Sunday, November 5, 2023

P.26 "Lea's Death"

P.26 "Lea's Death"

na si Brandon na sugatan na rin sa dami ng atake at sugat na nakuha niya kay Zenu habang patuloy na nakikipaglaban dito, nagawa rin nyang sugatan ng kaunti si Zenu pero hindi pa ito sapat para matalo o mapahinto man lang sa paglaban ito.

At saktong natapos na ang kasal nina Lea at Blinkoln ay saka rin nagawa ni Lea na makaalpas sa pagkakahawak sa kanya ng mga bampirang nakahawak sa kanya at agad syang tumakbo patungo sa direksyon ni Brandon habang nakikipaglaban ito kay Zenu, nakita sya ni Brandon at agad itong sinalubong at yinakap habang si Blinkoln naman na kitang-kita sa mukha ang pagkainis ay pinigilan ng kanyang ama na si Pete na sumunod kay Lea lalo at papunta na rin sa direksyong yun ang ibang mga myembro ng vendetta members, at alam ni Pete na kung sakaling may masamang mangyari kay Zenu at Lea sa lugar na yun ay automatic na si Blinkoln ang magiging bagong hari ng mga bampira at malilipat na sa angkan nila ang kapangyarihan.

Sinabihan ni Lea si Brandon na tumakas na lang kasama ang kanyang mga kasama, ngunit sumagot naman si Brandon ng hindi sya aalis doon ng hindi kasama si Lea lalo at ito diumano ang pinaka dahilan kung bakit sila pumunta doon, sumagot naman si Zenu na nasa harap nila na naririnig daw di umaano nito ang pinag-uusapan nila at hindi nya hahayaang makalabas ng lugar na yun si Lea lalong lalo na si Brandon at ang mga kasama nito ng hindi napaparusahan ng kamatayan. Bigla namang sumulpot si Tuesday sa tagiliran ni Lea at sinabihan itong sumama na sa kanya palabas ng simbahan, ngunit nagtanong si Lea kung paano si Brandon at nagwika si Brandon na susunod na lang daw sya ang mahalaga ay mapigilan muna nila ang ama nitong si Zenu na pigilan sya sa pagtakas, ngunit sa mga sandali ring yun ay umatake ng sobrang bilis at lakas si Zenu kay Brandon na halos hindi nito nasalag at nagpatalsik dito at sa vampire slayer sword nito, ng aatakihin na ulit ito ni Zenu habang hindi pa tuluyang nakakatayo ay tumakbo si Lea papunta sa direksyon na yun leaving Tuesday at iniharang niya ang sarili niya sa atake ni Zenu na nagresulta sa pagbaon ng kamay ni Zenu sa likuran ni Lea na lumampas hanggang sa harapan nito direkta sa puso nito, at kitang kita ito nina Tuesday,Froy,Brandon at ng iba pang mga vendetta members na nasa loob na ng simbahan na sina Jerry at Stone. At ito na nga ang kumitil sa...

To be continued...

No comments:

Post a Comment