Monday, November 20, 2023

P.40 "Introduction to Venator's members"


P.40 "Introduction to Venator's members"

daan tayo Aron sana napuntahan natin sila agad' na sinagot naman ni Aron ng: yun na nga Krolo dahil baka magpumilit kang sakluluhan natin sila agad at masayang lang ang sakripisyo nila lalo at sa dami ng mga bampirang sumugod doon siguradong wala rin tayong magagawa kong dalawa o tatlo lang tayong pupunta agad doon.

Nagwika si krolo ng: kung ganun Aron ngayong nandito na tayo sa headquarters namin at ligtas na naman dito ang sanggol na dala nyo ay sakluluhan na natin sina Brandon kasama ang mga myembro ng grupo ko. At nagwika si Aron ng: sige Krolo pero maiwan na lang muna rito ang babaeng bampira na kasama ko na nagngangalang Tuesday upang syang mag-alaga sa sanggol. Doon na rin isa-isang ipinakilala ni Krolo kina Aron at Tuesday ang iba pang myembro ng venator group na naroon bukod kay Jacob na sina: Erza Moreses (Asawa ni krolo), Cindy Rognar (Asawa ni Jacob), Gordon Nikol (Isang malaking axe warrior like Stone), Riss hollyman (Isang archer warrior) at ang isang wala roon na kilala sa grupong laging late dumating sa headquarters dahil madalas nakatambay sa library ng palasyong pinaglilingkuran nila para magbasa at mag-aral dahil like Tuesday ay studyholic din ito at nag-aact as the researcher of the group pag dating sa mga bampira at iba pang mga bagay na may kinalaman sa kaalaman na nagngangalang Jack Rapito (Isang binatilyong nerd warrior).

Matapos maipakilala ni Krolo kina Aron at Tuesday ang myembro nila ay agad na silang umalis sa headquarters ng Venator at ang naiwan lang doon ay sina Tuesday kasama ang sanggol na si Leo at ang asawa ni Jacob na si Cindy na inatasan ni Krolo na samahan muna ito doon lalo upang maiwasang mapagkamalan ni Jack na anytime pwedeng dumating doon na kalaban ito.

At umalis sila halos madaling araw na noon patungo sa headquarters ng vendetta na pinangungunahan ni Aron kasama sina Krolo,Jacob,Erza,Gordon at Riss. Pasikat na ang araw ng dumating sila sa lugar at doon na nila nakita ang mga patay at nakahandusay ng myembro ng vendetta vampire hunting group na kasamahan ni Aron sina Jerry,Karen,Ren,Stone,Ash at Nica na ikinadalamhati ng todo ni Aron at luha pero ang ipinagtaka ni Aron ay bakit wala doon sina Froy at Brandon. Sinuyod nilang mabuti ang lugar ngunit hindi nila ito nakita at dito na nagwika si Krolo ng: Aron possible kayang dinala ng mga bampirang sumugod dito sina Brandon at yung sinasabi...

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...