Sunday, November 12, 2023

P.32 "The discovery of vendetta headquarters"

P.32 "The discovery of vendetta headquarters"

Naging patuloy ang paghahanap ng mga manlalabang bampira sa vendetta group at headquarters nila habang patuloy pa ring nagpapalakas at nagpapagaling ang ilan sa mga vendetta members matapos ang naging pagsugod nila sa vampire community para iligtas si Lea ilang araw na ang nakalilipas, hanggang sa isang araw umaga may na detect sa kanilang vampire detector na likido ang mga vendetta members sa headquarters nila kahit sina Tuesday at Froy na nandoon ay naramdaman na may malapit na bampira sa kanila, at may isa ngang manlalabang bampira ang nakakita sa lugar kung saan nakita nyang nandoon ang mga vendetta members kasama sina Froy,Tuesday at ang sanggol na anak nina Lea at Brandon, agad na nagtago sa kakahuyan ang bampira na ito at tumakbo papalayo para ipagbigay alam ito sa Kasalukuyang hari ng mga bampira na si Blinkoln, habang si Froy na agad lumabas ay nakitang may umugang mga halaman sa kalayuan hindi na nga lang nya nasigurado kung yun yung bampirang na detect nila at matapos bumalik ni Froy sa Loob ng vendetta headquarters ay nagwika syang hindi raw magandang senyales yun para sa mga vendetta members lalo at posibleng may nakakitang bampira sa lugar at ipagbigay alam ito sa hari nilang si Blinkoln na magdahilan para sugurin sila doon ng mga bampira.

Nagwika si Brandon na tama raw si Froy at kailangan nilang lumisan sa lugar sa lalong madaling panahon, na sinangayunan naman ng lahat ng nandoon kaso nagtanong si Nica ng: Kaso Brandon saan naman tayo pupunta? At sumagot si Brandon ng: Hindi na yun mahalaga sa ngayon Nica ang mahalaga ngayon ay masigurado natin ang kaligtasan natin lalo at marami pa sa mga myembro natin ang hindi pa lubusang gumagaling kaya kung sakaling susugurin tayo rito ng maraming bampira ay baka hindi natin magawang depensahan ang mga sarili natin.

At pahapon na ng araw na yun ng nakahanda na ang lahat ng vendetta members at sina Tuesday,Froy and Leo na karga ni Tuesday na umalis ng biglang nagkuluan ang vampire liquid detector ng mga vendetta members na kahit sina Froy at Tuesday ay naramdaman ang paparating na maraming bampira at nagwika si Jerry ng: Brandon mukhang huli na tayo, at nagwika naman si Brandon bilang leader ng vendetta group ng: humanda kayong lahat at Tuesday at Froy itakas niyo ng dalawa si Leo at isama niyo na rin sina Nica at Aron, nagwika naman...

To be continued...

No comments:

Post a Comment