Monday, October 30, 2023

P.20 "Froy hear Lea/Blinkoln wedding"

P.20 "Froy hear Lea/Blinkoln wedding"

umatake si Tuesday sa kanila ay inutusan na nya ang lahat ng vendetta members na wag ng tutukan ng armas nila si Tuesday lalo na si Nica na takot na takot at nagpatuloy sa pagtatanong si Jerry habang ang lahat ay nakikinig noon including Brandon na ginagamot ni Karen at even Aron na naguumpisa ng magkamalay at that time.

Simula ng araw na yun halos lahat ng myembro ng vendetta ay nanatili sa headquarters nila kasama si Tuesday na nag-aalaga kay Leo kung saan halos lahat ng myembro ay nagtatanong sa kanya ng impormasyon about sa mga vampires except si Nica na takot pa rin dito at madalas lumalayo sa kanya. Habang si Lea naman ay ikinulong ng kanyang ama sa kwarto nito at bantay sarado ng mga bampirang pinili ni Zenu para bantayan sya at mga walang koneksyon sa kanya, para masiguradong hindi ito gagaya kay Froy. At walang kamalay-malay si Lea na inaayos na ni Zenu ang sapilitang pagpapakasal nya kay Blinkoln sa mga darating na araw. Si Blinkoln naman na nakakulong parin na walang kamalay-malay sa kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya sa mga susunod na araw lalo at marami sa 12 orders ang nasuway nya sa pagtulong niya kay Lea sa pagtatakip ng relasyon nito kay Brandon na lahat ay punishable by death.

Si Brandon naman na halos kagagaling pa lang ay gusto na agad umalis para hanapin si Lea kaso, pinigilan sya ni Jerry at isa sa mga rason kung bakit hindi rin ito makaalis sa headquarters nila upang bantayan si Brandon na para na nyang kapatid. Habang si Aron naman na kagagaling pa lang din ay nageensayo na rin agad para daw diumaano sa pagliligtas nila kay Lea.

Hanggang isang araw ay narinig ni Froy ang mga gwardyang bampira na nagbabantay sa kulungan nila na hindi ganun kalayuan sa kulungan nya ang pwesto na nag-uusap about sa paparating di umanong kasal ni Lea at Blinkoln sa araw ng martes umaga sa simbahang pang bampira sa komunidad nila, linggo ng araw na yun at alam ni Froy na isang araw na lang ang meron sya kung gugustuhin nyang mapigilan yun at alam nyang makatakas man sya sa kulungan nya ay hindi nya kakayaning iligtas mag-isa si Lea kaya naisip nyang hanapin si Brandon para humingi ng tulong dito kung buhay pa ito na hindi nya alam na nakaligtas ito...

To be continued...

Sunday, October 29, 2023

P.19 "Saving Aron and Brandon"

P.19 "Saving Aron and Brandon"

sina Jerry and Karen ng akma ng bubunot ng baril si Karen ay pinigilan siya ni Jerry sa pagwiwikang: Teka Karen hindi natin kakayaning talunin ang dami nila lalo at mukhang marami sa kanila ang lubhang malakas and she agreed on it kaya inatasan na lang nya si Karen na kunin si Aron na walang malay na nakahiga sa lupa, while sya ang kukuha kay Brandon after nyang magpasabog ng 'Vampire Smoke Bomb' isang klase ng smoke bomb na designed para e-iritate ang mata,ilong at lalamunan ng mga bampira upang makatakas sa pagka corner ng mga ito na equivalent ng tear gas sa tao.

After magpasabog ni Jerry ng vampire smoke bomb ay tagumpay naman silang lahat nakatakas kasama si Brandon at Aron habang dala ni Stone ang vampire slayer sword ni Brandon at ni Ash ang Spear Sword ni Aron. Habang pagkadating nina Ren,Tuesday at Leo sa Vendetta headquarters ay inabutan nilang nagluluto doon si Nica ang tanging naiiwan doon sa tuwing aalis ang lahat ng myembro lalo pag group mission at sumisiguradong pagbalik nila ay may pagkaing madadatnan ang mga myembro at lumalaban lang sya gamit ang kanyang automatic crossbow na bigay ni Karen kapag wala na syang pagpipilian lalo at sya ang least capable sa grupo when it comes to fighting.

Agad namang inasikaso ni Nica ang tatlo at pinakain habang matapos ang kaunting oras ay dumating na rin sa headquarters ang lahat ng iba pang myembro ng vendetta si Brandon akay ni Jerry while si Aron naman ay nakasukbit sa balikat ni Stone. Agad na inihiga si Aron na hindi pa rin nagkakamalay habang si Brandon naman ay nilapatan agad ni Karen ng paunang lunas lalo at puno ito ng sugat, lumingon si Brandon kay Tuesday na hawak at pinapadede sa garapon noon si Leo at nagwikang: Tuesday totoo ba ang sinabi ni Lea na mga bampira kayo? na ikinagulat ng lahat ng nandoon na sinagot naman ni Tuesday ng oo at patawad raw sa ginawa nilang pagsisinungaling na mas ikinagulat ng mga naroroon na humawak na sa mga armas nila at si Nica na agad kinuha ang crossbow niya ay agad nilagyan ng chemical liquid ito na pampatay ng mga bampira at agad tinutok kay Tuesday, si Jerry lang ang hindi humawak sa armas nya at binabasa nya pa ang sitwasyon, dahil nanghihina pa si Brandon ay si Jerry na ang nagtanong kay Tuesday, ng mapansin nyang mukhang wala namang balak...

To be continued...

Saturday, October 28, 2023

P.18 "Saving Tuesday"

P.18 "Saving Tuesday"

Habang patuloy na nakikipaglaban sina Brandon at Aron sa mga bampira ay si Tuesday naman habang tumatakas ay may humila sa kanya sa gilid ito'y noong mga oras na malapit na syang maabutan ng tatlong bampirang humahabol sa kanya. At ito ay si Jerry kasama sina Karen at Ren na papunta na sana sa direksyon nina Brandon para sakluluhan sila, lingid sa kaalaman ng mga vendetta members naisama na si Jerry ng isang beses ni Brandon sa bahay nina Lea kaya kilala na nito si Lea,Tuesday at mga magulang nito.

Sinenyasan ni Jerry si Tuesday na wag maingay sa pamamagitan ng pagtakip sa labi nito ng kanyang hintuturo para hindi sila marinig habang karga ni Tuesday si Leo at ng nasa lugar na yung tatlong bampira ay tig-isa nina Jerry,Karen at Ren itong inatake at dahil sa liquid na naimbento ni Karen hindi na nila kinailangan lapitan ang mga ito para pugutan ng ulo.

Matapos ito ay sinabihan ni Jerry si Karen kung pwedeng samahan na lang sina Tuesday sa headquarters pero tinitigan lang ni Karen yung sanggol na hawak ni Tuesday at nagwikang: si Ren na lang Jerry, pupuntahan ko na para sakluluhan si Brandon.' Alam ni Jerry na posibleng dahil ito sa selos ni Karen kay Lea at bago pa masabihan ni Jerry si Ren ay nagsalita na si Ren na: ako ng bahala Jerry' at sumagot na lang si Jerry ng: salamat ren' at matapos umalis ni Ren with Tuesday and Leo ay sinundan na agad ni Jerry si Karen para sakluluhan sina Brandon.

