Tuesday, November 21, 2023

P.42 "Asking King's permission"


P.42 "Asking King's permission"

Ang vendetta at venator vampire hunting group ay ang dalawa sa tatlong vampire hunting group na matatagpuan sa lugar ng Regnum ang capital city ng bansang Argentum na kung nasasaan sila, dahil sa pagkamatay ng halos lahat ng myembro ng vendetta ay nagbigay wakas na rin ito sa grupong ito kaya dalawa na lang ang natitirang vampire hunting group na matatagpuan sa regnum ang venator na nagsisilbing protector ng kahariang matatagpuan din sa lugar against vampires at ang isa pang vampire hunting group.

At kinaumagahan na nga kinabukasan matapos makatulog din sa headquarters ng venator sina Aron at Tuesday ay pinasama na sila ni Krolo kasama ang iba pang myembro ng venator group papunta sa kahariang pinaglilingkuran nila para makausap nila Aron at Tuesday ang haring namumuno doon para humingi na rin ng pahintulot na ipalibing ang mga kasamahan nilang vampire hunters sa lugar, at nakarating na nga sina sa loob ng palasyo ng hari na hindi kalayuan sa headquarters ng venator at doon na nakita nina Aron kasama si Tuesday karga ang sanggol na si Leo, at Krolo kasama ang lahat ng myembro ng venator group except si Jack na nagpaiwan sa headquarters nila dahil may tatapusin pa raw itong bagong eksperimento ang hari ng kaharian na si King Julian Romniserek ang kasalukuyang hari ng kahariang may katawagan ding regnum same sa pangalan ng capital city ng bansang yun na ang ibig sabihin ay kingdom o kaharian lalo at ito ang kahariang namamahala sa bansang argentum na kilala bilang number 1 source of precious metals sa buong mundo especially silvers at katuwang ng gobyerno doon. Dito na nagwika si Krolo kay King Julian ng: mahal na hari may nais akong ipakiusap sa inyong mga kaibigan ko.' na nilingon naman ng hari habang kinakausap ang isa sa mga tagapaglingkod nito sa kaharian. At nagwikang: o Krolo sino itong mga kasama mo at may sanggol pang kasama at ano ang pakay nila rito? Na sinagot naman ni Krolo ng: Meron po silang nais na ihingi ng pahintulot sa inyo.' at tumingin si Krolo kay Aron para magwika na ito, at nagwika na si Aron sa hari ng: tama po si Krolo Ako po ay myembro ng vendetta vampire hunting group at ang tanging nakaligtas sa pag atakeng ginawa ng mga bampira sa aming headquarters sa ngayon wala kaming matutuluyan lalo at may sanggol kaming kasama at kailangan din po namin ng mapaglilibingang maayos na lugar sa aking mga nasawing kasamahan kaya kung ipahihintulot niyo baka pwede silang mailibing dito sa loob ng kaharian niyo.' Na sinagot ng hari ng: ito bang kasama mong babae iho ay...

To be continued...

No comments:

Post a Comment