Saturday, November 25, 2023

P.45 "10 years later"


P.45 "10 years later"

nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman lalo at dahil wala na si Brandon ay wala na ring gurong nagguguide sa kanya sa pakikipaglaban na sinangayunan naman ni Krolo kahit na nagwika itong magaling na raw si Aron sa pakikipaglaban at mukhang hindi na need pang magkameron ng guro at mukhang nahasa na naman daw ni Brandon ng mabuti ang fighting skills nito sa halos isang taong pagtrain dito.

Makalipas ang sampung taon na kung saan nanatili pa ring nakatira sa headquarters ng venator sina Aron, Tuesday at Ang 10 years old na noong si Leo, dito na rin nagumpisang ma-diskubre ni Leo ang kanyang special ability at ang pagiging special half vampire niya na sa halip na matatalas na kuko at pangil ang lumalabas sa kanya kapag nagtatransform sya into full vampire form just like a normal vampire ay apat na matalas na mga metal sa magkabila niyang kamao ang lumalabas na maihahalintulad sa special ability ni Anton ang bodyguard leader ni Blinkoln. Nadiskubre ni Leo ang special ability nyang ito matapos siyang isama nina Aron na 24 yrs. old na noon at Krolo na 65 yrs. old na sa pangangaso sa kagubatang nasa loob ng kaharian ni king Julian kung saan isang mabangis na baboy ramo ang sumugod direkta kay Leo at dahil sa gulat at takot hindi niya inaasahang may lumabas na apat na metal claws sa kanyang kanang kamay na nag-cause na makalmot nya ang baboy ramong sumugod sa kanya sa leeg na pumatay dito, at kahit sina Aron at Krolo na kasama nya ay nagulat sa nakita nila.

Habang sina Tuesday (29 yrs. old) naman at Jack (31 yrs. old) na 4 years ng magkarelasyon ay marami ng mga invention at discovery na nalikha sa venators headquarters na pwedeng magamit against vampires ilan na rin sa mga inventions ni Karen ang malapit na nilang matapos gawin katulad ng vampire killing chemical, automatic crossbow, healing liquid etc... gamit na rin ang mga nebro at research papers na binigay kay Tuesday ni Karen bago sila umalis sa vendetta headquarters ang araw na kung saan din napatay ang mga myembro nito dahil sa wika na rin ni Karen noon kay Tuesday na si Tuesday lang daw ang alam nyang may kakayahang unawain at mas pagbutihin pa ang kanyang mga discoveries and inventions at alam nyang mapupunta ito sa mabuting kamay kung sa kanya ito mapupunta, lalo at alam rin ni Karen noon na oras na mahuli sila sa pagtakas ay siguradong magdedesisyon si Brandon na maiwan ang lahat ng myembro at patakasin si Tuesday kasama ang sanggol pa noong si Leo.

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...