Wednesday, October 18, 2023

P.7 "Introduction to Vampire Community"

P.7 "Introduction to Vampire Community"

mahalaga di umano ang sasabihin ng ama ni Lea sa kanya at baka magalit na ito na sinagot naman ni Lea ng saglit lang naman kaya napilitan na ring pumayag at sumama si Froy kahit deep inside ay naiinis/selos na siya dahil sa sobrang atensyong binibigay ni Lea kay Brandon gayung unang beses palang naman nilang nagkakilala.

Kaya noong paalis na sila ay kinumpasan ni Froy yung mga guard na sumunod palihim dahil pupunta pa sila sa bahay ni Brandon, at noong nakarating na sila sa bahay ni Brandon si Lea ay nagmasid at tanong ng kaunti kay Brandon about sa lugar at nagwikang hanggang sa muli nilang pagkikita at umalis na ito kasama si Froy, kahit si Aron na bata pa ay nakahalata sa kilos ni Lea at ng hindi pa naman kalayuan sina Lea at Froy ay nagwika si Aron kay Brandon ng: "Sa tingin ko ay gusto ka nya." at napaumis na lang si Brandon kahit si Lea dahil malakas ang pandinig ng mga bampira kumpara sa ordinaryong tao at hindi pa naman sila ganun kalayo, habang si Froy na narinig rin ito ay nakatingin lang kay Lea na nakaumis habang sya ay parang nagtatakang/nagseselos. At pumunta na sila sa direksyon ng mga gwardya at tuluyan ng umuwi upang malaman ang mahalagang sasabihin ni Zenu kay Lea.

Tinanong naman ni Brandon si Aron kung disidido ba talaga itong maging vampire hunter like him at sumagot naman ng oo si Aron kaya at that same afternoon ay nagsimula ang kanilang pagsasanay.

Nakarating na sina Froy at Lea sa kanilang pook, malalaki at mamahalin ang mga bahay dito kaya walang ordinaryong tao ang mag-aakala na puro bampira ang nakatira rito, may sarili rin sila ritong simbahan na mga bampira lang din ang pwedeng sumimba at dito ginaganap ang kasal ng mga bampira ang tanging okasyon sa simbahan nila.

Walang hayop ang nakakapasok o lapit sa lugar na yun kahit  kabayo, kalat din ang kwento na marami na raw tao ang pumunta sa pook na yun na hindi nakabalik, hindi nila alam na ito ay ang mga tao na nakadiskubre na mga bampira ang mga naninirahan roon kaya ikinukulong or exile sa malayo at tagong isla sila but not patayin sa utos na rin ni Zenu dahil wala naman silang ginawang masama sa kanila.

Marami ring bampira doon ang may mataas na posisyon at kilalang pangalan kaya madali nitong napagtatakpan ang pagiging bampira ng mga tao naninirahan doon. At umiinom na lang ng vampire neutralizer pill kapag nasa lugar sila na pwedeng may maka-detect sa kanilang vampire essence.

Nagkaharap na sina Zenu at Lea at agad sinabi ni Zenu ang mahalagang bagay kay Lea na nagtatakda na siya ng petsa kung kelan ikakasal...

To be continued...

No comments:

Post a Comment