Si Aron ay nawalan na ng malay matapos mabagok sa pakikipaglaban habang si Brandon ay sugatan ng hawak ng maraming bampira at habang nakaluhod na hawak ng mga bampira ay kinausap sya ni Zenu at tinanong sya ng ilang mga bagay katulad ng gaano katagal na silang magkarelasyon ni Lea at kung alam ba nitong bampira si Lea, at sa mga tugon naman ni Brandon ay nagsasaad sya na wala syang alam about sa totoong pagkatao ni Lea but mahal nya ito at kung paanong napakawalang kwentang ama ni Zenu kung sya man raw ang tunay nitong ama na mababakas sa mukha ni Zenu ang pagka-offend sa sagot na yun ni Brandon at ilang saglit lang ay naputol na pag-uusap nila dahil dumating na sa lugar sina Stone at Ash na agad kumalaban sa mga bampira para sakluluhan si Aron at Brandon, at ilang saglit lang ay dumating na rin...

To be continued...

Friday, October 27, 2023

P.17 "Death of Tuesday's parents"

P.17 "Death of Tuesday's parents"

At lumuhod sabay wikang patawarin sya nito habang umiiyak at nagsasabing alang-alang bilang anak nya ay humihiling sya dito na baguhin ang batas at tanggapin ang relasyon nila ni Brandon at kung hindi, habang kumukuha ng kutsilyo sa kanyang likuran ay papatayin nya ang sarili nya sa harapan nito sa pamamagitan ng pagpugot sa sarili nyang ulo, hindi man rinig nina Brandon at Aron ang pag-uusap nina Lea at Zenu na ilang hakbang din ang layo ay alam nilang mukhang buhay ni Lea ang tinataya nya rito.

Pumatak ang luha sa magkabilang mata ni Zenu habang si Blinkoln at Anton ay nakatingin sa kanya sa magkabilang side at tumingin si Zenu sa dalawang ito para damputin na si Lea without saying anything, nahalata ito ni Lea kaso ng isasaksak na nya ang kutsilyo sa leeg nya ay nahawakan na ni Blinkoln at Anton ang magkabilang braso ni Lea at nagsisigaw si Lea, habang sinabihan ni Zenu sina Anton at Blinkoln na ikulong muna si Lea, habang si Brandon at Aron ay sumugod na noong nakita nila na binitbit na ng dalawa si Lea, na sinalubong naman ng mga kasamang bampira ni Zenu upang atakihin at sumigaw si Zenu sa mga bampirang umaatake kay Brandon at Aron na: wag nyo munang patayin ang lalaking may malaking espada at gusto ko pa syang kausapin.

Habang si Tuesday at mga magulang nya kasama si Leo ay umalis at lumabas na agad sa likod ng bahay ng makita nilang dinampot na si Lea kaso may nakakita at humabol sa kanilang nasa limang bampirang kasama ni Zenung pumunta doon kaya walang pinagpilian ang mga magulang ni Tuesday kung hindi ang e sakripisyo ang mga sarili nila para makaligtas si Tuesday at Leo kahit ayaw pumayag ni Tuesday pero napapayag rin sya ng sabihin nya na gawin ito para sa kanila at sa kaibigan niyang si Lea upang hindi masayang sakripisyo nito kesa mahuli silang lahat at mapatay. Humagulhol sa pag-iyak na tumakbo si Tuesday habang nakikita nyang labanan ng mga magulang nya ang limang bampira at nagawa nilang matalo at patay ang dalawa rito kaso napatay sila ng tatlo pa at kitang kita ito ni Tuesday bago sya tuluyang nakalayo kaso sinundan pa rin sya noong tatlo...

To be continued...

Thursday, October 26, 2023

P.16 "Lea's Revelation to Brandon"

P.16 "Lea's Revelation to Brandon"

-yong tumulong sa akin at pinagkakatiwalaan kita at ang pamilya mo tuesday kaya nakikiusap ako para sa akin gawin mo ito. At kahit malungkot ay tumango na lang si Tuesday at nagbigkas na: mag-ingat ka Lea at sana makumbinsi mo ang ama mo. Na ikinasiya naman ni Lea at nagpasalamat sya kay Tuesday sabay bigkas ng: gagawin ko ang makakaya ko Tuesday. At lumabas na si Lea ng pinto habang si Tuesday ay nakatutok sa bintana para bantayan ang mga mangyayari kasama sa likuran niya ang mga magulang nya na nagpapasalamat rin kay Lea at nagpa-alalang magingat bago ito tuluyang lumabas.

Kapansin-pansin na lahat ng kasama ni Zenung bampira ay nasa hustong gulang na pero may mga bata naman sa kanilang pook lalo at human like na ang bilis ng pagtanda nila unlike noong mga panahong mandatory pa ang pag-inom ng dugo ng mga tao halos puro matatanda na ang tao sa komunidad nila dahil hindi pinapainom ang bata ng dugo ng tao at that time para mabilis silang tumanda at kapag nasa hustong gulang na ay saka sila umiinom ng dugo ng tao upang mapatagal ang kanilang pagtanda, na nagdahilan din para lumubo ang populasyon ng mga bampira noon at naging salat ang buhay ng karamihan sa kanila sa pamumuno ni Van.

At nakarating na si Lea sa likuran ni Brandon at Aron at nagsalita ito habang pinipilit pa rin ni Bramdon si Aron na itakas na sina Lea at mga kasama nito at wika ni Lea: Patawarin mo ako brandon. At nagulat si Brandon at nagwikang: o Lea bakit ka nasa labas diba sabi ko walang lalabas at delikado rito. Na sinagot naman ni Lea ng: bampira ako Brandon at yung lalaking nangunguna sa mga bampira na patungo rito ay ang aking ama at sya ang hari ng mga bampira. Na labis na ikinagulat nina Aron at Brandon na parehong nakarinig nito at tumugon si Brandon kay Lea ng: at bakit ngayon mo lang ito sinabi Lea? (na may tonong mababa at parang may hinanakit) habang ng mga sandali ring yun ay dumating na sa lugar si Zenu at ang mga bampira kaya naputol ang pag-uusap nina Lea at Brandon habang si Aron naman ay takot na takot dahil sa dami ng bampira ilang hakbang lang ang layo sa harapan nila at halos mabasag na sa pagkulo ang vampire detector ni Aron at Brandon.

Agad namang lumapit si Lea kay Zenu...

To be continued...

Wednesday, October 25, 2023

P.15 "Lea's Farewell to Tuesday"

P.15 "Lea's Farewell to Tuesday"

sikreto ni Lea.

At dumating na nga sa lugar sina Zenu at ang napakaraming bampirang kasama nito including Blinkoln,Anton and even Pete habang si Margarette ay nagpaiwan. Nasa labas na sina Brandon at Aron at kinakabahan sila sa dami ng bampirang patungo sa bahay nila na pinangungunahan ni Zenu habang kasama si Pete,Blinkoln,Anton at iba pang mga malapit sa kanya at malakas na mga bampira.

