 1, 2023

P.22 "Vendetta group head towards vampire community."

P.22 "Vendetta group head towards vampire community."

sinumbatan naman ni Jerry ng: pero Brandon hindi ka pa lubusang magaling kaya mo na bang lumaban ulit? Na sinagot naman ni Brandon na pasensya ka na Jerry pero pagdating kay Lea kahit buhay ko ay ibibigay ko at nagsalita si Froy na hindi pwedeng matuloy ang pagpapakasal ni Lea kay Blinkoln dahil ayon diumano kay Lea ay posibleng gusto lamang nakawin ng ama ni Blinkoln na si Pete ang kapangyarihan mula sa pamilya nila kaya nito inuudyukan ng todo na maikasal siya kay Blinkoln.

Kaya napilitan na rin si Karen na ilabas at gamitin ang isang eksperimento nyang pineperfect pa para kay Brandon dahil na rin sa malalim na pagtingin niya rito, na tinatawag nyang "Healing Liquid" isang klase ng likido na may kakayahang e-restore ang full energy and normal health ng isang tao at paghilumin lahat ng sugat nito o mga galos, ngunit binabalaan ni Karen si Brandon na hindi pa sya sigurado kung epektibo na ba ito lalo at pineperpekto pa raw nya ito kaya hindi pa nya pinapaalam kahit kanino maging sa vendetta group. Sinagot naman ito ni Brandon ng: Ayos lang Karen kung ang pag-inom lang nito ang paraan ngayon para maibalik ko sa normal ang buong lakas at enerhiya ko para mailigtas si Lea ay gagawin ko na mababakas naman sa mukha ni Karen ang selos sa sagot na ito ni Brandon kaya tumahimik na lang sya at tumalikod papasok pabalik sa kanyang sariling laboratory sa vendetta headquarters para maghanda matapos makitang gumana ang healing liquid kay Brandon, habang matapos ito agad namang naghanda lahat ng vendetta members lalo at alam naman nilang hindi na magpapapigil si Brandon sa pagtungo doon kasama si Froy para iligtas si Lea.

At ng gabi ring yun ay umalis na lahat ng vendetta members sa pangunguna ni Brandon kasama si Froy patungo sa vampire community, habang si Nica at Leo naman ang naiwan sa vendetta headquarters, at pinaalalahanan ni Brandon si Nica na wag matakot kay Leo lalo at kahit half vampire ito ay sanggol pa naman ito, at sumagot na lang ng oo si Nica dahil alam naman daw nyang wala ng ibang pwedeng mag-alaga kay Leo doon kundi siya na maiiwan, lalo at nagwika si Tuesday na sasama sya para tumulong sa pagliligtas kay Lea lalo at alam nya kung gaano kahirap at delikado ang misyong ito para kina Brandon at mga kasama nya, lalo at mismong lugar ng mga bampira ang pupuntahan nila...

To be continued...

P.21 "Froy's escape from prison"

P.21 "Froy's escape from prison"

upang mapigilan ang pagpapakasal ni Lea kay Blinkoln at para iligtas na rin si Lea, lalo at nakukwento rin ni Lea kay Froy dati ang kanyang hinala na kaya gustong gusto ng ama ni Blinkoln na maikasal ito kay Blinkoln ay para malipat sa lahi nila ang kapangyarihan.

At ginawa nga ni Froy ang kanyang makakaya upang makatakas at nagawa nyang makatakas ng walang nakakakita pahapon ng lunes, agad itong napansin ng mga bantay na nagbabantay sa kulungan nya at nireport kay Zenu na agad namang nag-utos sa mga tauhang bampira nya na hanapin si Froy at hulihin buhay o patay lalo at alam nyang pwede itong maging banta sa magiging kasal na gaganapin kinabukasan nina Lea at Blinkoln na hindi na nya pwedeng iatras pa lalo at lahat ay nakahanda na para rito.

Palubog na ang araw ng magsalubong ang landas nina Froy at Jerry kasama si Stone na nangangahoy hindi kalayuan sa kanilang headquarters, nakahanda ng umatake si Stone ng pigilan sya ni Jerry lalo at hindi nakainom ng vampire neutralizer pill si Froy kaya madali syang nadetect ng boiling liquid ng dalawa, nagwika si Jerry ng: Froy ikaw ba yan? At sumagot si Froy ng oo.

Nakilala ni Jerry si Froy noong isang beses syang pumunta sa ginawang bahay ni Lea sa gubat kung saan nandoon si Froy ng mga oras na yun na ipinakilala sa kanya ni Lea bilang matalik niyang kaibigan at kababata habang kasama ni Jerry noon si Brandon.

Nagtanong si Froy kung nakaligtas ba si Brandon sa pag-atake ng ama ni Lea, lalo at nasabi na rin ni Jerry na alam na nyang mga bampira sila at nasa headquarters nila si Tuesday at anak ni Lea na si Leo kaya sinagot rin ni Jerry ng oo nakaligtas si Brandon at kasama sina Tuesday at anak nitong si Leo na nasa headquarters nila at nagpapagaling. Kaya nagwika si Froy kay Jerry kung maari ba siyang samahan kay Brandon at may sasabihin raw sya ritong mahalaga.

Matapos makapangahoy ay sinamahan na ni Jerry at Stone si Froy sa kanilang headquarters kung saan nagkita sila ni Brandon at dito nilahad lahat ni Froy kay Brandon na ilang oras na lang ang natitira sa kanila upang mapigilan ang pagpapakasal ni Lea kay Blinkoln na sinagot naman ni Brandon ng: kung ganun Froy kailangan na nating umalis ngayon at...

To be continued...

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...