Friday, November 17, 2023

P.37 "The death of vendetta group"

P.37 "The death of vendetta group"

wala na syang pag-asang manalo o magtagal pa sa labang yun kaya ipinupusisyon nya na ang sarili niya kahit nahihirapan na syang tumayo ng tuwid para sa huling ataking gagawin nya kung saan ibubuhos nya na ang buong lakas at enerhiya nya ng biglang may sunod sunod na putok ng baril na umalingaw-ngaw sa lugar at yun na nga si Jerry na pinaulanan ng putok ng pistol nya si Van na kung saan dalawang bala nito ang direktang tumama sa likod ni Van na nagdahilan kay Van para sumabog sa galit at sugurin si Jerry ng buong lakas, sinubukang umilag ni Jerry pero dahil na rin sa bilis nito ay huli na at sa tindi ng atake ni Van kay Jerry ay nabunot nito ang puso nito palabas sa dibdib nito na kung saan ito na ring pumatay kay Jerry at kitang-kita ito ni Brandon, lahat ng patay ng vendetta members ay abot tanaw ni Brandon na nakahandusay na sa lupa at tanging si Froy na lang na hinang-hina na rin ang makikitang lumalaban at buhay pa sa lugar bukod kay Brandon.

At matapos mapatay si Jerry ni Van ay sumugod na si Brandon sa direksyon ni Van kung nasaan din naroroon ang patay ng si Jerry para ibigay ang kanyang huling buong lakas na atake dito, na sinalubong naman ni Van para sugatan din si Brandon ngunit hindi tuluyang patayin, lalo at alam naman nyang imposible ng makalaban si Brandon after ang last attack na ito. At matapos ito ay napahandusay na rin sa lupa si Brandon na buhay pa ngunit halos hindi na rin makakilos, habang si Blinkoln matapos samahan ang kanyang ama na si Pete sa manggagamot na bampira na kasama nila dahil sa tama ng bala na may vampire killing chemical na tinamo nito mula kay Jerry ay pumunta na rin sya sa direksyon ni Brandon para sya mismong pumatay dito ayon na rin sa utos nya kay Van.

At ng makarating sa kinaroroonan ni Brandon si Blinkoln ay inutusan nya si Van na nasa 3rd form pa rin nito na itayo si Brandon at may sasabihin pa raw sya rito, na ginawa naman ni Van at binuhat si Brandon sa mahaba nitong buhok para maitayo at nagwika si Blinkoln ng: Kung ganun mukhang ito na ang katapusan mo Brandon, ng dahil sayo namatay ang pinakamamahal kong si Lea kaya tanggapin mo ang kamatayan mo ngayon!' at inatake na nga siya ni Blinkoln gamit ang kanan nitong kamay na tumagos hanggang sa likuran ni Brandon, matapos ito ay binitawan na ito ni Van at ito na nga ang naging opisyal na araw ng pagkamatay ng buong vendetta group...

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...