Sunday, November 12, 2023

P.33 "The sacrifice of Nica and Froy"

P.33 "The sacrifice of Nica and Froy"

si Froy ng: ngunit paano kayo Brandon? Na sinagot naman ni Brandon ng susunod na lang kami sa ngayon susubukan naming pigilan sila. At nagwika si Aron at Nica na mag-ingat ang kanilang mga kasama at aantayin daw nila sila lalo na si Aron na nagsabi kay Brandon na marami pa itong gustong matutunan dito kaya siguraduhin daw nilang makakasunod sila.

At umalis na nga sa lugar sina Nica,Aron,Froy at Tuesday na karga ang sanggol na si Leo. Habang naiwan sa vendetta headquarters sina Brandon,Jerry,Karen,Stone,Ash at Ren para salubungin at subukang pigilan ang mga paparating na bampira, alam nilang napakarami nito at maliit ang tyansang manalo sila ang misyong iniatas ni Brandon sa bawat isa na natira doon ay pigilan at antalain ang mga bampirang ito hanggang sa tuluyan ng makalayo sina Froy,Nica,Aron at Tuesday na kasama si Leo, habang patuloy na lumalayo ay nagwika si Froy kay Tuesday na karga si Leo na mukhang kakaiba ito at parang hindi maganda ang nararamdaman niya sa mangyayari, na bagamat hindi sumagot si Tuesday habang patuloy sila sa pagtakbo palayo ay mababakas ang takot at pangamba sa mukha nya at kahit na rin sina Aron at Nica na nangangamba para sa mga kasamahan nilang naiwan na ang ilan ay hindi pa fully recovered at magaling mula sa nagdaang misyon nila na pagsubok iligtas si Lea sa vampire community.

Hindi pa man lubusang nakakalayo ay nagwika si Nica ng hindi nya raw kayang iwan sina Brandon at ang iba pa nyang kasamahan doon kaya babalik sya para tulungan sila, pipigilan sana sya ni Froy kaso tumakbo na agad ito pabalik kaya nagwika si Froy kay Tuesday na sila na lang ni Aron ang tumakas kasama ang sanggol na si Leo, at susundan niya raw si Nica pabalik, at nagwika si Tuesday ng: pero Froy' ngunit bago pa masabi ni Tuesday ang sasabihin niya ay nagwika na si Froy ng wag na itong mag-alala at gagawin niya rin daw ang makakaya nya para makasunod ang mahalaga ngayon ang maging ligtas ang sanggol na si Leo at gawin na lang daw yun ni Tuesday para sa matalik nilang kaibigan na si Lea para hindi masayang ang mga sakripisyo nito.

Habang tumatakbo palayo ay nakita nila Tuesday at Aron kasama ang sanggol na si Leo kung paano salubungin ng napakaraming bampira sina Nica at Froy mula sa direksyon nina Brandon at mga vendetta members...

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...