Wednesday, October 18, 2023

P.2 "Ang maitim na plano ni Pete"


P.2 "Ang maitim na plano ni Pete"

Si Lea ay sinubukan ng ipagkasundo ng kanyang mga magulang na ikasal sa anak na lalaki ng pangalawa sa pinakamakapangyarihang pamilya ng bampira ngunit tinanggihan ito ni Lea dahil bukod sa walang kahit na anong nararamdaman si Lea sa lalaking ito ay kilala rin ang lalaking ito na spoiled at abusado.

Ang lalaking ito ay nagngangalang Blinkoln Jerix na minsan na ring muntikang makaaway at laban ni Froy ng magtangka itong harasin na makipag-usap sa kanya si Lea mabuti na lang at pumagitan agad si Lea para awatin sila.

Kilala itong Blinkoln na ito na bigay layaw lahat ng magulang niya sa kanya lalo at like Lea ay nag-iisang anak lang din siya at kilala rin siya na hindi pumapayag na hindi makuha ang gusto niya na parang isang bata, isang ugali na talagang ayaw ni Lea.

Ang lider ng bodyguards ni Blinkoln ay nagngangalang Anton Brombo isang special vampire na kung saan sa halip na matalas na kuko sa kamay ang gamit niya sa pakikipaglaban ito ay parang isang espada na lumalabas sa kanyang magkabilang kamao, sya rin ang muntikan ng lumaban noon kay Froy para kay Blinkoln na hindi nga natuloy dahil inawat agad ni Lea.

May tatlong klase ng bampira, una ay ang ordinary vampire kung saan ordinary vampire sila with ordinary vampire abilities, majority of vampires are like this around 90+%, pangalawa ay ang special vampire like Anton kung saan meron silang kakaibang abilidad na wala ang ordinaryong bampira but this does not make them more stronger or powerful than other vampires, at ang panghuli at pangatlo ay ang half vampires na bunga ng paglabag sa batas ng mga bampira at pakikipag relasyon sa ibang uri ito ang pinaka-bawal na gawin ng isang bampira dahil pag-rerebelde ito sa kanilang uri na kasalukuyang ginagawa ni Lea, ang parusa dito ay kamatayan sa pinaka brutal at mahabang paraan hindi lamang para sa bampira at karelasyon nito kundi para na rin sa ibubunga ng pagmamahalan nila ang kanilang mga anak upang hindi na ito pamarisan ng iba pang mga bampira.

Lingid sa kaalaman ni Zenu ang ama ni Blinkoln at matalik nyang kaibigan na nagngangalang Pete Jerix ay may planong agawin sa kanya ang trono oras na makasal na si Blinkoln at Lea sa pamamagitan ng pagpatay palihim kay Zenu at kay Lea dahil sa batas nila ang asawa o anak lang ng kasalukuyang hari o reyna ang pwedeng magmana ng trono at kung wala na ang anak nito ay ang pinakamalapit na kamag-anak ang magmamana at kung...

To be continued...

No comments:

Post a Comment