Friday, October 27, 2023

P.17 "Death of Tuesday's parents"

P.17 "Death of Tuesday's parents"

At lumuhod sabay wikang patawarin sya nito habang umiiyak at nagsasabing alang-alang bilang anak nya ay humihiling sya dito na baguhin ang batas at tanggapin ang relasyon nila ni Brandon at kung hindi, habang kumukuha ng kutsilyo sa kanyang likuran ay papatayin nya ang sarili nya sa harapan nito sa pamamagitan ng pagpugot sa sarili nyang ulo, hindi man rinig nina Brandon at Aron ang pag-uusap nina Lea at Zenu na ilang hakbang din ang layo ay alam nilang mukhang buhay ni Lea ang tinataya nya rito.

Pumatak ang luha sa magkabilang mata ni Zenu habang si Blinkoln at Anton ay nakatingin sa kanya sa magkabilang side at tumingin si Zenu sa dalawang ito para damputin na si Lea without saying anything, nahalata ito ni Lea kaso ng isasaksak na nya ang kutsilyo sa leeg nya ay nahawakan na ni Blinkoln at Anton ang magkabilang braso ni Lea at nagsisigaw si Lea, habang sinabihan ni Zenu sina Anton at Blinkoln na ikulong muna si Lea, habang si Brandon at Aron ay sumugod na noong nakita nila na binitbit na ng dalawa si Lea, na sinalubong naman ng mga kasamang bampira ni Zenu upang atakihin at sumigaw si Zenu sa mga bampirang umaatake kay Brandon at Aron na: wag nyo munang patayin ang lalaking may malaking espada at gusto ko pa syang kausapin.

Habang si Tuesday at mga magulang nya kasama si Leo ay umalis at lumabas na agad sa likod ng bahay ng makita nilang dinampot na si Lea kaso may nakakita at humabol sa kanilang nasa limang bampirang kasama ni Zenung pumunta doon kaya walang pinagpilian ang mga magulang ni Tuesday kung hindi ang e sakripisyo ang mga sarili nila para makaligtas si Tuesday at Leo kahit ayaw pumayag ni Tuesday pero napapayag rin sya ng sabihin nya na gawin ito para sa kanila at sa kaibigan niyang si Lea upang hindi masayang sakripisyo nito kesa mahuli silang lahat at mapatay. Humagulhol sa pag-iyak na tumakbo si Tuesday habang nakikita nyang labanan ng mga magulang nya ang limang bampira at nagawa nilang matalo at patay ang dalawa rito kaso napatay sila ng tatlo pa at kitang kita ito ni Tuesday bago sya tuluyang nakalayo kaso sinundan pa rin sya noong tatlo...

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...