Tuesday, November 14, 2023

P.34 "Brandon VS. Van"


P.34 "Brandon VS. Van"

Tuluyan na ngang dumating sa lugar ang mga bampira na pinangungunahan ng bago nilang hari na si Blinkoln kasama ang personal bodyguard leader nito na si Anton, at ang kanyang kanang kamay na dating hari ng mga bampira si Van Dern kasama ang mga manlalabang bampira na sakop ng kapangyarihang ibinigay sa kanya ni Blinkoln, at nandoon din ang ama ni Blinkoln na si Pete na may kasamang bago nitong personal bodyguard na tinatawag na Zombie o ang Zombie na bampira dahil like Anton isa itong special vampire na kung saan isa itong napakalaking lalaking bampira na zombie like ang appearance dahil sa dami na rin ng sugat nito na nakuha sa dami ng pakikipaglaban na ginawa nito before, kagaya ni Van itong si Zombie ay isa sa mga pinatapong bampira ni Zenu sa malayong lugar dahil di umaano sa panganib at kaguluhang dala nito kaya naisipan ni Pete na ipahanap ito at gawing personal bodyguard nya.

Habang naglalaban-laban ang mga bampira at ang vendetta members na nandoon kasama na rin sina Froy at Nica na halos nasa lugar na rin nila Brandon ay nagwika si Van kay Blinkoln at nagtanong: Diba itong lalaking may malaking espada at mahabang buhok ang nakalaban ni Zenu at muntikan ng makapatay sa kanya? Na sinagot naman ni Blinkoln ng: oo tama ka.' At nagwika si Van ng: kung ganun gusto kong malaman kung gaano nga ba sya kalakas ipaubaya mo sa akin ang pagpatay sa Brandon na yan.' na sinagot ni Blinkoln ng: sige hahayaan kitang labanan sya pero wag mo syang tuluyang patayin gusto ko na ako ang tuluyang kumitil sa buhay nya sa harapan ko lalo at sya ang dahilan kung bakit namatay ang babaeng pinakamamahal ko na si Lea' matapos marinig ni Van ang sagot na ito ni Blinkoln ay agad syang tumungo sa direksyon ni Brandon at sinenyasan ang mga bampirang umaatake rito na magsitabi, at nagwika kay Brandon na: Diba ikaw si Brandon? Ang nakalaban ni Zenu na vampire hunter at muntikan ng makapatay sa kanya? At ikaw din ang leader ng vampire hunter group na ito? Ibig sabihin malakas ka at magaling sa pakikipaglaban?' habang si Brandon ay nakatingin lang kay Van at naghahanda kung sakaling aatake man ito, nagdagdag na wika si Van ng: Halika subukan natin kung talagang malakas ka. At matapos iwika ni Van ito ay agad niyang sinugod si Brandon para atakihin ito, na sinalag naman agad ni Brandon gamit ang kanyang malaking Vampire Slayer Sword...

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...