Wednesday, November 1, 2023

P.22 "Vendetta group head towards vampire community."

P.22 "Vendetta group head towards vampire community."

sinumbatan naman ni Jerry ng: pero Brandon hindi ka pa lubusang magaling kaya mo na bang lumaban ulit? Na sinagot naman ni Brandon na pasensya ka na Jerry pero pagdating kay Lea kahit buhay ko ay ibibigay ko at nagsalita si Froy na hindi pwedeng matuloy ang pagpapakasal ni Lea kay Blinkoln dahil ayon diumano kay Lea ay posibleng gusto lamang nakawin ng ama ni Blinkoln na si Pete ang kapangyarihan mula sa pamilya nila kaya nito inuudyukan ng todo na maikasal siya kay Blinkoln.

Kaya napilitan na rin si Karen na ilabas at gamitin ang isang eksperimento nyang pineperfect pa para kay Brandon dahil na rin sa malalim na pagtingin niya rito, na tinatawag nyang "Healing Liquid" isang klase ng likido na may kakayahang e-restore ang full energy and normal health ng isang tao at paghilumin lahat ng sugat nito o mga galos, ngunit binabalaan ni Karen si Brandon na hindi pa sya sigurado kung epektibo na ba ito lalo at pineperpekto pa raw nya ito kaya hindi pa nya pinapaalam kahit kanino maging sa vendetta group. Sinagot naman ito ni Brandon ng: Ayos lang Karen kung ang pag-inom lang nito ang paraan ngayon para maibalik ko sa normal ang buong lakas at enerhiya ko para mailigtas si Lea ay gagawin ko na mababakas naman sa mukha ni Karen ang selos sa sagot na ito ni Brandon kaya tumahimik na lang sya at tumalikod papasok pabalik sa kanyang sariling laboratory sa vendetta headquarters para maghanda matapos makitang gumana ang healing liquid kay Brandon, habang matapos ito agad namang naghanda lahat ng vendetta members lalo at alam naman nilang hindi na magpapapigil si Brandon sa pagtungo doon kasama si Froy para iligtas si Lea.

At ng gabi ring yun ay umalis na lahat ng vendetta members sa pangunguna ni Brandon kasama si Froy patungo sa vampire community, habang si Nica at Leo naman ang naiwan sa vendetta headquarters, at pinaalalahanan ni Brandon si Nica na wag matakot kay Leo lalo at kahit half vampire ito ay sanggol pa naman ito, at sumagot na lang ng oo si Nica dahil alam naman daw nyang wala ng ibang pwedeng mag-alaga kay Leo doon kundi siya na maiiwan, lalo at nagwika si Tuesday na sasama sya para tumulong sa pagliligtas kay Lea lalo at alam nya kung gaano kahirap at delikado ang misyong ito para kina Brandon at mga kasama nya, lalo at mismong lugar ng mga bampira ang pupuntahan nila...

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...