Monday, November 6, 2023

P.27 "Final Attack of Zenu and Brandon"

P.27 "Final Attack of Zenu and Brandon"

buhay ni Lea, habang hawak-hawak ni Brandon sa kanyang mga bisig ang nakahandusay at unti-unti ng nagiging abo na si Lea ay nagwika si Lea na mahal raw nya si Brandon at Leo at si Brandon na raw ang bahalang pumurotekta kay Leo, sa mga bampira ang sugat na nakukuha nila sa isa't isa ay parang pareho ng sugat na nakukuha ng ordinaryong tao kaya hindi kailangan ng isang bampira na putulin ang ulo ng kapwa nya bampira para tuluyang mapatay ito katulad ng nangyari kay Lea na kung saan ang ikinamatay niya ay ang paglusot ng kamay ni Zenu sa likuran nito mula sa malakas nitong atake.

At matapos tuluyang maging abo ni Lea napuno ng galit si Brandon, dahil wala na sa kanya ang kanyang vampire slayer sword at tumalsik ito matapos syang atakihin ni Zenu ay ang dalawang curved knives sa kanyang magkabilang tagiliran ang kinuha niya at nilagyan ng likidong pampatay sa mga bampira habang nasa attacking stance directing to Zenu na hindi kalayuan sa harap nya, while si Zenu ay kitang kita ang panlulumo sa nangyari kung saan sya mismo ang nakapatay sa anak nya, ng makita nya si Brandon na aataki sa kanya ay ibinuhos din nito ang galit nito at sumigaw ng: kung hindi kayo pumunta rito sana buhay pa ang anak ko humanda ka!' at parehong nagsalubong si Brandon at Zenu ng kanilang atake while si Brandon dala ang kanyang 2 curved knife na may likidong pampatay ng bampira at si Zenu na umatake ng buong bilis at lakas sa kanyang full vampire form.

Matapos ito ay makikitang nanatiling nakatayo si Zenu ngunit hindi gumagalaw habang si Brandon naman ay napaluhod at may tumulong dugo sa kanyang bibig lalo at mukhang nakalmot siya ng napakalaki ni zenu sa kanyang dibdib, at ng tinignan ni Zenu ang kanyang dibdib habang natigilang nakatayo ay tagumpay din siyang nahiwa ni Brandon ng malaki gamit ang kanyang two curved sword at alam nyang pwede nyang ikamatay ito dahil sa likidong pampatay ng mga bampira na nasa sugat at pumapasok sa katawan nya, kaya unti-unti rin syang nanghina at ng matutumba na ay sinalo sya ng isa sa mga bampira sa paligid nya para iligtas kasama ang iba pang mga bampira at dalhin sa tahanan nito, habang si Brandon naman ay sinakluluhan na nina Jerry at Stone, pinaakbay na ni Jerry sa kanya si Brandon para mabuhat ito patayo matapos ipasukbit sa tagiliran ni Brandon ang two curved knife nito habang...

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...