Wednesday, October 18, 2023

P.5 "Ang history ng pagiging hari ni Zenu ng mga bampira"


P.5 "Ang history ng pagiging hari ni Zenu ng mga bampira"

-dali na ni Zenu na pauwiin sila dahil may importante raw itong sasabihin kay Lea.

Bukod sa vampire neutralizer pill isa pang hindi alam ni Brandon ay na hindi na sumisipsip ng dugo ang mga bampira o pumapatay ng tao para rito, nangyari ito noong opisyal na naging hari ng mga bampira ang ama ni Lea na si Zenu mula sa nangyaring botohan matapos mapatanggal at mapatalsik ang hari noon na si Van Dern dahil sa pag-abuso nito sa kapangyarihan kaya nagrevolt ang mga bampira against him na pinangungunahan ni Zenu, noong mga panahong yun kamatayan ang parusang gustong ibigay ng mga bampira kay Van at sa buong pamilya nito ngunit dahil naawa si Zenu sa kanila ay pagpapalayas na lang ang parusang ibinigay niya kay Van at sa pamilya nito.

Si Zenu ang klase ng hari na ayaw gumamit ng dahas kung hindi naman kailangan unless kapakanan na ng vampire race pinag-uusapan para kay Zenu ang kapakanan ng vampire race ang una bago ang kahit na ano pa.

Noong mga panahong yun halos ilang taon palang since naging hari si Zenu at ang una niyang binigyang atensyon ay ang 12 orders, ito ang 1 dozen na batas na nagrurule sa vampire race at halos lahat ng 12 orders na ito ay binago ni Van para sa sarili niyang kapakanan, ibinalik itong lahat ni Zenu sa orihinal bago ito sinira ni Van at binago ni Zenu ang isa rito na kung saan ipagbabawal na ang pagpatay sa mga tao upang sipsipan ang mga ito ng dugo at sa halip ay dugo na lamang ng hayop ang alternative at ordinaryong pagkaing tao dahil naniniwala sya na ito ay kumukurap sa mga bampira also dahil anti violence siya. At nag agree naman dito ang mga bampira at may tiwala sila kay Zenu bilang siyang nanguna sa pagpapatalsik kay Van ang isa lang sa naging epekto nito ay nawala na ang immortality ng mga bampira at umiidad na lang sila as same as ordinary human but nanatili pa rin naman ang kanilang mga abilidad. At mukhang maraming mga bampira ang nagustuhan ito dahil mas makaka-focus na sila kung paano nila magagamit ng ayos ang limitadong buhay nila.

12 Orders by Zenu:
1.Not Love/Marry other creatures than vampire.
2.Not kill any vampire unless they violate any of these orders.
3.Not kill humans for blood and other creatures  for non noble reason.
...

To be continued...

No comments:

Post a Comment