Kinausap na ni Brandon si Aron at sinabihan itong imposible nilang matalo ang ganito kadaming bampira kaya itakas nya na lang sina Lea at dumaan na lang din muna sya sa kanila para isama pamilya nya at tumungo sila sa headquarters ng Vendetta at aantayin na lang daw ni Brandon doon ang paparating na ibang vendetta members. At sumagot naman si Aron na hindi sya pumapayag na iwan si Brandon doon, nagpatuloy ang pakiusap at pamimilit ni Brandon kay Aron na sumunod na lang habang si Lea naman nakitang si Zenu nga ang nangunguna sa mga bampira sa bintana, kahit na sinabihan sila ni Brandon na wag lalabas o magbubukas ng bintana o pinto kahit na anong mangyari bago ito lumabas kasama si Aron na kalalaman lang din noong mga oras na yun kanina na nanganak na si Lea ng nagngangalang Leo, simula noong malaman ni Brandon ang bahay ni Lea ay doon na ito umuuwi at madalang ng dumadaan sa bahay nito habang ang vendetta group members naman ay hindi pa nakikita ng personal si Lea except kay Aron na araw-araw tuwing umaga pumupunta doon para sunduin si Brandon papunta sa vendetta headquarters. Ang plano ng myembro ng vendetta ay saka pumunta sa bahay nila Lea once manganak na ito na madalas makwento ni Brandon sa kanila lalo na ang pagbubuntis ni Lea na lahat ay nagagalak except kay Karen na kilala sa grupong may crush kay Brandon.

At matapos ngang makita ni Lea na si Zenu ang nangunguna sa mga bampira ay agad nitong kinausap si Tuesday at sinabihan itong itakas na si Leo kasama ang mga magulang nya oras na makita nyang hindi gumana ang gagawin nyang pakikipag-usap kay Zenu, na sinagot naman ni Tuesday ng: pero paano ka Lea? At sumagot si Lea ng: Tuesday si Leo na ngayon ang buhay ko at kung sakaling hindi ko makumbinsi ang aking ama na baguhin ang batas ay siguradong kamatayan ang igagawad nyang parusa hindi lang sa akin, kay Leo at Brandon kundi pati sa in-...

To be continued...

P.14 "Ang pagsugod ni Zenu at mga bampira sa bahay ni Lea"

P.14 "Ang pagsugod ni Zenu at mga bampira sa bahay ni Lea"

-wak ni Blinkoln at Anton si Froy ay pinaulanan ito ni Zenu ng suntok at sipa at tinanong kung paano nito nagawang magtraydor sa kanya at ang naging tugon lang ni Froy ay dahil mahal nya ang anak nito, inutusan ni Zenu na ikulong na muna si Froy at samahan na sya sa kinaroroonan ni Lea at ng karelasyon nitong vampire hunter, at nagwika naman si Blinkoln habang hawak ang duguang si Froy kung hindi pa ba ito dapat na patayin, sumagot si Zenu na marami pa syang gustong itanong rito at may mas mahalaga silang dapat gawin ngayon which is yung pagpunta sa kinaroroonan ni Lea.

Kaya kinulong na muna nina Anton at Blinkoln si Froy at agad ng lumabas kasama si Zenu at maraming bampira na tinawag nina Pete at iba pa including Zenu, at sila ay tumungo na sa lugar, habang sina Lea,Leo at Brandon ay natutulog at walang kamalay-malay sa paparating na panganib sa mga susunod na oras.

Pasikat na ang araw kinaumagahan at paalis na rin si Brandon ng kanyang mapansin ang kanyang vampire detector na isang babasaging lalagyang bilog na may likidong parang tubig sa loob ay kumukulo ng sobrang tindi (Pagkulo ang pahiwatig nito na may vampire essence sa malapit itong nararamdaman.) at kinabahan si Brandon dahil ito ang pinakamalakas na pagkulo nitong nangyari at ibig sabihin noon ay either sobrang lakas ng bampirang nadedetect nito o sobrang dami nila. Kaya agad ginising ni Brandon si Lea at ang lahat ng nasa bahay saktong dumating na rin si Aron doon at sinabihan na rin sya ni Brandon na humanda at nagpaputok na rin si Brandon ng Firework na pantawag sa iba pang myembro ng vendetta dahil alam nyang baka hindi kayanin nilang dalawa ni Aron ang mga papalapit na bampira, ang firework na ito ay iba sa  binigay ni Brandon sa mga magulang ni Aron bago siya umalis doon noong sinave nya ang mga ito sa lalaking bampira na umatake, yun ay personalized firework na pantawag lamang sa kanya at hindi sa iba pang myembro ng vendetta, ang firework na pinaputok nya now ay para sa grupo pantawag ng atensyon or back up from the other members if they are in danger like the current situation of Brandon.

At kahit sina Lea,Tuesday at mga magulang nito ay kinakabahan dahil alam nilang posibleng si Zenu na ito at posibleng nabuko na ang...

To be continued...

Monday, October 23, 2023

P.13 "Zenu discovers the secret relationship"


P.13 "Zenu discovers the secret relationship"

lahat ng palusot upang hindi pasukin ni Zenu si Lea sa kwarto like gusto nitong mapag-isa o masama ang pakiramdam nito at personal maid lang ang gustong makausap, hirap na rin kasing maglakad si Lea sa laki ng tyan niya kaya pinili na lang muna nitong hindi na muna umuwi hanggang sa sya ay manganak.

Tinanong ni Tuesday kung ano ang ipapangalan sa bata at sumagot si Lea na Leo ang lalaking Lea at siyang magiging haring leon ng vampire race sa hinaharap na sinumbatan naman ni Tuesday na parang imposible yun dahil sa batas nila at sumagot naman si Lea ng: marami pang pwedeng mangyari Tuesday na pwedeng magpabago sa sitwasyon, sa ngayon ang dapat nating alamin ay kung paano natin mapapainom ng vampire neutralizer pill si Leo lalo at kahit half vampire lang sya ay siguradong masesense pa rin sya ng mga gamit ni Brandon, at naisip ni Tuesday na pulbusin ang vampire neutralizer pill at magkapit ng pulbos nito sa nipple ni Lea bago pasusuhin si Leo at gumana ito at naitago ang vampire essence ni Leo bago pa tuluyang dumating si Brandon at ng makita ni Brandon na may nanganak na si Lea ay labis itong sumaya at kinarga agad si Leo, habang si Anton ay pinapanood mabuti ang lahat ng mga pangyayari at halos madaling araw na noon ng magsarado na ng bahay si Brandon ay agad ng umalis si Anton, at si Blinkoln at ang ina nito na matyagang nag-intay ay nakita na syang bumalik at ikinuwento ang lahat ng mga pangyayari sa mag-ina ni Anton at ng marinig nila ito ay napuno ng galit si Blinkoln habang si Margarette naman ay nagalak dahil alam niyang ito na ang tuluyang sisira sa relasyon ng mag-ama, agad na nagtungo si Margarette sa tahanan nina Zenu kasama si Anton at Blinkoln habang inabutan nilang nag-uusap doon at umiinom sina Zenu,Pete at ilan pa nilang mga malalapit na kaibigan at hinayaan ni Margarette na si Anton ang magkwento kay Zenu ng mga nakita nya habang rinig ito ng lahat ay mababakas ang paglaki ng emosyon ng kahihiyan at galit sa mukha ni Zenu at matapos itong maikwentong lahat ni Anton sa kanya ay nagwika si Zenu na samahan sya sa lugar na yun pero bago sila umalis ay kinumpirma muna ni Zenu na totoo lahat ito at sumugod ito sa kwarto ni Lea, kahit na pinigilan sya ni Froy ay agad na hinawakan ni Blinkoln at Anton si Froy at ng makita ni Zenu na wala nga si Lea sa kwarto nito, habang ha-...

