Saturday, November 11, 2023

P.31 "Ang pagtugis sa sanggol na si Leo"

P.31 "Ang pagtugis sa sanggol na si Leo"

ilan sa mga kasama nyang bampirang alagad na patayin ang babaeng bampirang nanghula sa kanya upang wala ng iba pang makaalam ng hulang ito.

Habang pabalik sa bahay ni Blinkoln napag-isip ni Van na posibleng ang tinutukoy ng manghuhulang bampira na nakatadhanang pumatay sa kanya ay ang anak di umano nina Lea at Brandon lalo si Lea lang naman ang may mataas na posisyong bampira ang may anak sa isang vampire hunter na alam ng mga bampira sa panahong yun, kaya agad naisip ni Van na sabihin ito kay Blinkoln bilang syang kasalukuyang hari pero iibahin nya ang sinabi ng manghuhula para mas masiguradong gagawin ni Blinkoln bilang hari ng mga bampira ang makakaya nito para mapatay ang sanggol na ito.

At nakarating na nga si Van sa tahanan nina Blinkoln sa loob ng vampire community at agad na rin nyang sinabi kay Blinkoln ang sinabi raw sa kanya ng isang manghuhulang bampirang babae na may nakatadhanang pumatay raw sa hari ng mga bampira na isang half vampire/half human na lalaki at Kasalukuyan pa raw itong sanggol, at anak daw di umano ito ng isang high ranking na bampira at isang vampire hunter kaya agad na sinabi ni Van na posibleng ito ay yung anak nina Lea at Brandon na sanggol na nakita ni Anton noong pinasundan ng ina ni Blinkoln si Tuesday sa kanya. Nagtanong naman si Blinkoln kung sigurado ba raw si Van sa sinasabi nya at kung nasaan na raw ang babaeng bampirang manghuhulang ito at gusto nyang makausap at sumagot naman si Van ng oo at nawala na lang din daw bigla ang babaeng bampirang manghuhula na nagsabi nito, ang mahalaga raw na pagtuunan ng pansin ni Blinkoln ngayon ay kung paano niya maidedespatsa ang anak na sanggol nina Lea at Brandon lalo at totoo man o hindi ang hula ay siguradong gaganti ang sanggol na yun para sa kanyang mga magulang oras na lumaki na ito at magiging banta pa sa paghahari ni Blinkoln.

Nagawang kumbinsihin ni Van si Blinkoln at nagutos si Blinkoln kay Van na atasan di umano ang mga manlalabang bampira na sakop ng kanyang kapangyarihan na hanapin ang headquarters ng mga vendetta group at ang sanggol na kanilang tinatago buhay man o patay lalo na sa sanggol na anak nina Brandon at Lea na gusto ni Blinkoln ay sya mismo ang magdidispatsa sa harapan nya para masiguradong wala ng magiging banta sa kanyang paghahari. Na ikinagalak naman ni Van at agad sinunod...

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...