Sunday, November 5, 2023

P.24 "Brandon come to save Lea"

P.24 "Brandon come to save Lea"

Habang nakikipaglaban ang mga vendetta members sa lahat ng mga bampirang nakapaligid sa kanila hindi kalayuan sa simbahan ay nagawa ni Brandon na umabot sa may main entrance ng simbahan sa bungad nito na kung saan ilang mga bampira na lang ang nakabantay at wala na si Zenu dahil pumasok sya sa loob ilang saglit lang ang nakalilipas para tignan ang kasalan nina Lea at Blinkoln. Nakita na itong pagkakataon ni Brandon para makapasok sa loob at maihinto ang kasalan nina Lea at Blinkoln kaya agad nyang inatake ang mga bampirang nakabantay sa main entrance ng simabahan hanggang sa tuluyan nyang matalo ang mga ito at makapasok sa loob, nakita siya nina Lea at Blinkoln habang si Zenu na nasa unahan tabi nila ay napalingon din.

Agad sinugod si Brandon ng mga bampirang nakabantay sa loob, habang si Zenu naman ay sinabihan ang vampire priest na nagkakasal kina Blinkoln at Lea na ituloy lang ito hanggang sa matapos ang kasal at wag pansinin ang mga labanan, matapos ito agad ng lumakad si Zenu patungo sa direksyon ni Brandon, habang si Lea naman na hawak-hawak ng mga bampirang inutusan ni Zenu na bantayan at hawakan ito hanggang sa matapos ang kasal ay nagpupumilit makatakas para mapuntahan si Brandon at tulungan, mababakas naman sa mukha ni Blinkoln ang inis dahil bago napunta doon si Brandon ay tahimik lang si Lea at nakatulala ngunit ng makita ni Lea si Brandon doon ay bigla itong sumigla at nagpapalag sa nakahawak sa kanyang mga bampira.

Ilang saglit na lang at malapit ng matapos ang kasalang Lea at Blinkoln, matapos ito ay opisyal ng madedeklara si Blinkoln at Lea bilang susunod na hari at reyna ng mga bampira oras na mamatay si Zenu.

Nakalapit na si Zenu kay Brandon at inutusan ang mga bampirang magsitigil at lumayo sa kanila, alam ni Brandon na balak syang kalabanin ng hari ng mga bampira at tatay ni Lea na si Zenu sa mga oras na yun kaya nagumpisa na rin ito, nagpalabas si Zenu ng napakalakas na vampire essence na syang nakakatulong sa mga bampira upang mailabas ang kanilang buong lakas at anyong bampira, ang kulay ng vampire essence ni Zenu ay itim ang pinakamalakas na kulay ng vampire essence kapag ganito ang kulay ng vampire essence ng isang bampira ibig sabihin nito naabot na ng bampirang ito ang kanyang buong potential parehong lalaki at babaeng bampira ang pwedeng magkaganitong kulay ng...

To be continued...

No comments:

Post a Comment