Wednesday, October 25, 2023

P.14 "Ang pagsugod ni Zenu at mga bampira sa bahay ni Lea"

P.14 "Ang pagsugod ni Zenu at mga bampira sa bahay ni Lea"

-wak ni Blinkoln at Anton si Froy ay pinaulanan ito ni Zenu ng suntok at sipa at tinanong kung paano nito nagawang magtraydor sa kanya at ang naging tugon lang ni Froy ay dahil mahal nya ang anak nito, inutusan ni Zenu na ikulong na muna si Froy at samahan na sya sa kinaroroonan ni Lea at ng karelasyon nitong vampire hunter, at nagwika naman si Blinkoln habang hawak ang duguang si Froy kung hindi pa ba ito dapat na patayin, sumagot si Zenu na marami pa syang gustong itanong rito at may mas mahalaga silang dapat gawin ngayon which is yung pagpunta sa kinaroroonan ni Lea.

Kaya kinulong na muna nina Anton at Blinkoln si Froy at agad ng lumabas kasama si Zenu at maraming bampira na tinawag nina Pete at iba pa including Zenu, at sila ay tumungo na sa lugar, habang sina Lea,Leo at Brandon ay natutulog at walang kamalay-malay sa paparating na panganib sa mga susunod na oras.

Pasikat na ang araw kinaumagahan at paalis na rin si Brandon ng kanyang mapansin ang kanyang vampire detector na isang babasaging lalagyang bilog na may likidong parang tubig sa loob ay kumukulo ng sobrang tindi (Pagkulo ang pahiwatig nito na may vampire essence sa malapit itong nararamdaman.) at kinabahan si Brandon dahil ito ang pinakamalakas na pagkulo nitong nangyari at ibig sabihin noon ay either sobrang lakas ng bampirang nadedetect nito o sobrang dami nila. Kaya agad ginising ni Brandon si Lea at ang lahat ng nasa bahay saktong dumating na rin si Aron doon at sinabihan na rin sya ni Brandon na humanda at nagpaputok na rin si Brandon ng Firework na pantawag sa iba pang myembro ng vendetta dahil alam nyang baka hindi kayanin nilang dalawa ni Aron ang mga papalapit na bampira, ang firework na ito ay iba sa  binigay ni Brandon sa mga magulang ni Aron bago siya umalis doon noong sinave nya ang mga ito sa lalaking bampira na umatake, yun ay personalized firework na pantawag lamang sa kanya at hindi sa iba pang myembro ng vendetta, ang firework na pinaputok nya now ay para sa grupo pantawag ng atensyon or back up from the other members if they are in danger like the current situation of Brandon.

At kahit sina Lea,Tuesday at mga magulang nito ay kinakabahan dahil alam nilang posibleng si Zenu na ito at posibleng nabuko na ang...

To be continued...

No comments:

Post a Comment