Monday, November 20, 2023

P.41 "Ang mga labi ng vendetta members"

P.41 "Ang mga labi ng vendetta members"

mong isa pang mabuting bampira na tumulong sa inyo? Na sinagot naman ni Aron ng: posible Krolo pero sa pagkakakilala ko kay Brandon hindi sya papayag na makaligtas at makuha ng mga bampira ng ganun-ganun lang lalo na kung alam nyang kamatayan na ang naghihintay sa iba pang myembro ng vendetta at mas nakapagtataka na wala rin sa lugar ang vampire slayer sword ni Brandon o kahit ang two curved knives nito na gamit nya sa pakikipaglaban na kung sakali man raw na sapilitan syang kinuha at sinama ng mga bampira ay dapat naiwan yun doon bilang bakas ng pakikipaglaban nya.' wika ni Aron habang puno ng luha at dalamhati ang mukha nito.

Makalipas ang ilang oras at ng mapagtanto nilang hindi na talaga nila makikita sa lugar sina Brandon at Froy ay nagdesisyon na si Aron na sabihan si Krolo na bumalik na sila lalo at baka may mga bampirang bumalik sa lugar na maglagay pa sa kanila sa kapahamakan, at isama na lang ang labi ng kanyang mga kasamahang nandoon, matapos ito ay iniatas ni Krolo kay Gordon ang pagbuhat sa anim na labi ng vendetta members lalo at may sapat naman itong lakas para gawin yun. At umalis na sila sa lugar pabalik sa venator headquarters.

Si Jack naman na naka detect na ng vampire essence sa kanyang vampire detecting radar bago pa man tuluyang makalapit sa venator headquarters ay naghanda na at binunot na ang kanyang espada lalo at habang papalapit sya sa may pinto nito ay palakas ng palakas ang nadedetect nya at matapos nyang sipain ang pinto ay doon nya nakita si Cindy na kausap si Tuesday ang nadedetect ng radar nya na bampira at sinabihan sya ni Cindy na wag matakot at mabuti raw ang bampirang yun' at nagwika si Jack na nasaan daw sina Krolo at mga kasamahan nila at bakit sila lang ang nasa headquarters na sinagot naman ni Cindy ng: May pinuntahan lang sila kasama ang batang vampire hunter na kaibigan ni krolo.

Ilang saglit lang ang nakalipas ay dumating na rin sa headquarters ang mga venator members kasama si Aron at ang mga labi ng anim nitong kasamahan na sina: Nica,Stone,Ash,Ren,Karen at Jerry na agad inutos ni Krolo kay Gordon na hanapan ng ataul ang lahat ng ito para maihanda sa pagpapalibing na ginawa naman nito, habang sinabihan ni Krolo si Aron ng: Aron bukas ng umaga ay kakausapin ko ang hari na aming pinaglilingkuran kung papayag syang mailibing dito sa loob ng kaharian ang mga kasamahan mo at para makilala niyo na rin sya baka makatulong din sya sa inyo' na sinagot ni Aron ng: Sige Krolo mas mabuti.'

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...