To be continued...

Sunday, October 22, 2023

P.12 "Leo's Birth"

P.12 "Leo's Birth"

Kaso just like the vampire neutralizer pill mukhang may mga sangkap din ito na bihira at mahirap hanapin at kailangang sapat ang dami ng kemikal na ito na papasok sa open wound o loob ng katawan ng bampira para lubusan itong mamatay or else pwede pang makaligtas ito. Ito ang binunga ng almost 5 years na pag-aaral,pagsasaliksik at pag eexperimentong ginawa ni Karen.

Kasalukuyang nag-iisip si Zenu kung tama ba ang ginawa nyang pagpapaalis kina Van Dern at pamilya nito dahil nangangamba sya na oras na mawala na sya sa trono at ang anak nyang si Lea na ang humalili or ang future husband nito as the new king ay balikan sila ni Van at ng pamilya nito, lingid sa kaalaman ni Zenu ang kanyang tinuturing na malapit na kaibigan na si Pete ay kinupkop sina Van at pamilya nito matapos mapalayas upang makatulong sa kanya sa plano nyang pagkuha ng kapangyarihan mula kay Zenu.

Dumating na ang araw ng panganganak ni Lea, ilang oras bago ito ay napaaway si Tuesday sa kanyang pinsan na si Anton lalo at mainit ang ulo niya rito like Lea to Blinkoln dahil sa pananatili nito kay Blinkoln bilang bodyguard kahit na kilalang abusado ito.

Lingid sa kaalaman ni Tuesday ng umalis sya sa komunidad nila ay inutusan ni Margarette si Anton na sundan ang pinsan niya sa araw na yun dahil nagdududa na sya di umaano sa sobrang dalas ng paglabas nito at ginawa naman ni Anton, dahil para kay Anton ang tungkulin niya ang una bago ang lahat like the vampire race for Zenu at sinabihan ni Margarette ang anak niyang si Blinkoln na wag na munang aalis sa hapong yun dahil pinasundan nya raw si Tuesday ang isa sa BFF ni Lea kay Anton dahil nagdududa na sya sa dalas ng paglabas nito ng kanilang komunidad.

At saktong makalipas lang ang ilang minuto na makarating si Tuesday sa bahay nina Lea na ginawa sa gubat ay nakaramdam na si Lea ng pag-anak nandoon pareho ang magulang ni Tuesday na tulong-tulong na nagpaanak kay Lea habang si Brandon ay wala pa na halos tuwing gabi lang dumadating matapos nitong maihatid si Aron sa bahay nila, at nanganak na nga si Lea habang si Anton ay kita at pinapanood ang lahat ng nangyayari sa kalayuan. Halos isang buwan ng hindi umuuwi si Lea habang si habang si Froy ang gumagawa ng...

To be continued...

Saturday, October 21, 2023

P.11 "Vampire Killing Chemical Invention"


P.11 "Vampire Killing Chemical Invention"

-ng madalas magdala ng baboy o mga hayop na nahuli sa grupo, minsan na rin nyang niligtas ang buhay ni Brandon ng ito ay mabitag sa isang pangangasong bitag ng kanyang tribo na buti na lang nasagip siya ni Stone gamit ang palakol nito, at simula noon ay naging magkaibigan na sila, sumunod ay si 'Ren Godo' na pinsan nina jerry at karen, isang throwing knife enthusiast and champion, and a cowboy too but mas piniling kutsilyo na lang ang gamitin kesa baril, at ang panghuli ay si Aron na pinakabata at bagong myembro ng grupo lalo at kinulit nito ng todo si Brandon last time in the recent days na isali sya sa grupo kaya napilitan na si Brandon.

Sila ang walong kasalukuyang bumubuo sa Vendetta na dapat ay sampu na kung hindi napatay sa labanan ang kambal na kaibigan at recruit ni Jerry na sina 'Jack & Jill Morrie' na pareho ring cowboy like Jerry at napatay ni Van Dern noong nagkameron ng laban sa grupo ng Vendetta at grupo ni Van Dern na napadaan sa parehong lugar.

Simula noong nangyari ang insedenteng yun na namatayan ng dalawang myembro ang Vendetta nasa 5 years na ang nakakaraan si Karen na nag-aact as the scientist of the group ay nagexperimento kung anong ibang way para magawa nilang mapatay ang bampira bukod sa pagpugot ng ulo nito dahil alam ni Karen na kung may paraan lang sana para mapatay ang mga bampira ng malayuan ay baka buhay pa sina Jack at Jill lalo at marami sa myembro nila ay mainly long distance weapon ang gamit like her and Jerry na gumagamit ng baril, si Ren na throwing knife ang gamit, si Nica na ginawaan ni Karen ng automatic crossbow, while ang mga short distance naman ang gamit ay sina Brandon (Big Sword), Aron (Spear Sword), Ash (2 Swords) and Stone (Giant Axe).

At sa araw ring yun ay nagawa ring madiskubre sa wakas ni karen ang kemikal na pwedeng ikapit sa mga sandata nila long or short distance man para mapatay ang bampira ng hindi na kinakailangan pang pugutin ang ulo nito, malaking tulong ito sa kanila upang mas mapadali ang pakikipaglaban nila sa mga bampira.

To be continued...

Friday, October 20, 2023

P.10 "Vendetta Group Introduction"


P.10 "Vendetta Group Introduction"

si Tuesday.

Si Aron naman ay halos isang taon ng tinuturuan ni Brandon at madalas rin itong makasama sa tuwing manghuhuli ito ng mga bampirang nambibiktima ng mga tao, tanging mga bampirang nahuhuli lang nya sa aktong umaatake ng tao ang kanyang pinapatay o yung mga umaatake sa kanya bilang pagkonsidera na rin sa nakwento ni Lea na hindi na raw sumisipsip ng dugo ang karamihan sa mga bampira o pumapatay ng tao, kahit na nabalitaan lang daw ito ni Tuesday sa iba sa may bayan.

