Sunday, November 19, 2023

P.39 "The arrival to the Venator's headquarters"


P.39 "The arrival to the Venator's headquarters"

At sumagot naman si Krolo ng: Napadpad kami dito dahil may nadedetect ang aming vampire detector radar na vampire presence dito pero medyo malabo ito kaya posibleng may kalayuan yun dito, at ikaw Aron bakit ka nandito? At sino itong kasama mong babae na tila isang bampira at sanggol na hawak nya? Na sinagot naman ni Aron ng: mahabang kwento Krolo pero sa ngayon naghahanap kami ng pwedeng matuluyan lalo at may sanggol kaming kasama at ang kasama kong babaeng bampira ay kakampi at hindi sya masamang bampira.' na sinagot naman ni Krolo ng: kung ganun sa headquarters na muna namin kayo tumuloy.' at sinamahan na nga nina Krolo sina Aron at Tuesday kasama ang dala nitong sanggol na si Leo sa kanilang headquarters.

Habang naglalakad ay ipinakilala ni Krolo ang kasama nya kay Aron na ito raw ay myembro din ng Venator vampire hunting group na pinamumunuan nya at ang kanyang kanang kamay na nagngangalang Jacob Rognar ang palagi nyang kasama at pinakapinagkakatiwalaan nyang myembro, na nataon lang daw na hindi nya nakasama noong mga panahong iniligtas sya nina Brandon at Aron sa pagatake ng maraming bampira, habang nagsasalita si Krolo kay Aron ay napatanong ito ng kung nasaan daw si Brandon? Na sinagot naman ni Aron ng: saka ko na lang sasabihin sayo Krolo oras na makarating na tayo sa headquarters niyo, lalo at alam ni Aron na siguradong magaalala si Krolo at baka hindi niya ito mapigilang pumunta agad sa headquarters nila oras na malaman nitong sinugod sila ng mga bampira doon at naiwan doon si Brandon.

Dumating na nga sa headquarters ng venator group sina Aron,Tuesday kasama si Leo at Krolo kasama ang kanang kamay nitong si Jacob, matapos sabihan ang mga myembro ng venator group na wag matakot kay Tuesday dahil kakampi raw diumaano ito at paupuin sina Aron at Tuesday na karga ang sanggol na si Leo at mag-atas sa ibang myembro ng venator group na bigyan ng makakain sina Aron at Tuesday at asikasuhin ang sanggol na si Leo ay doon na rin nagwika si Krolo kay Aron ng: kung ganun Aron nasaan na si Brandon ngayon at bakit kayo naghahanap ng ibang matutuluyan? Na sinagot naman ni Aron ng: Sinugod ng hari ng mga bampira ang headquarters namin Krolo kasama ang napakarami nitong tauhang bampira at pinatakas na kami ni Brandon habang sya at ang mga kasama namin doon ay naiwan. At sumagot naman agad si Krolo ng: bakit hindi mo ito agad sinabi kanina habang nasa...

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...