Wednesday, October 18, 2023

P.3 "Ang unang pagkikita nina Lea at Brandon"

P.3 "Ang unang pagkikita nina Lea at Brandon"

wala pa rin ay magkakameron ng botohan upang pumili sa mga nais maging susunod na hari at ito sana ang balak gawin ni Pete lalo at wala ng mga kamag-anak si Zenu at Lea na pwedeng magmana pero oras na makasal sina Blinkoln at Lea ay mas gugustuhin niya ito lalo at si Zenu na lang ang kailangan niyang patayin upang ang anak niyang si Blinkoln ang maging hari at oras na nasa pamilya na ni Pete ang kapangyarihan ay mas madali na nilang mapagtatakpan ang pagpatay na kanyang gagawin lalo at ang pinaka layunin niya dito ay maibigay sa kanyang lahi ang kapangyarihan lalo na sa pinakamamahal niyang anak na si Blinkoln na pagkabata palang ay naghahangad ng maging hari.

Nasa isang taon na ang nakalilipas noong unang beses na magsalubong ang landas nina Brandon at Lea ito'y nangyari habang nasa kagubatan sina Lea at Froy at mga vampire bodyguards ni Lea ng may mapansin sila sa hindi kalayuan na tila isang lalaking bampira ang umaatake sa isang pamilyang may bahay sa gitna ng gubat, agad nila itong pinuntahan na pinangungunahan ni Lea, but pinigilan ni Froy si Lea bago pa sila tuluyang makalapit dito dahil may paparating na isang lalaki at wika ni Froy kay Lea mukhang vampire hunter ito. At yun na nga si Brandon na agad kinalaban at pinugutan ng ulo yung lalaking bampirang sumalakay dahil pagpugot lamang sa ulo ang tanging paraan para mapatay ang isang bampira. At agad namang naging abo ang katawan at putol na ulo ng lalaking bampira na karaniwang nangyayari sa isang bampira after nitong mamatay unlike sa ordinaryong tao na matagal ang pagkaagnas at pagiging abo.

Napansin lang ni Froy kay Lea na habang pinapanood nila yung lalaki which is Brandon ay tila nakatulala lang si Lea na nakatitig kay Brandon.

Matapos ni Brandon mapatay yung lalaking bampira ay agad lumunok si Lea ng Vampire Neutralizer Pill isang klase ng gamot na halos kaiimbento pa lang ng mga bampirang mananaliksik na kung saan binibigyan nito ang bampirang lumunok na maitago ang kanilang vampire essence upang hindi sila madetect ng mga vampire hunter o ibang mga nilalang na may kakayahang makaramdam sa kanila, kada isang pill na lulunukin ay may 24hrs. na bisa, medyo mahirap lang gawin ang pill na ito, lalo at may sangkap itong mga bihirang mga elemento na sobrang hirap hanapin, sa ngayon halos pamilya pa lang ni Lea ang meron nito at ilang mga pili at makapangyarihang mga bampira katulad ng pamilya ni Blinkoln, at agad pinuntahan ni Lea si Brandon, pipigilan sana siya ni Froy kaso hindi na siya nito inabutan pa at sinabihan...

To be continued...

No comments:

Post a Comment