Si Brandon ay myembro at lider ng isang vampire hunter organization na sya rin ang bumuo nasa sampung taon na ang nakakaraan na tinatawag na 'Vendetta' na ang layunin ay hulihin at patayin ang mga bampira lalo at noong mga panahong binuo ni Brandon ang grupong ito ay si Van Dern pa ang kasalukuyang hari bago pa mapalitan ni Zenu ilang taon ang nakakaraan. Noong mga panahong si Van pa ang namumuno ay mandatory ang pagsipsip ng dugo ng mga bampira sa tao kaya binuo ni Brandon ang Vendetta dahil sa laganap na pagatake ng mga bampira.

Kasalukuyang may 8 myembro ang vendetta, una ay ang pangalawang myembro after Brandon na si 'Jerry Godo' kababata ni Brandon, isang cowboy at nag-aact as kanang kamay nya and temporary leader pag wala si Brandon also sya ang pinaka pinagkakatiwalaan nito, sumunod ay si 'Karen Godo' nakababatang kapatid ni Jerry, isang child prodigy like Tuesday na mahilig mag-aral at laging may dalang nebro at may crush kay Brandon at isa ring cowgirl, sumunod si 'Ash Buenaventura' isang karate black belter na minsan ng nakalaban ni Brandon sa isang competition at nakaaway pero kalaunan ay naging kaibigan rin at nirecruit nya sa grupo, sumunod ay si 'Nica Dem' another recruit ni Brandon kaibigan nyang cook sa madalas nyang kainang karinderia sa bayan na namatayan ng anak dahil sa bampira kaya pumayag na erecruit ni Brandon at syang tumatayong kusinera ng grupo at tinuturing na pangalawa sa pinakamalakas kumain sa grupo, sumunod ay si 'Stone' isang tribe member na mangangaso na 7ft flat ang height, maskulado at gumagamit ng malaking palakol, ang madalas ka-kumpetensya ni Nica sa pagkain at tinaguriang pinakamalakas kumain sa grupo dahil na rin sa laki nito ngunit sya rin nama-...

To be continued...

Thursday, October 19, 2023

P.9 "Ang pagbubuntis ni Lea"


P.9 "Ang pagbubuntis ni Lea"

leader ng gwardya nito. At simula noon halos isang taon ng pinagtatakpan ni Froy si Lea kay Zenu sa ginagawa nitong pagtakas na kahit minsan ay nagpapaiwan si Froy at sinasabi kay Zenu na gusto ni Lea na mapag-isa sa tuwing wala ito at tumatakas upang makipagkita kay Brandon. Pero walang kaalam-alam si Lea at Froy na malapit na itong magtapos.

So almost a year ng nagkikita at lihim na magkarelasyon si Brandon at Lea, sa tulong na rin ni Froy upang mapagtakpan kay Zenu ang mga ito.

Kumuha si Lea ng tatlong tapat,malapit at matalik na kaibigang bampira upang magpanggap na kanyang pamilya at hindi malaman ni Brandon na siya ay isang bampira ang tatlong ito ay sina 'Fred Carnn' isang matandang basurero at 'Hannah Carnn' isang katulong at personal maid ni Lea sa bahay nila na parehong malapit sa kanya simula pagkabata nito at tinuturing nyang pangalawang magulang at si 'Tuesday Carnn' anak nitong mag-asawa at BFF ni Lea simula pagkabata 2nd and almost equal to Froy sa pagiging best friend kay Lea. Si Tuesday ay pinsan ni Anton lalo at ang kanilang ina ay magkapatid at kung may kinalaman naman sa mga kaalaman ay si tuesday ang go to ni Lea dahil sa sobrang hilig nitong mag-aral at magbasa ng nebro, kaya siya laging may dalang nebro at madalas syang lokohin ni Lea bilang isang lumalakad na library.

Nagtayo sila sa tulong na rin ni Froy ng isang bahay sa isang bakanteng gubat na pagpapanggapan nilang tirahan, habang si Froy naman ay nagpanggap na mangangaso na nakatira sa kalayuan doon mag-isa para hindi siya hanapin ni Brandon.

Sa halos isang taon ng pagkikita nila Brandon at Lea ay marami silang napagkwentuhan tulad ng information di umaano ni Lea na hindi na sumisipsip ng dugo ng tao ang mga bampira.

Kasalukuyang ilang buwan ng buntis si Lea at alam na naman ito ni Brandon buti na lang at ang effect ng vampire neutralizer pill ay nasama ang sanggol sa kanyang sinapupunan kaya hindi ito nadedetect ni Brandon, ang balak ni Lea ay oras na hindi na nya kayang maglakad pa pauwi ay doon na muna sya mananatili hanggang sa manganak siya at bahala na muna si Froy na pagtakpan siya kay Zenu.

Habang ang nanay naman ni Blinkoln na si 'Margarette Jerix' ay tila napapansin ang madalas na paglabas ng pinsan ng bodyguard leader ng kanyang anak na si Blinkoln na...

To be continued...

Wednesday, October 18, 2023

P.8 "Lea & Zenu Dispute/Lea's house arrest begin"

P.8 "Lea & Zenu Dispute/Lea's house arrest begin"

si Lea at Blinkoln, na ikinagulat at galit ni Lea lalo at tinanggihan na nya dati ang proposal na ito na ikasal kay Blinkoln, at sumagot naman agad si Zenu na ito na raw ang isa sa pinakamagandang magagawa ni Lea para sa vampire race ang ikasal sa 2nd most powerful family sa kanila, upang mabigyan na rin raw siya nito ng apo na susunod na magiging hari o reyna, sumumbat naman si Lea na kahit anong mangyari hindi siya papayag na kay Blinkoln ikasal, at nauunawaan naman raw nito ang kanyang ama na gusto lamang namang e secure ang tagapagmana sa lahi ng pamilya nila, lalo at wala na silang ibang kamag-anak at nagwika rin si Lea na may iba ng lalaking bumighani sa puso niya, na sinagot naman ni Zenu na: Sge anak kung  hindi si Blinkoln ang ibig mong bampira mauunawaan ko basta ipakilala mo sya sa akin. At sinagot naman ni Lea na: hindi sya bampira tay. Na ikinagulat ni Zenu habang umiinom ng tubig at nabitawan pa nito ang glass of water at nabasag sabay wikang: Nababaliw ka na ba anak? Kapag tinuloy mo yang sinasabi mo hindi lang ako ang parang pinatay mo kundi pati na rin ang lahi natin at hinding-hindi ako makakapayag dyan!

Nagpatuloy ang pagtatalo ng mag-ama hanggang sa lumuha na si Lea at nakapagsabi ng hindi maganda sa kanyang ama tungkol sa pagiging walang kwenta nito at alipin sa mga batas na kahit nararamdaman ng anak niya ay handa na nitong balewalain, at pagiging uto-uto nito sa kanyang mga kaibigan katulad ni Pete dahil alam ni Lea na isa ito sa bumubuyo ng matindi kay Zenu para ikasal sila at naiisip na posibleng gusto lamang agawin ang trono sa kanyang ama na ikinagalit ni Zenu at nagdulot sa kanya para sampalin si Lea, nakita at napakinggan itong lahat ni Froy kaya alam niyang hindi maganda nararamdaman ni Lea sa mga oras na yun.

