Tuesday, November 14, 2023

P.35 "Van Dern's 2nd Form"

P.35 "Van Dern's 2nd Form"

matindi ang labanan ng dalawa gamit ang mabibilis at malalakas na mga atake, sa anyong ito ni Van alam ni Brandon na malakas ito ngunit mas malakas pa rin si Zenu, at pumalakpak si Van matapos ang ilang saglit at matapos syang masugatan ng bahagya ni Brandon sa kanyang kaliwang pesnge, at nagwikang: Bravo, magaling hindi ka nga pangkaraniwan Brandon, ikaw ang kauna-unahang nakalaban ko na nakasugat sa aking mukha at dahil dyan hindi kita magagawang patawarin' habang unti-unting nagbabago ng anyo si Van papunta sa kanyang 2nd form ang mas masculado at mas malakas na vampire form na ikinagulat ni Brandon dahil ito ang kauna-unahang beses na nakakita sya ng special vampire na nagtatransform sa harapan nya, ay nagwika si Van ng: Sa anyo kong ito tinabla si Zenu noong nagharap kaming dalawa para patalsikin ako sa pagiging hari ng mga bampira, at para gamitin ko ang anyong ito sa pakikipaglaban sa isang tao ibig sabihin noon ay napakalakas mo kaya magalak ka Brandon' at matapos itong sabihin ni Van ay sinugod na ulit nya agad si Brandon. Sa anyong ito ni Van dama ni Brandon na mas lumakas at bumilis ito na katulad na katulad na ng lakas at bilis ni Zenu noong naging laban nila. At sa pangalawang anyong ito ni Van ay nahihirapan na si Brandon na masabayan sya lalo at hindi pa rin naman fully recovered si Brandon sa kanyang laban mula kay Zenu, hindi na rin sya nakainom ng imbensyon ni Karen na healing liquid dahil matagal itong gawin at naubos na ito noong ininom ito ni Brandon para iligtas si Lea.

Habang patuloy ang labanan nina Van at Brandon ay isa-isa na ring natalo at napatay ang iba pang myembro ng vendetta, si Ash ay napatay ng napakaraming bampira na kumuyog at pumalibot sa kanya, si Stone naman na matapos kumalaban sa maraming bampira ay hinarap si Zombie ang bagong Bodyguard ni Pete na bagamat nasugatan niya ay natalo pa rin siya at napatay ni Zombie dahil isa sa special ability nitong si Zombie ay ang hindi maapektuhan ng kahit anong pinsala sa kanya at patuloy na makalaban kahit gutay-gutay na ang katawan nya hanggang sa hindi pa tuluyang napuputol ang ulo nito, habang si Nica naman ay naubusan na ng bala ng kanyang automatic crossbow na gawa at bigay ni Karen hanggang sa tuluyang mapalibutan at patay ng mga bampira na kitang-kita ni...

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...