Wednesday, October 18, 2023

P.1 "Ang relasyon nina Lea at Brandon"


P.1 "Ang relasyon nina Lea at Brandon"

Noong unang panahon may isang lalaking nagngangalang Brandon Breaker isang vampire hunter ang umibig sa isang babaeng bampira na nagngangalang Lea Granjas. Noong mga panahong yun ay hindi pa alam ni Brandon na si Lea ay hindi lamang isang bampira kundi prinsesa at nakatakdang maging susunod na reyna.

Dahil sa labis na pagmamahal ni Lea kay Brandon ay nagpanggap siya bilang isang ordinaryong tao at inutusan ang ilan sa kanyang mga bampira na magpanggap na ordinaryong tao din at bilang kanyang pamilya, lalo at alam ni lea na siguradong tututulan ito ng kanyang tunay na pamilya lalo na at hindi lamang labag sa batas ng mga bampira ang makipag relasyon sa ibang uri bukod sa kapwa bampira ay malinaw rin sa kanilang uri na oras na may patayin sa uri nila buhay rin ng pumatay rito ang kapalit, mas marami kang napatay na bampira ay mas brutal at mahaba ang pagpapahirap na parusang kamatayan ang ipapataw, kaya alam ni Lea na nanganganib si Brandon sa kanyang pamilya. At bukod doon ay alam din ni Lea na kahit pareho ang lalim ng pagmamahal ni Brandon sa kanya ay may malaki pa ring posibilidad na hindi baliin ni Brandon ang kanyang tungkulin para sa kanya at magdahilan lamang ang kanyang pagtatapat kay Brandon para masira ang kanilang relasyon kaya mas pinili ni Lea na magpanggap na lamang dahil nabulag na siya ng pag-ibig kahit alam nyang anytime soon ay pwedeng mabuko ni Brandon ang tunay nyang pagkatao.

Buti na lang at may isang kababata si Lea na nagngangalang Froy Mendez na kasalukuyan ring namumuno sa mga gwardyang bampira na nagbabantay kay Lea saanman sya pumunta. Ang ama ni Lea na si Zenu Granjas ang pumipili ng gwardya ni Lea at ng mga namumuno sa mga ito. Pinili si froy ni Zenu dahil alam niyang ito ang pinakamatalik na naging kaibigan ng kanyang anak simula pagkabata.

Lingid sa kaalaman ni Zenu ang kanyang piniling bodyguard leader ni Lea na si Froy ay tinutulungan si Lea na pagtakpan ang pakikipag-relasyon nito kay Brandon.

Alam ni Froy na higit sa isang kaibigan ang nararamdaman niya para kay Lea ngunit hindi niya ito masabi sa kanya dahil natatakot siyang masira nito pagkakaibigan nila at magdahilan pa upang magkalayo silang dalawa lalo at nakikita ni Froy na si Brandon talaga ang tinitibok ng puso ni Lea kahit nasasaktan siya ay mas lamang ang kasiyahan sa tuwing makikita nyang masaya si Lea dahil kay Brandon kaya pinili na lamang niyang tulungan si Lea na maitago relasyon nila ni Brandon sa  pamilya nito at iba pang mga bampira.

To be continued...

No comments:

Post a Comment