Inutusan ni Zenu si Froy na samahan at bantayan si Lea sa labas ng kanyang kwarto at sinabihan si Lea na makukulong muna ito sa kwarto niya hanggat hindi nabubura sa isipan nito ang pag-ibig at pagpapakasal sa ibang lahi, na narinig naman ni Lea na walang sigla ang mukha at puro luha, sumumbat si Froy ng pero' but bago pa nya maituloy ang sasabihin niya ay sinagot na agad sya ni Zenu ng: Froy wag ka ng sumagot o baka gusto mo pati ikaw ay madamay sa away namin at tanggalan kita ng posisyon bilang leader ng bodyguards ni Lea?! At tumugon si Froy na: Nauunawaan ko po. Dahil alam ni Froy na mas magiging mahirap ang kalagayan ni Lea kapag hindi na siya ang...

To be continued...

P.7 "Introduction to Vampire Community"

P.7 "Introduction to Vampire Community"

mahalaga di umano ang sasabihin ng ama ni Lea sa kanya at baka magalit na ito na sinagot naman ni Lea ng saglit lang naman kaya napilitan na ring pumayag at sumama si Froy kahit deep inside ay naiinis/selos na siya dahil sa sobrang atensyong binibigay ni Lea kay Brandon gayung unang beses palang naman nilang nagkakilala.

Kaya noong paalis na sila ay kinumpasan ni Froy yung mga guard na sumunod palihim dahil pupunta pa sila sa bahay ni Brandon, at noong nakarating na sila sa bahay ni Brandon si Lea ay nagmasid at tanong ng kaunti kay Brandon about sa lugar at nagwikang hanggang sa muli nilang pagkikita at umalis na ito kasama si Froy, kahit si Aron na bata pa ay nakahalata sa kilos ni Lea at ng hindi pa naman kalayuan sina Lea at Froy ay nagwika si Aron kay Brandon ng: "Sa tingin ko ay gusto ka nya." at napaumis na lang si Brandon kahit si Lea dahil malakas ang pandinig ng mga bampira kumpara sa ordinaryong tao at hindi pa naman sila ganun kalayo, habang si Froy na narinig rin ito ay nakatingin lang kay Lea na nakaumis habang sya ay parang nagtatakang/nagseselos. At pumunta na sila sa direksyon ng mga gwardya at tuluyan ng umuwi upang malaman ang mahalagang sasabihin ni Zenu kay Lea.

Tinanong naman ni Brandon si Aron kung disidido ba talaga itong maging vampire hunter like him at sumagot naman ng oo si Aron kaya at that same afternoon ay nagsimula ang kanilang pagsasanay.

Nakarating na sina Froy at Lea sa kanilang pook, malalaki at mamahalin ang mga bahay dito kaya walang ordinaryong tao ang mag-aakala na puro bampira ang nakatira rito, may sarili rin sila ritong simbahan na mga bampira lang din ang pwedeng sumimba at dito ginaganap ang kasal ng mga bampira ang tanging okasyon sa simbahan nila.

Walang hayop ang nakakapasok o lapit sa lugar na yun kahit  kabayo, kalat din ang kwento na marami na raw tao ang pumunta sa pook na yun na hindi nakabalik, hindi nila alam na ito ay ang mga tao na nakadiskubre na mga bampira ang mga naninirahan roon kaya ikinukulong or exile sa malayo at tagong isla sila but not patayin sa utos na rin ni Zenu dahil wala naman silang ginawang masama sa kanila.

Marami ring bampira doon ang may mataas na posisyon at kilalang pangalan kaya madali nitong napagtatakpan ang pagiging bampira ng mga tao naninirahan doon. At umiinom na lang ng vampire neutralizer pill kapag nasa lugar sila na pwedeng may maka-detect sa kanilang vampire essence.

Nagkaharap na sina Zenu at Lea at agad sinabi ni Zenu ang mahalagang bagay kay Lea na nagtatakda na siya ng petsa kung kelan ikakasal...

To be continued...

P.6 "Ang muntikan ng pagkikiss nina Lea at Brandon"

P.6 "Ang muntikan ng pagkikiss nina Lea at Brandon"

4.Vampire race above all.  
5.Not betray your significant other.  
6.No sexual relationship before marriage.  
7.No stealing.  
8.Always follow the King/Queen.  
9.No libeling/destroying reputation/fake news.  
10.50% income to King/Queen.  
11.Not communicate with werewolves.  
12.Leave your vampire race/responsibilities with exceptions for disables etc...

Lahat ng 12 orders na ito ay punishable by death #1 as the most extreme to #12 as the least extreme unless a king or queen interfere like what Zenu does to just exile Van Dern and his family even if they violate a lot from this 12 orders because Zenu feel compassion for Van Dern's young children's.

Nagluto at nagkatay ng baboy at manok yung tatay kasama si Brandon at Froy habang sa pagkuha ng mga sangkap na gulay at paghuhugas yung nanay at si Lea. Napansin ni Froy na sa tuwing magkakalapit si Lea at Brandon ay madalas silang nagkakatinginan kaya parang nakakahalata si Froy na parang may gusto sila sa isa't-isa.

Hanggang sa ready na ang pagkain at saktong tanghali pumunta na sa mesa sina Froy,Lea at Brandon ng yung batang babae na sanggol ay nahulog sa duyan nito ng ito ay gumapang na agad sinalo ni Lea at Brandon, nasalo nilang pareho yung bata kaso napailalim si Lea at si Brandon sa ibabaw yung sanggol sa gitna at nagkatitigan silang dalawa dahil sobrang lapit na ay halos magkadikit na labi nila ng biglang pinutol ni Froy ang eksena sa pamamagitan ng pag-ubo at pagsasabing naiipit na yung sanggol sa tonong parang paselos kaya agad ng tumayo ang dalawa dala ang sanggol.

Itinuloy na nila ang pagkain ng tanghalian at ng matapos nagsabi na si Brandon na kailangan na niyang umalis at may aasikasuhin pa siya sa bahay niya agad namang nagwika si Aron na gusto niyang sumama lalo at malapit lang naman daw ito ayon sa narinig niya kay Brandon at bukas ng hapon na lang daw ito ihatid ni Brandon, bago umalis ay nag-iwan si Brandon ng isang firework at sinabi sa pamilya na dalawang mag-asawa at nandoon din naman si Aron na paputukin agad ito para makapunta siya doon oras na may manggulo ulit doon bampira man o hindi at kailanganin ang tulong nya.

Nagpaalam na rin si Lea at Froy sa mag-asawa at kinausap ni Lea si Brandon bago ito tuluyang nakaalis kasama si Aron kung pwede itong sumama sa kanila saglit at gusto nitong malaman kung saan siya nakatira at sinumbatan naman ni Froy si Lea na sobrang huli na sila lalo at...

To be continued...

P.5 "Ang history ng pagiging hari ni Zenu ng mga bampira"


P.5 "Ang history ng pagiging hari ni Zenu ng mga bampira"

-dali na ni Zenu na pauwiin sila dahil may importante raw itong sasabihin kay Lea.

