Thursday, November 9, 2023

P.30 "Ang hula kay Van"

P.30 "Ang hula kay Van"

At habang nagpapahinga at nagpapagaling pa rin si Brandon at ilan sa mga vendetta members sa headquarters nila ilang araw ang nakalilipas matapos nilang subukang iligtas si Lea na kung saan hindi naging matagumpay ay ipinakilala na rin ni Blinkoln si Van Dern sa mga bampira bilang kanyang kanang kamay at tagapamahala ng mga manlalabang bampira, maraming bampira ang nagulat dito pero tinanggap din naman nila at ang unang iminungkahi ni Van kay Blinkoln ay ang pagbabalik ng batas ng mga bampira na pagsipsip ng dugo ng mga tao upang manatili ang pagkakameron nila ng mahabang buhay close to immortality lalo at mas magpapalakas daw di umaano ito sa kanilang uri na sinira ni Zenu ng sya ang naging bagong hari dahil sa pagtanggal dito na sinunod naman ni Blinkoln. Kaya simula noon nagbalik sa pagsipsip ng dugo ng mga tao ang mga bampira at naging laganap ulit ang pag-atake ng mga bampira sa mga tao.

Isang araw nagdesisyon si Van na magpahula sa isang babaeng bampirang manghuhula kung ano ba ang nakikita nito sa kanyang hinaharap, ang babaeng manghuhula habang hawak ang kamay ni Van ay nagwikang: nakikita kong ikaw ang susunod na magiging hari ng mga bampira matapos ang Kasalukuyang hari, na mababakas sa mukha ni Van ang tuwa dahil ito naman talaga ang plano nya after makuha nina Pete ang kapangyarihan ay unti-unti nya itong aagawin para sya ang makabalik sa pagiging hari ng mga bampira, ngunit may dagdag na wika ang manghuhula na di umano raw ay hindi rin magtatagal ang paghaharing yun ni Van sa mga bampira dahil may isang lalaking half vampire/half human ang nakatakdang pumatay sa kanya at maging bagong hari ng mga bampira, at sumagot si Van ng: anong sabi mo half vampire/half human? Diba pinagbabawal yun sa batas nating mga bampira? At sumagot naman ang babaeng bampirang manghuhula ng: oo pero babaguhin ang batas na ito ng parehong lalaking yun. At humingi si Van ng karagdagang impormasyon about sa lalaking ito na nakatadhanang pumatay sa kanya at nagwika ang babaeng manghuhula na Kasalukuyan itong sanggol at anak daw di umano ng isang vampire hunter at mataas na posisyong bampira, habang napaisip ng malalim si Van ay naisip nyang hindi maganda kung may ibang makakaalam ng hulang ito ng babaeng bampira kaya matapos lumabas ng kubo ng babaeng bampira na nanghula sa kanya ay inutusan nya ang...

To be continued...

No comments:

Post a Comment