Saturday, October 28, 2023

P.18 "Saving Tuesday"

P.18 "Saving Tuesday"

Habang patuloy na nakikipaglaban sina Brandon at Aron sa mga bampira ay si Tuesday naman habang tumatakas ay may humila sa kanya sa gilid ito'y noong mga oras na malapit na syang maabutan ng tatlong bampirang humahabol sa kanya. At ito ay si Jerry kasama sina Karen at Ren na papunta na sana sa direksyon nina Brandon para sakluluhan sila, lingid sa kaalaman ng mga vendetta members naisama na si Jerry ng isang beses ni Brandon sa bahay nina Lea kaya kilala na nito si Lea,Tuesday at mga magulang nito.

Sinenyasan ni Jerry si Tuesday na wag maingay sa pamamagitan ng pagtakip sa labi nito ng kanyang hintuturo para hindi sila marinig habang karga ni Tuesday si Leo at ng nasa lugar na yung tatlong bampira ay tig-isa nina Jerry,Karen at Ren itong inatake at dahil sa liquid na naimbento ni Karen hindi na nila kinailangan lapitan ang mga ito para pugutan ng ulo.

Matapos ito ay sinabihan ni Jerry si Karen kung pwedeng samahan na lang sina Tuesday sa headquarters pero tinitigan lang ni Karen yung sanggol na hawak ni Tuesday at nagwikang: si Ren na lang Jerry, pupuntahan ko na para sakluluhan si Brandon.' Alam ni Jerry na posibleng dahil ito sa selos ni Karen kay Lea at bago pa masabihan ni Jerry si Ren ay nagsalita na si Ren na: ako ng bahala Jerry' at sumagot na lang si Jerry ng: salamat ren' at matapos umalis ni Ren with Tuesday and Leo ay sinundan na agad ni Jerry si Karen para sakluluhan sina Brandon.

Si Aron ay nawalan na ng malay matapos mabagok sa pakikipaglaban habang si Brandon ay sugatan ng hawak ng maraming bampira at habang nakaluhod na hawak ng mga bampira ay kinausap sya ni Zenu at tinanong sya ng ilang mga bagay katulad ng gaano katagal na silang magkarelasyon ni Lea at kung alam ba nitong bampira si Lea, at sa mga tugon naman ni Brandon ay nagsasaad sya na wala syang alam about sa totoong pagkatao ni Lea but mahal nya ito at kung paanong napakawalang kwentang ama ni Zenu kung sya man raw ang tunay nitong ama na mababakas sa mukha ni Zenu ang pagka-offend sa sagot na yun ni Brandon at ilang saglit lang ay naputol na pag-uusap nila dahil dumating na sa lugar sina Stone at Ash na agad kumalaban sa mga bampira para sakluluhan si Aron at Brandon, at ilang saglit lang ay dumating na rin...

To be continued...

No comments:

Post a Comment

P.45 "10 years later"

P.45 "10 years later" nito sa pakikipaglaban base sa kanyang kaalaman ...