Bukod sa vampire neutralizer pill isa pang hindi alam ni Brandon ay na hindi na sumisipsip ng dugo ang mga bampira o pumapatay ng tao para rito, nangyari ito noong opisyal na naging hari ng mga bampira ang ama ni Lea na si Zenu mula sa nangyaring botohan matapos mapatanggal at mapatalsik ang hari noon na si Van Dern dahil sa pag-abuso nito sa kapangyarihan kaya nagrevolt ang mga bampira against him na pinangungunahan ni Zenu, noong mga panahong yun kamatayan ang parusang gustong ibigay ng mga bampira kay Van at sa buong pamilya nito ngunit dahil naawa si Zenu sa kanila ay pagpapalayas na lang ang parusang ibinigay niya kay Van at sa pamilya nito.

Si Zenu ang klase ng hari na ayaw gumamit ng dahas kung hindi naman kailangan unless kapakanan na ng vampire race pinag-uusapan para kay Zenu ang kapakanan ng vampire race ang una bago ang kahit na ano pa.

Noong mga panahong yun halos ilang taon palang since naging hari si Zenu at ang una niyang binigyang atensyon ay ang 12 orders, ito ang 1 dozen na batas na nagrurule sa vampire race at halos lahat ng 12 orders na ito ay binago ni Van para sa sarili niyang kapakanan, ibinalik itong lahat ni Zenu sa orihinal bago ito sinira ni Van at binago ni Zenu ang isa rito na kung saan ipagbabawal na ang pagpatay sa mga tao upang sipsipan ang mga ito ng dugo at sa halip ay dugo na lamang ng hayop ang alternative at ordinaryong pagkaing tao dahil naniniwala sya na ito ay kumukurap sa mga bampira also dahil anti violence siya. At nag agree naman dito ang mga bampira at may tiwala sila kay Zenu bilang siyang nanguna sa pagpapatalsik kay Van ang isa lang sa naging epekto nito ay nawala na ang immortality ng mga bampira at umiidad na lang sila as same as ordinary human but nanatili pa rin naman ang kanilang mga abilidad. At mukhang maraming mga bampira ang nagustuhan ito dahil mas makaka-focus na sila kung paano nila magagamit ng ayos ang limitadong buhay nila.

12 Orders by Zenu:
1.Not Love/Marry other creatures than vampire.
2.Not kill any vampire unless they violate any of these orders.
3.Not kill humans for blood and other creatures  for non noble reason.
...

To be continued...

P.4 "Ang romantikong sandali nina Lea at Brandon sa bahay"


P.4 "Ang romantikong sandali nina Lea at Brandon sa bahay"

ni Froy ang mga bodyguards na mag-intay na lang doon sa pwesto at magmasid, at kung may makita silang hindi magandang gawin ng vampire hunter at nagbigay siya ng senyas ay saka sila sumugod.

Agad na ring lumunok si Froy ng vampire neutralizer pill upang sundan si Lea dahil baka may gawing hindi maganda yung vampire hunter, lalo at lahat naman ng bodyguards ni Lea ay binigyan ni Zenu ng vampire neutralizer pill pero inatasan silang tipirin ito dahil limitado palang ang supply nito kaya pinili na ni Froy na hindi pasunurin yung ibang bodyguards para makatipid sa vampire neutralizer pill.

Habang kausap ni Brandon at tinutulungang mag-ayos ng mga nasirang gamit dahil sa pakikipag-laban niya sa lalaking bampira ay nalaman niyang may dalawang anak itong mag-asawa isang babae at isang lalaki at yung lalaking bata na nagngangalang Aron Emmanuelle na anak nila ay lumapit sa kanya at nagsabing humahanga siya kay Brandon at nagtanong kung pwede siya nitong turuang makipaglaban para sa susunod ay magawa niyang ipagtanggol pamilya nya at lalo hindi naman daw kalayuan ang bahay niya dito.

Habang si Lea ay nandoon na agad siyang nagsabi kay Brandon na nakita nya ang ginawa nitong pagliligtas sa pamilya at nagpapasalamat din siya umano dito sabay tanong ng pangalan ni Brandon at kung saan ito nakatira na hindi naman agad nasagot ni Brandon dahil dumating bigla si Froy habang napansin silang dalawa ni Aron at tinanong sila ng bata kung sino sila at taga saan sila, na sinagot naman ni Lea na siya si Lea at yung kasama niya ay matalik niyang kaibigan na si Froy at napadaan lang sila sa lugar na narinig naman ni Brandon at ng mag-asawa habang ang bunsong babaeng anak naman nila na sanggol ay nasa loob ng bahay.

Pinutol na ng ama ang mga pag-uusap nila at nagwikang: Bakit hindi na kayong tatlo dito mananghalian lalo at sa tuwing may mga taong madadaan dito sa lugar namin ay pinapakain namin sila at pinagkakatay ng alagang baboy at manok. Lalo at maraming alagang mga hayop at gulay ang pamilyang yun sa lugar na yun bilang pasasalamat na rin di umaano nila kay Brandon sa pagligtas sa kanila.

At pumayag naman si Brandon at Lea dito kaya napilitan na ring pumayag si Froy, at nagtataka talaga si Froy kung bakit gustong gustong manatili ni Lea doon gayung minama-...

To be continued...

P.3 "Ang unang pagkikita nina Lea at Brandon"

P.3 "Ang unang pagkikita nina Lea at Brandon"

wala pa rin ay magkakameron ng botohan upang pumili sa mga nais maging susunod na hari at ito sana ang balak gawin ni Pete lalo at wala ng mga kamag-anak si Zenu at Lea na pwedeng magmana pero oras na makasal sina Blinkoln at Lea ay mas gugustuhin niya ito lalo at si Zenu na lang ang kailangan niyang patayin upang ang anak niyang si Blinkoln ang maging hari at oras na nasa pamilya na ni Pete ang kapangyarihan ay mas madali na nilang mapagtatakpan ang pagpatay na kanyang gagawin lalo at ang pinaka layunin niya dito ay maibigay sa kanyang lahi ang kapangyarihan lalo na sa pinakamamahal niyang anak na si Blinkoln na pagkabata palang ay naghahangad ng maging hari.

Nasa isang taon na ang nakalilipas noong unang beses na magsalubong ang landas nina Brandon at Lea ito'y nangyari habang nasa kagubatan sina Lea at Froy at mga vampire bodyguards ni Lea ng may mapansin sila sa hindi kalayuan na tila isang lalaking bampira ang umaatake sa isang pamilyang may bahay sa gitna ng gubat, agad nila itong pinuntahan na pinangungunahan ni Lea, but pinigilan ni Froy si Lea bago pa sila tuluyang makalapit dito dahil may paparating na isang lalaki at wika ni Froy kay Lea mukhang vampire hunter ito. At yun na nga si Brandon na agad kinalaban at pinugutan ng ulo yung lalaking bampirang sumalakay dahil pagpugot lamang sa ulo ang tanging paraan para mapatay ang isang bampira. At agad namang naging abo ang katawan at putol na ulo ng lalaking bampira na karaniwang nangyayari sa isang bampira after nitong mamatay unlike sa ordinaryong tao na matagal ang pagkaagnas at pagiging abo.

