Sunday, November 5, 2023

P.25 "Brandon VS. Zenu"

P.25 "Brandon VS. Zenu"

vampire essence, ang kulay pula naman ang pangalawang pinakamalakas na kulay ng vampire essence at tanging kalalakihang bampira lang ang pwedeng magkameron nito at pwede rin itong maging singlakas o mas malakas pa sa kulay itim na vampire essence sa bihirang pagkakataon depende sa bampirang nagpapalabas nito just like Van Dern ang dating hari ng mga bampira na may kulay pulang vampire essence, at ang iba pang mga kulay na nakadepende rin sa bampirang nagpapalabas ng vampire essence na ito.

At nagumpisa na nga ang labanan nina Zenu at Brandon sa loob ng simbahan habang patuloy ang sapilitang pagpapakasal ni Lea kay Blinkoln, malapit na itong matapos kaya alam ni Brandon na dapat nya itong mapigilan as early as possible, unang umatake si Zenu kay Brandon sa pamamagitan ng isang malakas na hand blow o kalmot direkta kay Brandon pero nagawa naman itong harangan ni Brandon gamit ang kanyang malaking vampire slayer sword as shield kaso tumalsik siya halos palabas sa main entrance ng simbahan dahil sa lakas ng impact nito, at nagpatuloy ang labanan nina Brandon at Zenu na kung saan makikitang kahit ordinaryong tao lang si Brandon dahil sa matinding pagsasanay at mga gamot at vitaminang imbento ni Karen na iniinom ng halos lahat ng vendetta members araw-araw except kay Nica na madalas namang hindi lumalaban at nasa headquarters lang para magawang mas palakasin at pabilisin ang kanilang kilos, pero kahit ganun mababakas pa rin kung gaano nahihirapan si Brandong sumabay sa lakas at bilis ni Zenu lalo at alam nyang ito na ang pinakamahirap na laban at malakas na bampirang nakaharap niya.

Habang patuloy na naglalaban laban ang mga bampira at vendetta members sa labas ng simbahan, pati si Zenu at Brandon sa loob ay nagawa na ring makapasok nina Tuesday at Froy sa loob ng simbahan kaso hinarangan sila ni Anton ang personal bodyguard leader ni Blinkoln, na kung saan si Froy ang humarap dito at kumalaban (May kulay puting vampire essence si anton habang kulay dilaw naman kay Froy.) si Tuesday naman agad dumiretso sa direksyon ni Lea para tulungan itong makatakas kaso marami pa ring mga bampira humarang sa kanya at kanyang nilabanan.

Alam nina Tuesday at Froy na malapit ng maubos ang oras nila at matapos ang kasal kaya nagmamadali na rin silang maitakas si Lea lalo...

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...