Wednesday, November 8, 2023

P.28 "Zenu's death"

P.28 "Zenu's death"

si Jerry naman ay may hawak ring pistol sa isa nyang kamay lalo at patuloy pa rin silang inaatake ng maraming bampira sa paligid nila kahit paalis na sila, at inutusan ni Jerry si Stone na dalhin ang vampire slayer sword nito lalo at si Stone lang ang may sapat na lakas para buhatin ito sa lahat ng mga vendetta members except it's owner na si Brandon at tumakas na nga sila kasama ang lahat ng mga vendetta members at si Froy, si Tuesday naman raw ay susunod na lang daw at may kukunin lang daw saglit sa bahay nila bago tuluyang umalis sa lugar, na sinabihan naman ng vendetta group na mag-ingat at sinabihan ni Froy na isama sya pero tumanggi si Tuesday dahil mas magiging ligtas at madali kung sya lang daw mag-isa lalo at shortcut naman daw ang dadaanan nyang lugar patungo sa naiwang bahay nila.

Matapos madala si Zenu sa isang bakante at may kadilimang kwarto para gamutin ng manggagamot na bampira habang ito ay hinang-hina na ay pumasok sa loob sina Pete,Anton,Blinkoln at Van Dern na ikinagulat ni Zenu kahit nanghihina na itong nakahiga at ng magpapalag ito ay hinawakan agad sya nina Blinkoln at Anton sa magkabila nitong braso, habang nagsasalita si Van Dern ng: O nagulat ka ba Zenu? Tama ka ako ito at nandito ako para balikan ang naiwan kong kaharian para maglingkod muli sa ating sangkabampirahan. At ang tugon na lang ng nanghihinang si Zenu ay: Traydor ka Pete!' Si Pete naman ay walang imik kahit na sina Blinkoln at Anton at sinenyasan na ni Pete si Anton para putulin ang ulo ni Zenu na ginawa naman agad ni Anton at sa mga oras ding yun na napatay na rin si Zenu ay si Blinkoln na ang magiging bagong hari ng mga bampira. Kitang kita ito ni Tuesday dahil napadaan sya sa lugar na yun bago tuluyang nakasunod sa mga vendetta members at Froy palabas ng komunidad ng mga bampira dahil may mga mahahalaga syang gamit na kinuha sa kanilang bahay dahil alam nyang posibleng yun na rin ang huling beses na makakapunta sya sa lugar na yun.

Matapos tuluyang makabalik ng headquarters ng mga vendetta members kasama sina Tuesday and Froy ay agad ng nilapatan ng lunas at pinagpahinga ang mga sugatan nitong myembro lalo na si Brandon, lahat ay halos malungkot lalo at alam nilang hindi naging matagumpay ang misyon nila na iligtas si Lea at doon na rin nagwika si Tuesday sa nakita nya na pagpatay kay Zenu ni Anton na kung...

To be continued...

No comments:

Post a Comment