Napansin lang ni Froy kay Lea na habang pinapanood nila yung lalaki which is Brandon ay tila nakatulala lang si Lea na nakatitig kay Brandon.

Matapos ni Brandon mapatay yung lalaking bampira ay agad lumunok si Lea ng Vampire Neutralizer Pill isang klase ng gamot na halos kaiimbento pa lang ng mga bampirang mananaliksik na kung saan binibigyan nito ang bampirang lumunok na maitago ang kanilang vampire essence upang hindi sila madetect ng mga vampire hunter o ibang mga nilalang na may kakayahang makaramdam sa kanila, kada isang pill na lulunukin ay may 24hrs. na bisa, medyo mahirap lang gawin ang pill na ito, lalo at may sangkap itong mga bihirang mga elemento na sobrang hirap hanapin, sa ngayon halos pamilya pa lang ni Lea ang meron nito at ilang mga pili at makapangyarihang mga bampira katulad ng pamilya ni Blinkoln, at agad pinuntahan ni Lea si Brandon, pipigilan sana siya ni Froy kaso hindi na siya nito inabutan pa at sinabihan...

To be continued...

P.2 "Ang maitim na plano ni Pete"


P.2 "Ang maitim na plano ni Pete"

Si Lea ay sinubukan ng ipagkasundo ng kanyang mga magulang na ikasal sa anak na lalaki ng pangalawa sa pinakamakapangyarihang pamilya ng bampira ngunit tinanggihan ito ni Lea dahil bukod sa walang kahit na anong nararamdaman si Lea sa lalaking ito ay kilala rin ang lalaking ito na spoiled at abusado.

Ang lalaking ito ay nagngangalang Blinkoln Jerix na minsan na ring muntikang makaaway at laban ni Froy ng magtangka itong harasin na makipag-usap sa kanya si Lea mabuti na lang at pumagitan agad si Lea para awatin sila.

Kilala itong Blinkoln na ito na bigay layaw lahat ng magulang niya sa kanya lalo at like Lea ay nag-iisang anak lang din siya at kilala rin siya na hindi pumapayag na hindi makuha ang gusto niya na parang isang bata, isang ugali na talagang ayaw ni Lea.

Ang lider ng bodyguards ni Blinkoln ay nagngangalang Anton Brombo isang special vampire na kung saan sa halip na matalas na kuko sa kamay ang gamit niya sa pakikipaglaban ito ay parang isang espada na lumalabas sa kanyang magkabilang kamao, sya rin ang muntikan ng lumaban noon kay Froy para kay Blinkoln na hindi nga natuloy dahil inawat agad ni Lea.

May tatlong klase ng bampira, una ay ang ordinary vampire kung saan ordinary vampire sila with ordinary vampire abilities, majority of vampires are like this around 90+%, pangalawa ay ang special vampire like Anton kung saan meron silang kakaibang abilidad na wala ang ordinaryong bampira but this does not make them more stronger or powerful than other vampires, at ang panghuli at pangatlo ay ang half vampires na bunga ng paglabag sa batas ng mga bampira at pakikipag relasyon sa ibang uri ito ang pinaka-bawal na gawin ng isang bampira dahil pag-rerebelde ito sa kanilang uri na kasalukuyang ginagawa ni Lea, ang parusa dito ay kamatayan sa pinaka brutal at mahabang paraan hindi lamang para sa bampira at karelasyon nito kundi para na rin sa ibubunga ng pagmamahalan nila ang kanilang mga anak upang hindi na ito pamarisan ng iba pang mga bampira.

Lingid sa kaalaman ni Zenu ang ama ni Blinkoln at matalik nyang kaibigan na nagngangalang Pete Jerix ay may planong agawin sa kanya ang trono oras na makasal na si Blinkoln at Lea sa pamamagitan ng pagpatay palihim kay Zenu at kay Lea dahil sa batas nila ang asawa o anak lang ng kasalukuyang hari o reyna ang pwedeng magmana ng trono at kung wala na ang anak nito ay ang pinakamalapit na kamag-anak ang magmamana at kung...

To be continued...

P.1 "Ang relasyon nina Lea at Brandon"


P.1 "Ang relasyon nina Lea at Brandon"

Noong unang panahon may isang lalaking nagngangalang Brandon Breaker isang vampire hunter ang umibig sa isang babaeng bampira na nagngangalang Lea Granjas. Noong mga panahong yun ay hindi pa alam ni Brandon na si Lea ay hindi lamang isang bampira kundi prinsesa at nakatakdang maging susunod na reyna.

Dahil sa labis na pagmamahal ni Lea kay Brandon ay nagpanggap siya bilang isang ordinaryong tao at inutusan ang ilan sa kanyang mga bampira na magpanggap na ordinaryong tao din at bilang kanyang pamilya, lalo at alam ni lea na siguradong tututulan ito ng kanyang tunay na pamilya lalo na at hindi lamang labag sa batas ng mga bampira ang makipag relasyon sa ibang uri bukod sa kapwa bampira ay malinaw rin sa kanilang uri na oras na may patayin sa uri nila buhay rin ng pumatay rito ang kapalit, mas marami kang napatay na bampira ay mas brutal at mahaba ang pagpapahirap na parusang kamatayan ang ipapataw, kaya alam ni Lea na nanganganib si Brandon sa kanyang pamilya. At bukod doon ay alam din ni Lea na kahit pareho ang lalim ng pagmamahal ni Brandon sa kanya ay may malaki pa ring posibilidad na hindi baliin ni Brandon ang kanyang tungkulin para sa kanya at magdahilan lamang ang kanyang pagtatapat kay Brandon para masira ang kanilang relasyon kaya mas pinili ni Lea na magpanggap na lamang dahil nabulag na siya ng pag-ibig kahit alam nyang anytime soon ay pwedeng mabuko ni Brandon ang tunay nyang pagkatao.

Buti na lang at may isang kababata si Lea na nagngangalang Froy Mendez na kasalukuyan ring namumuno sa mga gwardyang bampira na nagbabantay kay Lea saanman sya pumunta. Ang ama ni Lea na si Zenu Granjas ang pumipili ng gwardya ni Lea at ng mga namumuno sa mga ito. Pinili si froy ni Zenu dahil alam niyang ito ang pinakamatalik na naging kaibigan ng kanyang anak simula pagkabata.

Lingid sa kaalaman ni Zenu ang kanyang piniling bodyguard leader ni Lea na si Froy ay tinutulungan si Lea na pagtakpan ang pakikipag-relasyon nito kay Brandon.

Alam ni Froy na higit sa isang kaibigan ang nararamdaman niya para kay Lea ngunit hindi niya ito masabi sa kanya dahil natatakot siyang masira nito pagkakaibigan nila at magdahilan pa upang magkalayo silang dalawa lalo at nakikita ni Froy na si Brandon talaga ang tinitibok ng puso ni Lea kahit nasasaktan siya ay mas lamang ang kasiyahan sa tuwing makikita nyang masaya si Lea dahil kay Brandon kaya pinili na lamang niyang tulungan si Lea na maitago relasyon nila ni Brandon sa  pamilya nito at iba pang mga bampira.

To be continued...

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...