Wednesday, October 18, 2023

P.4 "Ang romantikong sandali nina Lea at Brandon sa bahay"


P.4 "Ang romantikong sandali nina Lea at Brandon sa bahay"

ni Froy ang mga bodyguards na mag-intay na lang doon sa pwesto at magmasid, at kung may makita silang hindi magandang gawin ng vampire hunter at nagbigay siya ng senyas ay saka sila sumugod.

Agad na ring lumunok si Froy ng vampire neutralizer pill upang sundan si Lea dahil baka may gawing hindi maganda yung vampire hunter, lalo at lahat naman ng bodyguards ni Lea ay binigyan ni Zenu ng vampire neutralizer pill pero inatasan silang tipirin ito dahil limitado palang ang supply nito kaya pinili na ni Froy na hindi pasunurin yung ibang bodyguards para makatipid sa vampire neutralizer pill.

Habang kausap ni Brandon at tinutulungang mag-ayos ng mga nasirang gamit dahil sa pakikipag-laban niya sa lalaking bampira ay nalaman niyang may dalawang anak itong mag-asawa isang babae at isang lalaki at yung lalaking bata na nagngangalang Aron Emmanuelle na anak nila ay lumapit sa kanya at nagsabing humahanga siya kay Brandon at nagtanong kung pwede siya nitong turuang makipaglaban para sa susunod ay magawa niyang ipagtanggol pamilya nya at lalo hindi naman daw kalayuan ang bahay niya dito.

Habang si Lea ay nandoon na agad siyang nagsabi kay Brandon na nakita nya ang ginawa nitong pagliligtas sa pamilya at nagpapasalamat din siya umano dito sabay tanong ng pangalan ni Brandon at kung saan ito nakatira na hindi naman agad nasagot ni Brandon dahil dumating bigla si Froy habang napansin silang dalawa ni Aron at tinanong sila ng bata kung sino sila at taga saan sila, na sinagot naman ni Lea na siya si Lea at yung kasama niya ay matalik niyang kaibigan na si Froy at napadaan lang sila sa lugar na narinig naman ni Brandon at ng mag-asawa habang ang bunsong babaeng anak naman nila na sanggol ay nasa loob ng bahay.

Pinutol na ng ama ang mga pag-uusap nila at nagwikang: Bakit hindi na kayong tatlo dito mananghalian lalo at sa tuwing may mga taong madadaan dito sa lugar namin ay pinapakain namin sila at pinagkakatay ng alagang baboy at manok. Lalo at maraming alagang mga hayop at gulay ang pamilyang yun sa lugar na yun bilang pasasalamat na rin di umaano nila kay Brandon sa pagligtas sa kanila.

At pumayag naman si Brandon at Lea dito kaya napilitan na ring pumayag si Froy, at nagtataka talaga si Froy kung bakit gustong gustong manatili ni Lea doon gayung minama-...

To be continued...

No comments:

Post a Comment