Wednesday, October 18, 2023

P.8 "Lea & Zenu Dispute/Lea's house arrest begin"

P.8 "Lea & Zenu Dispute/Lea's house arrest begin"

si Lea at Blinkoln, na ikinagulat at galit ni Lea lalo at tinanggihan na nya dati ang proposal na ito na ikasal kay Blinkoln, at sumagot naman agad si Zenu na ito na raw ang isa sa pinakamagandang magagawa ni Lea para sa vampire race ang ikasal sa 2nd most powerful family sa kanila, upang mabigyan na rin raw siya nito ng apo na susunod na magiging hari o reyna, sumumbat naman si Lea na kahit anong mangyari hindi siya papayag na kay Blinkoln ikasal, at nauunawaan naman raw nito ang kanyang ama na gusto lamang namang e secure ang tagapagmana sa lahi ng pamilya nila, lalo at wala na silang ibang kamag-anak at nagwika rin si Lea na may iba ng lalaking bumighani sa puso niya, na sinagot naman ni Zenu na: Sge anak kung  hindi si Blinkoln ang ibig mong bampira mauunawaan ko basta ipakilala mo sya sa akin. At sinagot naman ni Lea na: hindi sya bampira tay. Na ikinagulat ni Zenu habang umiinom ng tubig at nabitawan pa nito ang glass of water at nabasag sabay wikang: Nababaliw ka na ba anak? Kapag tinuloy mo yang sinasabi mo hindi lang ako ang parang pinatay mo kundi pati na rin ang lahi natin at hinding-hindi ako makakapayag dyan!

Nagpatuloy ang pagtatalo ng mag-ama hanggang sa lumuha na si Lea at nakapagsabi ng hindi maganda sa kanyang ama tungkol sa pagiging walang kwenta nito at alipin sa mga batas na kahit nararamdaman ng anak niya ay handa na nitong balewalain, at pagiging uto-uto nito sa kanyang mga kaibigan katulad ni Pete dahil alam ni Lea na isa ito sa bumubuyo ng matindi kay Zenu para ikasal sila at naiisip na posibleng gusto lamang agawin ang trono sa kanyang ama na ikinagalit ni Zenu at nagdulot sa kanya para sampalin si Lea, nakita at napakinggan itong lahat ni Froy kaya alam niyang hindi maganda nararamdaman ni Lea sa mga oras na yun.

Inutusan ni Zenu si Froy na samahan at bantayan si Lea sa labas ng kanyang kwarto at sinabihan si Lea na makukulong muna ito sa kwarto niya hanggat hindi nabubura sa isipan nito ang pag-ibig at pagpapakasal sa ibang lahi, na narinig naman ni Lea na walang sigla ang mukha at puro luha, sumumbat si Froy ng pero' but bago pa nya maituloy ang sasabihin niya ay sinagot na agad sya ni Zenu ng: Froy wag ka ng sumagot o baka gusto mo pati ikaw ay madamay sa away namin at tanggalan kita ng posisyon bilang leader ng bodyguards ni Lea?! At tumugon si Froy na: Nauunawaan ko po. Dahil alam ni Froy na mas magiging mahirap ang kalagayan ni Lea kapag hindi na siya ang...

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...