Friday, November 24, 2023

P.44 "King Julian gives his approval to Aron & Tuesday"

P.44 "King Julian gives his approval to Aron & Tuesday"

At matapos ang wikang iyon ni Felipe ang personal bodyguard leader ni Haring Julian ay nagwika na ang hari kina Aron,Tuesday at Krolo ng: sige pinapahintulutan ko ang pagpapalibing ng inyong mga kasamang vampire hunter dito sa loob ng aking kaharian at ang pagtuloy niyo sa headquarters ng venator vampire hunting group pero wag nyong sasayangin ang tiwala at pabor na binigay ko dahil isang beses ko lang ito binibigay.' na sinagot namang pareho nina Aron at Tuesday ng salamat at mababakas sa mukha ni Krolo ang galak dahil malaki rin ang utang na loob nya kay Brandon at Aron na nagligtas sa buhay nya noon against vampires at para na rin nyang nababayaran ang utang na loob na ito ngayon.

Matapos makalabas sa palasyo ni haring Julian sina Aron,Tuesday kasama ang sanggol na si Leo at Krolo kasama ang lahat ng myembro ng venator vampire hunting group pati si Jack na bago pa man sila dumating sa palasyo ay nandoon na sa library at nagbabasa ng nebro, ay agad ng tulong-tulong sina na inilibing sa bakanteng lupa ng libingan ng mga namatay ng kawal at mga tauhan sa loob kaharian. Sina Aron at ang lahat ng myembro ng venator kasama si Krolo ay tulong-tulong na naglibing habang si Tuesday naman na karga ang sanggol na si Leo ay nanonood at nakatayo sa gilid.

Ang venator headquarters ay matatagpuan sa loob ng kaharian ng regnum hindi ganun kalayuan sa mismong palasyo na kung nasasaan si King Julian at pamilya nito kaya napakagandang dito muna manirahan sina Aron,Tuesday at lalong lalo na ang sanggol na si Leo na  tinutugis ng mga bampira sa utos na rin ni Blinkoln dahil sa hula di umanong banta ito sa kanyang paghahari ang isang kasinungalingang sinabi sa kanya ni Van lalo at magbibigay ito ng proteksyon sa kanila na hindi sila basta basta matunton at masugod ng mga bampira.

Matapos makabalik sa venators headquarters ang lahat ng myembro nito at sina Tuesday,Aron at karga nito na si Leo ay nagwika si Krolo kay Aron ng: Ngayong dito na kayo mananahan sa headquarters namin Aron siguro mas makakabuti kung hindi muna kayo lalabas ng bakod nitong kaharian para maiwasan ding malaman ng kahit na sinong bampira na nandito kayo na pareho namang sinang-ayunan nina Aron at Tuesday. Doon na rin nag-umpisa ang pagiging magkakilala nina Tuesday at Jack na parehong studyholic at madalas magkatulong sa mga research sa vendetta headquarters habang si Aron naman ay nag ask kay Krolo na e train sya...

To be continued...

No comments:

Post a Comment