Wednesday, November 1, 2023

P.21 "Froy's escape from prison"

P.21 "Froy's escape from prison"

upang mapigilan ang pagpapakasal ni Lea kay Blinkoln at para iligtas na rin si Lea, lalo at nakukwento rin ni Lea kay Froy dati ang kanyang hinala na kaya gustong gusto ng ama ni Blinkoln na maikasal ito kay Blinkoln ay para malipat sa lahi nila ang kapangyarihan.

At ginawa nga ni Froy ang kanyang makakaya upang makatakas at nagawa nyang makatakas ng walang nakakakita pahapon ng lunes, agad itong napansin ng mga bantay na nagbabantay sa kulungan nya at nireport kay Zenu na agad namang nag-utos sa mga tauhang bampira nya na hanapin si Froy at hulihin buhay o patay lalo at alam nyang pwede itong maging banta sa magiging kasal na gaganapin kinabukasan nina Lea at Blinkoln na hindi na nya pwedeng iatras pa lalo at lahat ay nakahanda na para rito.

Palubog na ang araw ng magsalubong ang landas nina Froy at Jerry kasama si Stone na nangangahoy hindi kalayuan sa kanilang headquarters, nakahanda ng umatake si Stone ng pigilan sya ni Jerry lalo at hindi nakainom ng vampire neutralizer pill si Froy kaya madali syang nadetect ng boiling liquid ng dalawa, nagwika si Jerry ng: Froy ikaw ba yan? At sumagot si Froy ng oo.

Nakilala ni Jerry si Froy noong isang beses syang pumunta sa ginawang bahay ni Lea sa gubat kung saan nandoon si Froy ng mga oras na yun na ipinakilala sa kanya ni Lea bilang matalik niyang kaibigan at kababata habang kasama ni Jerry noon si Brandon.

Nagtanong si Froy kung nakaligtas ba si Brandon sa pag-atake ng ama ni Lea, lalo at nasabi na rin ni Jerry na alam na nyang mga bampira sila at nasa headquarters nila si Tuesday at anak ni Lea na si Leo kaya sinagot rin ni Jerry ng oo nakaligtas si Brandon at kasama sina Tuesday at anak nitong si Leo na nasa headquarters nila at nagpapagaling. Kaya nagwika si Froy kay Jerry kung maari ba siyang samahan kay Brandon at may sasabihin raw sya ritong mahalaga.

Matapos makapangahoy ay sinamahan na ni Jerry at Stone si Froy sa kanilang headquarters kung saan nagkita sila ni Brandon at dito nilahad lahat ni Froy kay Brandon na ilang oras na lang ang natitira sa kanila upang mapigilan ang pagpapakasal ni Lea kay Blinkoln na sinagot naman ni Brandon ng: kung ganun Froy kailangan na nating umalis ngayon at...

To be continued...

No comments:

Post a Comment