Saturday, November 18, 2023

P.38 "The start of new beginning"


P.38 "The start of new beginning"

Habang si Froy naman na nakita ang pagpatay ni Blinkoln kay Brandon ay napagtantong kamatayan na rin ang sasapitin nya sa lugar bilang huling lumalaban doon sa grupo ni Blinkoln, kaya naisip nya ng tumakas na lang kaso bago pa man sya tuluyang makaalis sa lugar ay hinarangan na sya ni Anton habang napapalibutan din ng marami pang ibang mga bampirang kasama nito at alam nyang pwedeng doon na rin sya mamatay ang magagawa na lang nya ay ang ibigay ang buong lakas niya para makagawa ng paraang tumakas.

Si Pete naman ay patuloy pa ring ginagamot ng bampirang manggagamot, ganun din si Van na tinamaan din ng dalawang bala ni Jerry na may vampire killing chemical matapos nitong bumalik sa ordinary form nito ay agad na rin itong nagpagamot dahil alam nilang pwede silang mamatay mula sa imbensyong likido na ito ni Karen kung hindi agad sila magagamot ng bampirang manggagamot.

Sina Aron at Tuesday naman kasama ang sanggol na si Leo ay tuluyan ng nakalayo sa lugar at nakaligtas ngunit hindi nila alam kung saan sila pupunta matapos ito.

At matapos ngang matalo at mapatay din ni Anton kasama ang marami pang bampira si Froy ay umalis na sa lugar ang mga bampira na pinangungunahan ni Blinkoln ngunit nag-utos sya sa maraming manlalabang bampira na sundan ang mga nakatakas na kasama ng vendetta group at wag babalik ng hindi dala ang sanggol na si Leo sa kanya dahil kung hindi sila ang paparusahan nito ng kamatayan, mababakas ang magkahalong emosyon ng pagkadismaya at galit sa mukha ni Blinkoln habang iniuutos ito dahil yun ang pinakapakay nila doon ang madispatsa ang sanggol na si Leo na banta sa kanyang paghahari.

Habang patuloy na naglalakad ay may nakasalubong sina Aron at Tuesday na karga ang sanggol na si Leo na isang lalaki at nagwika ang lalaking ito ng: ikaw babae isa kang bampira tama? Na sinagot naman ni Tuesday ng: oo at paano mo yun nalaman?' at sinabihan ni Aron si Tuesday ng humanda ito lalo at mukhang vampire hunter ang lalaking yun.' at ilang saglit lang ay biglang may isa pang lalaki ang dumating sa lugar at nagwikang: Aron ikaw ba yan? Na sinagot naman ni Aron ng: Krolo anong ginagawa mo dito? (Si Krolo Moreses ay isang vampire hunter at leader ng sarili nitong vampire hunting group na tinatawag na Venator group, na naging kaibigan nina Aron at Brandon matapos nilang iligtas ito sa bingit ng kamatayan ng mapalaban itong mag-isa habang napapalibutan ng maraming bampira.)

To be continued...

No comments:

Post a Comment