Thursday, November 2, 2023

P.23 "Vendetta arrival to the vampire community"

P.23 "Vendetta arrival to the vampire community"

Habang nasa daan patungo sa vampire community ay nagpaalala si Froy sa lahat ng mga vendetta members kasama na si Brandon na sila munang dalawa ni Tuesday ang hayaang makalapit sa gate papasok sa vampire community upang maiwasang maamoy ang mga vendetta members na lahat ay tao, lalo at bukod sa matalas na pandinig, malinaw na paningin lalo na sa dilim ay may matalas na pang-amoy din ang mga bampira na nagagawang makaamoy ng mga tao at iba pang nilalang sa paligid nila kahit may kalayuan pa ito.

At nakarating na nga malapit sa vampire community ang mga vendetta members kasama sina Froy at Tuesday habang pinahinto ni Froy na nakatakip ang mukha ang vendetta members dahil kapag mas lumapit pa sila ay baka maamoy na sila ng mga bampirang nagbabantay sa gate ng komunidad ng mga bampira, kasama ni Froy na lumapit din sa gate si Tuesday na nakatakip din ang mukha. At ng tinanong silang dalawa ng guards na bampira kung ano ang dahilan at may nakatakip sa kanilang mga mukha ay nagwika si Tuesday na dahil sensitibo daw sila sa araw at nagtawanan lang ang dalawang gwardyang bampira lalo at alam naman nilang sabi-sabi lang yung pagiging sensitive ng mga bampira sa araw at hindi naman ito totoo, kaya binuksan na ng isang bampirang gwardya ang gate para tanggalin ang balabal sa mukha nina Froy at Tuesday at dito na nga inatake ni Froy at Tuesday and dalawang gwardyang bampira at agad namang kinumpasan ni Froy ang mga Vendetta members sa kalayuan na sumunod na.

Ng papalapit na sa simbahan sina Froy,Tuesday at mga vendetta members ay agad na ring naglabasan ang napakaraming mga bampira galing sa paligid nito na marahil nakaamoy sa mga vendetta members na tao, at nasa loob na ng simbahan ng mga bampira sina Lea at Blinkoln habang walang kamalay-malay si Lea na nasa labas na nito sina Brandon lalo at naguumpisa na ang kasal nya kay Blinkoln with a vampire priest.

Agad namang lumabas si Zenu at inutusan agad ang mga bampira sa paligid nyang siguraduhing isarado at bantayan lahat ng lagusan palabas at papasok sa simbahan para masiguradong hindi maabala ang pakikipagkasal ni Lea kay Blinkoln, at nagumpisa na ang labanan sa pagitan ng lahat ng mga bampira doon at mga vendetta members kasama sina Froy at Tuesday habang nanood si Zenu at nakabantay sa main entrance door ng simbahan sa bungad nito...

To be continued...

No comments:

Post a Comment